Chapter 1

16K 812 310
                                    

#TSLsRetribution01


I YAWNED AS soon as my class ended.

Hindi ko talaga naging paborito ang math kahit kalian. Kaya nga nasa college of arts ako kasi ang alam ko walang math dito gaano pero pangalawang math ko na 'to this sem!

Scam 'yung mga university groups online.

"Jad, may naintindihan ka ba sa discussion?" Hinarap ko ang best friend ko na nagsisilid ng laptop niya sa bag niya.

"Kabisado ko na 'yang tanong mo na 'yan, Third."

"Dali na, Jad! Ito naman parang 'di kaibigan!" pamimilit ko sa kanya.

"Asa ka," nakangising sambit niya.

"Sus! Sino ba naman kasi ako? Ako lang naman 'to. Just a stupid girl asking in front of a man, asking him to teach her," ma-dramang wika ko. Tinapat ko pa ang kamay ko sa dibdib ko at tinikom ang bibig ko habang nakapikit. Feel na feel ko talaga 'tong ginagawa ko ngayon.

"Sad girl 'yarn?" pang-aasar niya at malakas na tumawa.

"Alam mo gago ka talaga," nakabusangot na anas ko. Hinampas ko siya sa braso niya habang tumatawa pa rin siya.

"Ano ba kasing ginawa mo kahapon? Free day natin kahapon tapos parang pagod na pagod ka ngayon. Buti hindi ka nakita ni Prof. Clarita kanina na natutulog ka," tanong niya.

Luminga-linga ako sa paligid ko at nakitang halos lahat ng mga kaklase namin ay wala na sa room. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at pansin ang agaran na pamumula ng mukha niya.

"Gagi, Third. Sure ka ba dito? Nasa classroom tayo, huy. At saka, hindi ko ginusto 'to, ah. Ikaw nagpumilit nito. 'Di ko 'to ginusto," tuloy-tuloy na sabi niya habang nakapikit.

Nakangiwi ko siyang pinanood na mukhang tangang naka-dipa pa 'yung kamay at ngumunguso pa. Malakas ko siyang binatukan para umayos siya.

"Aray! Gago naman 'yung utak ko!" hiyaw niya at hinimas ang ulo niya. "Kapag ako na-bobo wala ka ng kokopyahan sa math, tignan mo!"

"Para ka kasing tanga! May ibubulong kasi ako sa'yo tapos kung ano-anong sinasabi mo diyan." Inirapan ko siya. Lumapit na ako ulit sa kanya. "Tinapos at sinubmit ko na final volume ng Heirs Without Fears kagabi," mahinang usal ko.

"Shit! Seryoso?!" nakatawang balik niya sa akin. Nakangiti akong tumango sa kanya.

"Bigyan mo ako agad ng kopya kapag na-print ha!" Malawak ang ngiti ni Jad at nagniningning ang mga mata niya sa sinabi ko. "Huwag ka na mag-alala sa assignment natin sa Friday. Ako na bahala sa mga sagot mo," pataas-taas ang kilay na sabi ni Jad.

"Yey!" Pumalakpak ako sa tuwa at niyaya na siya umuwi.

Jared Dylan Tizon is my best friend since grade 7. Palagi kasing find your height ang seating arrangement namin noon, and since I'm a bit tall unlike any other girls in my age, halos palagi akong nasa likod.

Kung kinatawang tao ang pang-aasar, si Jad na 'yon. Naiinis ako sa kanya dati dahil palagi niya akong inaasar, but my older brother told me to pissed him off, too, and just shrugged him off.

Kaya noong inasar niya ako ulit, nilabanan ko na rin siya sa pang-iinis. Hindi naman mabilis mapikon si Jad, kaya masaya rin siyang kaasaran. Hindi namin napapansin na dahil doon, naging magkaibigan na kami.

Pinagtagpo talaga kami ng tadhana siguro para maging magkaibigan dahil simula nang pagkikita namin, hindi na kami nagkahiwalay ng section. Hindi na rin kami nagkaroon ng iba pang mga kaibigan bukod sa isa't isa. We have classmates that we casually talk to, but we never hanged out with them.

The Second Lead's Retribution (Reincarnation #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon