Chapter 7

11.6K 719 167
                                    

#TSLsRetribution07


Third Lillee

MATALIM ANG TINGIN ko kay Rush na naiiyak na kakatawa sa shotgun seat.

"Happy yarn?" inis na ani ko.

"Your face is priceless," sabi niya sa pagitan ng mga tawa niya.

Seryoso ang mukha niya kanina kaya akala ko ay hindi siya nagbibiro. Mabilis ko naman na ipinaliwanag na kaibigan ko lang siya at sinamahan niya lang ako dahil may kailangan siyang bilhin na art materials at nagpapatulong lang siya sa akin.

Nakita ko rin kasi 'yung inis sa mukha ni Miss Anya kanina. Napa-explain tuloy ako. Mukha namang naniwala sila dahil nagtawanan sila pagkatapos ko magpaliwanag. Nakisabay ako sa tawanan para mapagtakpan ang hiya ko.

Ito kasi si Rush! Ayaw daw niya kay Miss Anya at sa kahit sinong kasama ko sa mesa namin kanina. Jusko! Kaya naman pala kahit anong pakilala sa kanya ni Miss Anya, hindi niya pinapansin.

"It's been a while since I laughed like this," he exclaimed while chuckling.

"Ewan ko sa'yo," napapailing na wika ko.

"Kidding aside, I don't like the way she talks to you." Biglang sumeryoso ang boses niya. Inistart ko na ang sasakyan at nagsimula nang magmaneho pauwi.

"Kahit naman sino sa org namin ayaw sa kanya," tugon ko at ngumuso dahil naabutan pa kami ng traffic light.

"Then why put up with her?"

"Because she has many connections that could help us for our internship, as well as for finding jobs after we graduate." Tinignan ko siya at ngumiti. "Reality check, my Lord. Kahit gaano pa kalaki ang pagbabago sa mundo ngayon, katulad ng mga bagay na taboo dati pero ngayon ay normal na lang, kabaliktaran no'n ang sining. Tingin pa rin nila sa amin na mga artist at painters, walang kinabukasan dahil sa pinili namin na propesyon. Hanggang ngayon, tingin nila ay hindi kami mabubuhay ng sining." Natawa ako ng mahina.

"Well, you can be successful as long as you work hard for it. As long as you love what you are doing."

"Exactly." I nodded. "Unfortunately, that reason doesn't work for them."

Pinatakbo ko na ulit ang sasakyan ng mag-green ang traffic light. Natahimik siya sa tabi ko hanggang makarating kami sa condo. Parking lot elevator ang ginamit namin dahil diniretso ko doon ang sasakyan ko. Hindi ko na binigay sa valet.

"Natahimik ka?" natatawang ani ko habang binubuksan ang pinto ng condo.

"You don't have to tolerate that woman's bullshits just for you to get into a good company for your internship. Hindi mo rin kailangan pansinin kung ano ang sinasabi nila sa bagay na nagpapasaya sa'yo. It's your life, it's your choice, and you chose what you know what's best for you, ma'am. Believe in yourself," he said, not knowing how much those words he uttered meant to me.

"Thank you, my Lord," I smiled.


—«–»—


"First panel, done!" I screamed in glee. Nag-inat ako ng katawan ko habang nkangiting pinagmamasdan ang drawing para sa bagong kwento ni Rush.

Halos mahulog ako sa kinauupuan ko ng humahangos na pumasok si Rush sa comic room ko. Nanlalaki ang mga mata niya na sinuyod ang buong kwarto at kumalma nang makita ako.

"Why the fuck are you screaming?" Nakakunot ang noo niya. Tinignan niya ang mesa ko at natigilan ng makita ang panel. "Wow."

"Ako lang 'to," mayabang na saad ko.

The Second Lead's Retribution (Reincarnation #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon