Chapter 14

10K 688 219
                                    

Papunta na tayo sa exciting part, hehe. Anyways, happy 8k reads, TSLR!

Here's an update! Enjoy reading! 


#TSLsRetribution14


BACK TO NORMAL na ulit ang pagpasok ko.

Mas nakakapagod na rin kumpara sa dati dahil mas mabilis ang pacing ng mga lessons namin ngayon since malapit na ang finals. Maaga ako umaalis sa bahay at late na nakakauwi dahil sa sunod-sunod na mga project, final requirements, at mga groupings.

Pinasa ko na rin ang kalahati ng kwento ni Rush sa publishing company at agad 'yon naaprubahan. Hihintayin na lang daw nila ang natitirang mga panels para makumpleto ang kwento bago nila ilabas 'yon.

Dahil sa mga ginagawa ko, parang naging personal maid ko na si Rush. Ipinaghahanda niya ako ng almusal at hapunan para may kakainin ako bago pumasok at pagkauwi. Siya rin ang naghahatid sa akin papasok at sinusundo niya ako kapag minemessage ko na siya.

At dahil nga back to school na ako ulit, araw-araw kong nakikita si Jad. Napapansin ko na ilang beses niya na akong sinusubukan na lapitan at kausapin pero ako na mismo ang kumikilos para hindi matuloy ang balak niya.

Kila Chi at Ken na ako lagi sumasama. Mabuti na nga lang at hindi nagtatanong ang dalawa. Hinahayaan lang nila ako at paminsan-minsan ay tumutulong sila sa akin na lumayo kay Jad.

Nasa cafeteria kami ngayon habang naghihintay sa susunod namin na klase. Cancelled ang klase namin dapat ngayon kaso nagka-emergency daw si prof. Magkakagrupo rin kami sa subject na 'to para sa final requirements kaya ginamit namin 'yung oras para pag-usapan kung ano ang mga gagawin namin.

"Kaya mo naman 'yung gagawin mo, Third, 'no?" tanong ni Ken.

Tumango ako. "Konti nga lang gagawin ko kumpara sa inyo, e. Sigurado ba kayo na ito lang akin?"

"Oo naman. Kaya ko kinuha 'yung ibang parts kasi may background na ako sa paggawa no'n. Para rin mapabilis 'yung final requirement natin," sagot ni Chi.

"Same," pagsang-ayon ni Ken.

"Tara, kain na tayo."

Sabay-sabay kaming tumayo at bumili ng kanya-kanya namin na mga pagkain. Nag-pork cutlet na lang ako at chocolate drink. Halos pareho lang sila ni Chi pero chicken naman ang kanya habang si Ken ay nag-shawarma rice.

Pabalik na kami sa table namin ng makita namin si Jad na kapapasok lang ng cafeteria. Hindi ko siya pinansin at dumiretso lang pabalik sa pwesto namin nila Chi.

Napansin ko ang titigan ni Chi at Ken dahil sa ginawa ko. Hindi pa rin ako nagsasalita at hinihintay lang sila na makaupo. Ayoko maging bastos naman na kumain tapos sila hindi pa ayos.

Nagsimula na kami kumain at napatigil ako sa nanliliit na mata ni Chi.

"Bakit?" natatawang tanong ko.

"'Yung totoo, Third. Ano'ng nangyari sa inyo ni Jad?"

Bumuntonghininga ako at binaba ang kubyertos na hawak ko. Pinagkrus ko ang dalawang kamay ko at pinatong 'yon sa mesa. "Halata ba na gusto ako ni Jad dati?"

Sabay na napapalatak si Chi at Ken. Napakunot ang noo ko nang mag-apir pa silang dalawa at nagtawanan. "Ginagawa niyo?"

"Girl! Finally! Narealize mo rin!" sabi ni Chi.

"O baka naman umamin na sa'yo si Jad?" dagdag ni Ken.

Tinignan ko lang sila pareho. Mukhang nakumpirma nila mula sa titig ko ang hinahanap nilang sagot. Bumungisngis silang dalawa at tumigil na rin sa pagkain.

The Second Lead's Retribution (Reincarnation #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon