Chapter 2

13K 763 164
                                    

#TSLsRetribution02


"YOU NEED TO hide!"

Mabilis akong lumayo sa kanya kahit na kinakabahan na ako sa mangyayari sa akin. Ramdam ko ang mariin niyang titig sa gilid ko. Pinagmamasdan niya ang bawat galaw ko.

"Third! Hello! Nasa kwarto ka ba?!" sigaw pa rin ni Jad. Sunod kong narinig ay ang yabag ng paa niya papunta sa kwarto ko.

Lalo akong nataranta dahil doon. Nilibot ko ang tingin ko sa kwarto ko at alam kong hindi siya pwede magtago sa ilalim ng kama dahil hindi siya kakasya doon. Ang tangkad niya masyado, lalagpas ang paa niya. At saka, wala na siyang oras para dahan-dahan na pumasok sa ilalim.

Hindi rin naman pwede sa closet dahil nasa kabilang kwarto 'yon. Hindi na ako mapakali dahil anytime pwedeng buksan ni Jad ang kwarto ko. Gawain naman niya 'yon kaya hindi na bago sa amin ang pumasok sa kwarto ng isa't isa nang hindi kumakatok.

"Hoy, Third! Bakit 'di ka sumasagot?" Narinig ko ang boses niya sa tapat ng pinto ko at ang pag-ikot ng seradura ng pinto pero bago pa man bumukas 'yon ay sumigaw na ako.

"Wait lang! Nagbibihis ako, e! Atat na atat!" aligagang sigaw ko.

"'Di ka kasi sumasagot, bobo!"

"Maghintay ka diyan!"

Mabilis kong hinila ang lalaking 'to sa isang kwarto. Tinulak ko siya papasok doon. "Please lang. Huwag ka gumawa ng kahit anong ingay. Pareho tayong malilintikan, e," nagmamakaawang sambit ko.

He nodded, still keeping the smirk on his face. "I hope you're really changing your clothes," aniya.

Pinamulahan ang mukha ko sa sinabi niya. Sinara ko agad ang pinto para hindi niya makita 'yon at matigil na siya sa sinasabi niya.

Pinulot ko ang hoodie na suot ko kahapon at sinuot 'yon para magmukhang nagbihis talaga ako.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Jad na prenteng nakaupo sa sofa ko. Nakabukas na rin ang tv ko. Nakataas pa ang paa niya sa center table ko habang naglilipat ng channel.

"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya.

"Pahingi naman ng isang ream ng bond paper, oh." Ngumuso pa siya na akala niya kina-cute niya 'yon.

"'Yon lang pala kailangan mo. Akala ko naman kung ano kung makasigaw ka," nakairap na wika ko.

Pumasok ako sa kwarto ko ulit at kumuha ng isang ream ng bond paper sa ilalim ng study table ko. Inabot ko 'yon sa kanya.

"Palagi naman tayong gano'n, ah? Ano bang bago?" balik niya. "At saka, bakit ka ba namumula? Ang lamig-lamig dito sa condo mo."

"Nagmamadali kasi akong magbihis kakasigaw mo! Kinabahan din ako na baka bigla kang pumasok sa kwarto ko habang nagbibihis ako," umismid ako.

Siya naman ngayon ang namula ang mukha. "Sus! Baka mamaya may tinatago ka lang sa kwarto mo, e."

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at dumagundong ang dibdib ko sa kaba. Naningkit ang mga mata niya at sinubukan niyang hulihin ang tingin ko.

"Anong tinatago mo, Third, ha?"

"Wala!" depensa ko.

"Hindi ako naniniwala," pagpupumilit niya. Nanlaki ang mga mata ko bigla dahil tumayo siya at tumakbo papunta sa kwarto ko. Hinabol ko siya at hinarang ang katawan ko sa pinto. "Alis, Third."

"Wala nga, Jad! Parang tanga naman 'to, oh!"

"Alam ko 'yang ganyan mo! 'Di moa ko maloloko!"

"Wala nga kasi! Kailan ba ako nag-sinungaling sa'yo!"

The Second Lead's Retribution (Reincarnation #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon