Special Chapter - I Can't Remember Papa

1.3K 97 23
                                    

The Robredos rode a bus to come home to Magarao yesterday, a day after the proclamation in order for them to be home before Jesse's birthday.

They woke up early in the morning to prepare for the mass that will be held in remembrance of Jesse.

"Mga anak, bilisan niyo. Pupunta pa tayo sa Naga." Leni told her daughters

"Coming!" Jorge shouted

The four girls went out and proceeded to the car.

"Si Jorge sa front seat!" Leni told them while she was locking up their door.

"Ma, wait. May naiwan po ako." Tricia said

Leni reopened the door and handed the keys to Tricia.

"Ikaw na magsara." she told her

Tricia rushed inside to get something and went inside the car after a few minutes.

"Patty talaga, laging COD." Aika said

"Sorry naman. Nakalimutan lang eh." Tricia replied

They arrived at the Jesse M. Robredo Museum in Naga after almost 30 minutes and the mass started. After the mass, they went to Jesse's grave and brought flowers and lighted candles.

Jorge sat in front of her father's grave and Leni sat beside her.

"Anong nasa isip mo, anak?" Leni asked

Then Jorge started to cry.

"Bakit ka umiiyak?" she asked her again

"Nalulungkot lang po ako kasi wala man lang akong memories kay papa. Wala akong maalala kahit na ano kas hindi ko man lang siya nakasama. I can't remember papa." Jorge said in between sobs

"Anak, no. Wala kang maalala kay papa kasi days old ka palang noon." Leni said and brushed her daughter's hair

"Nahawakan niya po ba ako? Nayakap niya po ba ako?" Jorge asked

"Of course, anak. Noong pinanganak kita, nandoon si papa. Hinintay niyang maipanganak kita at pagkatapos kitang hawakan noon, kinarga ka ni papa. Tapos lagi ka niyang binabantayan. Alam mo bang kapag tulog ako, si papa ang gising para bantayan ka?" Leni told her youngest daughter

"Napakasaya ni papa noong nalaman palang namin na buntis ako sa'yo at mas lalo siyang sumaya noong nakita ka na niya. He loved you the moment he knew you were to be born. Mahal na mahal ka ni papa at may naiwan siyang mga sulat para sa iyo sa loob ng labing-dalawang taon bago siya nawala. Palagi siyang nagsusulat sa'yo at lahat nang iyon ay itinago niya. Lagi rin siyang pumupunta doon sa lugar kung saan tayo na-aksidente." Leni continued

"Talaga po?" Jorge's eyes started to light up upon hearing her mom's story

"Oo, anak at hinalikan ka niya sa ulo bago tayo na-aksidente." Leni told her daughter

"Kaya anak, hindi totoo na wala kang memories kay papa. Hindi mo lang maalala ang mga iyon dahil bagong-silang ka lamang noon. Dalawang araw lang kayo nagkasama, anak at alam kong hindi iyon sapat pero ang mahalaga anak, nakasama mo siya. Kaya, huwag ka nang malungkot." Leni continued

Jorge looked at her with puffy eyes.

"Hindi ba, sabi mo sa akin, kuwentuhan kita tungkol kay papa?" Leni asked her and Jorge nodded

"Hindi lang ako ang magku-kuwento, aki ko. Pati ang mga ate mo, handang kuwentuhan ka kung anong klaseng ama si papa sa kanila." Leni said

They started to sit facing Jesse's tomb. Jorge is wiping her tears and is ready to hear different stories about her late father, Jesse. Leni was the first one to tell her own story with Jess.

"Alam mo naman siguro kung paano kami nagkakilala ni papa, diba? Nag-apply ako sa BRBDP noon at si papa ang naging boss ko. Wala pang isang taon ay nagpakasal na kami. Si papa bilang asawa ay maalaga pero gusto niyang sa kanya lang ang atensyon mo. Palagi siyang naglalambing at kahit na busy siya, palagi siyang naririyan para sa pamilya. Napakabuting tao ni papa, anak at napaka-swerte natin sa kanya. Isa rin siyang mapagmahal na ama sa inyong apat." Leni told Jorge

"Si papa, ako ang paborito niya." Tricia said

"Wow ate ha, self-proclaimed paborito ni papa." Jillian commented

"Tumahimik ang paboritong anak ni mama." Tricia replied

"Paborito ni mama for 22 years. Si Jorge na ngayon ang paboritong anak." Aika commented

"Nagku-kuwento ako eh. Ano ba." Tricia said

Aika and Jillian stopped teasing each other so that Tricia can continue her story.

"Sabi ko nga kanina, ako ang paborito ni papa. Siya yung protector ko kasi nga diba, hindi ako paborito ni mama. Siya yung taga-console sakin kapag umiiyak na'ko sa homework ko sa kumon, siya yung taga-encourage ko kapag nahihirapan na'ko sa swimming lessons at siya rin yung taga-comfort sakin kapag napapagalitan ako ni mama dahil natulog na naman ako sa piano class. He was a good and a very present father kahit pulitiko siya. Napaka-humble niya, malapit siya sa tao at marami siyang natulungan." Tricia

"Ako naman, magkamukha kami papa. Alam naman iyon ng lahat. Kaya ako yung paboritong anak ni mama lalo na noong nawala si papa dahil nakikita niya si papa sa'kin. Ngayon, hindi na ako paboritong anak kasi naandiyan ka na." Jillian said

"Ay sinisi pa talaga si Jorge kung bakit hindi na siya favorite." Tricia commented

"Ate hindi ah." Jillian defended

"Ayan Patty. Ikaw na naman ngayon ang nagsa-side comment kay Jill." Aika scolded Tricia

Tricia did not say a word anymore and Jillian continued.

"Papa is my angel. Sabi nga ni ate Tricia, very present siya bilang ama. Gusto ni papa na lahat ng events na sasalihan namin, nandoon siya kaya minsan feeling ko, kasalanan ko kung bakit siya nawala. Umuwi siya agad para makahabol sa swimming competition ko. Kung wala sana akong competition noong araw na yun, siguro kasama pa natin ngayon si papa. Papa was a great father, Jorge at lahat gagawin niya para sa pamilya natin."

"Ako naman, I was no one's favorite pero dahil ako ang ate, I was mama and papa's favorite for 6 years." Aika started

"Naks. Favorite for 6 years." Tricia commented

"Patty, tumigil ka na. Isa pa at masasapok talaga kita. Kita mo namang very dramatic ang theme natin for today's video eh." Aika said and Tricia shut her mouth up

"Napapanood mo naman siguro sa mga interviews na nagsasabi si mama na noong nabubuhay pa si papa, siya ang bad cop sa kanilang dalawa. Siya kasi ang very strict pagdating sa'min pero hindi si papa nagku-kunsinti. Hinihintay niyang matapos si mama saka niya kami lalapitan at ico-comfort, gaya nang sabi ni Patty. Tinuruan kami ni papa kung paano mamuhay ng simple, kung paano manatiling mapagkumbaba kahit na may mataas kang katungkulan sa gobyerno o sa trabaho mo. Tinuruan niya kaming huwag na huwag aabusuhin ang pribilehiyo namin bilang anak ng pulitiko. Papa set the bar so high kung kaya't nakikita mong we do not settle for less than what we deserve lalo na pagdating sa love. " Aika said

"At kay Dea mo nakita ang standard na sinet ni papa?" Jorge asked

"Oo pero hindi ito tungkol sa amin ni Dea, tungkol ito kay papa. Napakalaki ng puso niya hindi lamang para sa ating pamilya kung hindi para sa lahat ng tao and we are blessed na maging anak ng isang Jesse Robredo." Aika said

After sharing and hearing their stories, the Robredos went silent for a while.

Jorge rose from her seat and walked towards Jesse's bust and she said

"Happy birthday, papa. I love you."

She put her palms on her lips, kissed it and placed her palms on the cheek of Jesse's bust.

The Fourth Robredo DaughterWhere stories live. Discover now