Aika, Tricia and Jillian slept in the other room after the incident during dinner and when everyone else was already asleep, Jorge sneaked out of their condo and went to the lobby.
She went out of the building when she saw a familiar car and she walked towards it. The front seat window opened.
"Jorge, anak sakay ka na." Risa said and unlocked the passenger's seat
Jorge went inside Risa's car with her luggage.
"Mama Ris, sorry po sa istorbo." Jorge said apologizing to Risa
"Wala iyon, anak. Ano ka ba." Risa replied
"Alam ko pong magagalit si mama sa ginagawa niyo ngayon pero tinulungan niyo pa rin po ako." Jorge said
"Alam kong mali na tumakas ka kay Leni pero tinutulungan kita kasi kailangan mo ng tulong. Hindi ko hahayaang lumabas ka ng bahay sa gabi ng mag-isa. Delikado para sa'yo." Risa replied and reached for Jorge's hands
"Thank you ma." Jorge replied
"Tabi tayong matulog." Anje told her
"Sige ba." Jorge replied
When they arrived at Risa's house, Risa prepared Jorge her dinner.
"Kain ka muna. Alam kong hindi ka nakakain ng maayos noong dinner niyo. At ito, warm milk para makatulog ka agad." Risa said and placed the food on the table
Jorge started to eat and Risa and Anje were seating in front of her, watching her.
"Ano ba kasi ang nangyari, anak?" Risa asked
"Nagku-kuwento lang naman po ako nang ginawa namin ni mama for the whole day kasi nag-Intra kami, nag-Luneta saka sumakay sa rides sa MOA tapos bigla nalang po nagwala si Ate Jill. Sinisi niya po ako kung bakit hindi na sila nabibigyan ng atensyon ni mama. Sabi pa po niya, inagaw ko daw si mama sa kanila at sana daw hindi ko nalang po sila nahanap o sana namatay nalang ako sa aksidente." Jorge told Risa what happened
"Aww. I'm sorry, anak. I'm sure hindi sinasadya ni Jillian ang sinabi niya. Baka nadala lang siya ng kanyang emosyon." Risa explained
"Hindi ko po alam, Mama Ris." she said
"Ano na ba ang plano mo ngayon?" Anje asked
"Uuwi ako ng Bacolod." she replied
"Bakit kailangan mong umuwi sa Bacolod?" Risa asked
"Kailangan ko lang po ng space saka hindi naman po ako pwedeng magpa-kupkop sa inyo habang grabe pa po ang tensyon sa bahay." she replied
"Actually, naka-book na po ako ng flight kanina pa noong umalis ako sa dining table at pumasok sa kwarto." she added
"Paano ang inauguration ng mama mo? 1 week nalang, inauguration na niya. Ngayon ka pa aalis?" Risa asked her
"Wala po akong choice. Ayaw naman nila sa'kin." Jorge replied
"Jorge, diba ikaw pa ang hahawak ng bible sa inauguration ni malens?" Anje asked
"Si Ate Jill nalang, mas gusto niya iyon." she replied
"Hindi na ba talaga mababago ang desisyon mo?" Risa asked
"Hindi na po, ma. Sorry. First flight po ako bukas, pwede niyo po ba akong ihatid?" Jorge asked Risa
"Oo naman. Hali ka na, matulog ka na dahil maaga ka pa bukas." Risa said and they headed to Anje's room so that they can sleep
They woke up at 2 in the morning so that Jorge can catch up her 5 AM flight to Bacolod.
"Sure ka na ba sa desisyon mo?" Risa asked Jorge before she entered the departure area
"Sigurado na po ako. Kung gusto po nila akong makasama, hahanapin nila ako ulit." Jorge replied
"Ingat ka sa biyahe, anak. Sigurado akong hahanapin ka ni Leni." Risa replied
"Thank you po, ma." she replied and embraced Risa
"Bye, bading." Anje said
"Bye, Honti." she replied
After bidding her good byes to Risa and Anje, Jorge went inside the departure area and waited for her flight to Bacolod.
When Risa arrived at her house, she immediately called Leni.
"Hello Leonor, good morning. May kailangan akong sabihin." Risa said
"Theresia, buti napatawag ka. Si Jorge nawawala. Paggising ko wala na siya sa tabi ko. Wala na rin ang iba niyang mga damit." Leni said on the other line
"Hindi ko kayang mawala ulit siya." Leni added and sobbed
"Leonor, makinig ka. I'm sorry." Risa said
"Bakit ka nagso-sorry?" Leni asked
"Nag-message kagabi si Jorge kay Anje kung pwede raw namin siyang sunduin diyan kasi nag-away daw sila ni Jillian kaya sinundo namin siya at dito siya natulog sa bahay." Risa said
"Buti naman at nasa inyo pala siya. Pupuntahan ko siya agad diyan sa inyo ngayon. Gising na ba siya?" Leni asked
"Gising na siya kanina pa pero —" Risa said and paused
"Pero ano?" Leni asked
"Pero wala na siya rito. Kakauwi lang namin ni Anje. Hinatid namin siya sa airport." Risa told Leni
"Saan siya pupunta?" Leni asked
"Uuwi raw muna siya sa Bacolod." Risa replied
"Edi, pupuntahan ko siya sa airport ngayon. Hahabulin ko siya. Kailangan kong makausap ang anak ko." Leni said
"I'm sorry, Leonor pero hindi mo na siya maabutan sa airport. Baka pagdating mo ay nakaalis na ang eroplano." Risa told her
"Kasalanan ko to. Kasalanan ko kung bakit naglayas si Jorge." Leni said while sobbing
"Bigyan mo muna ng panahon ang anak mo na mag-isip. Leni, wala kang kasalanan. Away magkapatid ang nangyari. Kausapin mo muna si Jillian pero bigyan mo ng space si Jorge at kapag handa na si Jillian na tanggapin ng buo ang kapatid niya, hanapin niyo si Jorge. Alam kong makikita niyo agad siya. Alam mo naman kung saan siya nakatira." Risa told her
"Theresia, hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka." Leni said
"Lens, alam mo naman na nandito lang ako kung kailangan mo'ko. Ngayon, huminga ka ng malalim. Huwag kang magpaka-hysterical diyan kasi hindi ikaw yan. Palaging kalmado ang Leni na kilala ko." Risa said trying to calm her
"Paano kung hindi siya uuwi bago ang inauguration? Theresia, gusto kong kumpleto ang mga anak ko sa araw na iyon." Leni said
"Alam ko. Alam ko kung gaano ka importante sa'yo na buo kayo sa inauguration mo at tutulungan kita. Pwede kaming pumunta ni Anje sa Bacolod para kausapin si Jorge na umuwi na." Risa suggested
"Hindi na. Salamat sa offer mong tulong pero problema to ng pamilya ko at ng mga anak ko kaya dapat lang na kami ang aayos nito." Leni replied
"Kung iyan ang desisyon mo, nandito lang ako para suportahan ka. Lens, alam kong kahinaan mo ang mga anak mo at naiintindihan ko kung bakit ganun ang reaction ni Jillian pero alam natin pareho na hindi tama na hilingin niyang sana namatay nalang si Jorge." Risa said
"I know kaya kailangan ko ring makausap si Jillian tungkol doon." Leni replied
"All the best, Lens. Sana maayos niyo agad yan." Risa said
"Thank you, Ris. Bye." Leni replied and ended the call with Risa
YOU ARE READING
The Fourth Robredo Daughter
FanfictionWe can all see that the Vice President of the Republic of the Philippines, Maria Leonor Gerona Robredo is already contented and happy with her 3 daughters, Aika, Tricia and Jillian but little did we know that a piece of her heart is missing. One pie...