Chapter 6

11.7K 799 203
                                    

This is the new version of Chapter 6! Happy reading, lovelines! 


#TSLsRetribution06


Third Lillee

IT'S BEEN TWO days since we argued.

He went back to his usual self the next day. He is using the term "Ma'am" again, and to ease the awkwardness, I started calling him "My Lord", too.

The rain poured heavily today. Classes from elementary to senior high school, both public and private, were suspended earlier this morning. Samantalang kaming college, tuloy lang ang pasok.

Waterproof kami, e.

Mabuti na lang din talaga at tanghali ang simula ng unang klase ko. Kapag ganitong panahon kasi nakakatamad bumangon. Mas masarap humilata na lang buong maghapon, mag-binge watch ng mga series at movies, mag-drawing, at matulog na lang.

Pinanood ko si Rush na nagwo-workout sa gilid ko. Kahapon lang niya nalaman na may mga gym equipment pala ako dito sa condo.

Nakatago lang 'yan doon sa guest room dahil bihira na lang ako mag-exercise. Tinulungan niya ako mag-set up ng mga gamit sa sala. Sakto lang naman 'yung mga equipment na mayroon ako. Treadmill, yoga mat, stationary bike, at mga weights na maliliit.

Nagkaroon kasi ako ng PCOS noon. Akala ko lang bastang irregular lang ang menstruation ko noon at normal lang na hindi magka-period ng dalawa hanggang tatlong buwan. But when I experienced not having a period for six months, that's when the time I got alarmed. Tumaba rin ako kahit sakto lang naman ang kinakain ko at nagkaroon ako ng acne breakout. It turns out I have a Polycystic Ovary Syndrome.

May nireseta na gamot sa akin at ilang mga paalala para maagapan. My doctor recommended for me to exert some effort to do some exercise. Malaking factor din daw kasi ang weight, kaya kailangan mabawasan ang timbang ko. 'Yung gamot din kasi na kailangan ko inumin ay madaling makapagpataba.

That was the time my brothers stayed here in my condo to take care of me. Kahit ang layo ng trabaho at university na pinapasukan nila, dito pa rin sila talaga tumuloy. Sila na lang mismo ang nag-adjust sa nakasanayan na routine nila.

Naputol ako sa iniisip ko nang makita ko si Rush na umiinom ng tubig. Parang bumagal ang paligid habang tinitignan ko siya.

I watched his adam's apple move as he gulps down the water from a jug. Napasunod ang tingin ko sa pawis na tumutulo mula sa noo niya pababa sa leeg niyang puro pawis din pababa sa katawan niya.

Napasinghap ako ng bigla niyang tanggalin ang t-shirt na suot niya at ginamit niya 'yon para ipamunas sa katawan niya. Napabuga ako ng hangin at napapaypay sa sarili ko.

Damn those muscles.

Parang ang init naman bigla rito. Kinuha ko ang remote ng aircon at binabaan pa ang temperature. Napabasa rin ako ng labi ko dahil pakiramdam ko ay nanunuyo iyon.

Sinilip ko ulit si Rush. Nakatalikod na siya sa akin ngayon at nagc-cool down na yata.

Mabilis akong tumingin sa harap ko dahil gumalaw ang katawan niya paharap sa akin.

Nataranta ako at biglang hindi ko alam ang gagawin ko nang makita ko mula sa gilid ng mata ko na naglalakad siya papalapit sa akin.

Then, I did the dumbest solution I could ever think of right now.

I laughed so loud at the death scene of the protagonist's father in the movie I am watching.

"Damn, ma'am. What's so funny at a death of a person?" Nakatanga siya sa akin habang hinihintay ang sagot ko. Saglit akong nadistract sa mga pandesal niyang naka-display sa harap ko. Pumitik siya sa harap ko. "Lillee."

The Second Lead's Retribution (Reincarnation #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon