I don't care who you are..
Where you're from..
What you did..
As long as you love me..
Who you are..
Where you're from..
Don't care what you did..
As long as you love me..Every little things that you have said and done..
Feels like it's within me..
Doesn't really matter if you're on the run..
It seems like we're meant to be..Napapangiti si Jax habang nakikinig ng music. Wala itong pakialam kung magmukha itong baliw kakangiti. Basta masaya ito.
Habang si Brielle naman ay nakatulala lang habang nakatingin kay Jax.
"Ano kaya naiisip ng halimaw na 'to at nakangiti?"she thought to her self.
"Ma's lalo siyang gumagwapo pag nakangiti."napawaksi ito sa iniisip. Napapa-iling na lamang ito.
Kinuha niya ang cp sa kanyang bulsa ng tumunog ito. Tiningnan niya ang screen kung sino ang tumawag...
It was Lance.
Nagdalawang isip pa ito kong sasagutin niya ba ang tawag o hindi.
"Hello?"sagot nito sa tawag.
"Lance? Napatawag ka?"
Bigla naman nagbago ang mood ni Jax ng marinig ang pangalan ni Lance hindi naman kasi ganun ka lakas ang music para hindi niya marinig kung may nag-uusap man. Tinanggal nito ang earpiece sa kanyang tenga at padabog na tinapon iyon. Agad naman itong napansin ni Brielle.
"Sir, bakit mo tinapon?"tanung nito matapos patayin ang tawag. Pinulot nito ang earphone at pinatong sa mesa.
"Who is it?" Tanong niya kahit na alam naman niya na si Lance lang tumawag.
"Po?"takang tanung nito. Bigla-bigla nalang kasi nagbago ang mood nito. Kanina lang nakangiti ngayon naman ay nakasimangot.
"Yung tumawag sayo! Sino 'yon?"iritang sagot nito.
"Si ano po.. si L-Lance po, nangangamusta lang---"
"Tsk! Makikipag kita ka na naman ba sa lalaking 'yon?"
"H-hindi ah.... paano ako makikipag kita sa kanya eh ang dami-dami niyong utos sa akin?."
"Then, why is he calling you?"
"Nangangamusta nga lang---"
"Why?"
"Anung why? Bakit di ba ako pwedeng kamustahin? Kung buhay pa ba ako, kung humihinga pa, kung kumakain pa. At bakit ba ang sungit mo?"
"Tsk....just don't talk to that guy again!"
Naningkit ang mga mata nito."kakausapin ko kung sino ang gusto kung kausapin."
"Ba't ba ang kulit mo!? Sundin mo nalang!"napataas ng kilay si Brielle dito, bigla bigla nalang kasi itong napataas ng boses.
"Bakit ka nakasigaw? At isa pa hindi naman kriminal si Lance para pag bawalan mo ako na kausapin siya."
"Kasi ayaw ko na kinaka-usap mo siya. Na may kausap kang ibang lalaki. Ayaw ko na kasama mo siya. Ako lang dapat 'yon."
"Nagseselos ka ba?"
"Tsk! Why should I be jealous? I've never been jealous......... ngayon lang."
"Luhhhh...John Llyod Crus, ikaw ba yan?hehehe"
"Tss...seryoso ako."
Biglang natahimik si Brielle.
"Hangga't di ko pa nasisigurado sa sarili ko kung ano ba talaga 'tong nararamdaman ko para sayo. Hindi ka pwedeng makipag-usap sa ibang lalaki. Maliban sa akin."
"Kahit sa tatay mo? At kay sir Jex? Gustong-gusto ko pa naman kausap si sir Jex, ang sarap pa naman niya kausap."nanghihinayang na wika nito.
"Tsk! May gusto ka ba sa kuya ko?"
"Crush ko---"
"WHAT? So, you're flirting with my brother!?"
"Crush lang flirt agad? Di pwedeng humahanga lang, ganun!? Maka react kala mo naman pinag nanasaan ko 'yong kuya mo."
"Tsk! Hindi ba? At isa pa I just want to make sure, na wala akung kaagaw."paninigurado nito.
"Wow huh, kaagaw agad!? Di ka pa nga sigurado diyan sa feelings mo eh. Tapos pagbabawalan mo 'ko? Paano kung dahil lang yan sa parati mo akung kasama, dahil sa atensyon na binibigay ko sayo, dah----"
"I know what I feel. Puso ko 'to. Hindi naman ako tataya sa isang bagay na alam kung wala namang patutunguhan. Gusto kita at hangga't gusto kita, dito ka lang sa tabi ko."
"Hallaaaa... kasasabi mo lang na hindi kapa sigurado tapos gusto mo na agad ako? Ang bilis naman ng desisyon niyo sa buhay. At paano naman ang nararamdaman ko? Hindi dahil gusto mo ko o trip mo lang, eh makokontrol mo na ako. Di porket gusto mo na ako gusto na din kita."
"Bakit? Wala ka bang nararamdaman para sakin?"
Biglang natahimik si Brielle, hindi ito maka pagsalita dahil siya mismo hindi din sigurado sa nararamdaman niya para kay Jax. Ang tanging alam lang niya ay masaya ito sa tuwing nakakasama at nakikita niya si Jax. Nag-iiba ang tibok ng puso nito pagdating kay Jax.
"Bakit hindi ka makasagot?"segundang tanung ni Jax dito.
"Ano ba ang kailangan kung isagot diyan sa tanung mong pabigla-bigla."
"Yung sagot na magpapabago sa buhay ko. Alam mo ba kung ano ang iniisip ko? Iniisip ko 'yong sinabi mo sa akin sa ferris wheel nun sa amusement park. Na hindi ko dapat pagkaitan ang sarili ko na maging masaya. Sana ikaw din. Dahil sa ikalawang pagkakataon gusto kung masilayang muli kung gaano kaganda ang mundo sa tuwing kasama ka."
BINABASA MO ANG
I Am His Private Nurse
De TodoBrielle Mendez a dedicated nurse with a big heart. Jolly at masayahin, pero paano nalang kung isang araw ay maging private nurse siya ng isang masungit, bad temper at palaging nag mumura na si Jax Damon Delpierro?