Chapter 17

10.4K 589 41
                                    

I'm back! Buti nagawan ko ng paraan malipat 'tong chapter na 'to sa phone ko. I'll edit this kapag may wifi na kami. Anyways, here's an update for you!

Three chapters to go!

Enjoy reading!

#TSLsRetribution17


A LOUD BANG interrupted my sleep.

Mabilis akong napamulagat at dinagundong ng kaba ang dibdib ko dahil sa lakas ng tunog na 'yon. Para bang biglang tinamaan ang buong katawan ko. Naramdaman ko ang namumuong malamig na pawis sa noo ko.

Napahawak ako sa dibdib ko at dinama ang bilis ng tibok ng puso ko. Tinanggal ko ang comforter na nakabalot sa katawan ko.

Doon ako natigilan. Wait. This is not my room. Again.

Nilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto at hindi ito ang kwarto ni Rush na napanaginipan ko dati.

This room is more princess-type. The walls are painted pastel pink and white. It has a cute study table by the window. The other window has a reading nook with a blanket and lots of pillows, and the bed I'm currently lying on is a canopy bed. In front of me is a 72-inch tv hung on the wall and beside that is a big walk-in closet full of designer clothes.

Nakabukas ang pinto ng walk-in closet kaya mas madali kong nakita ang laman no'n. I checked myself out and I noticed that I am wearing a silver satin matching pajama.

Nahigit ko ang hininga ko. Am I dreaming again? If yes, then where am I?

Marahan akong tumayo at sinubukan na huwag gumawa ng ingay. I am in someone else's house, so I should be wary and alert.

Pinihit ko ang seradura ng pinto at nakahinga ako nang maluwag dahil hindi 'yon gumawa ng kahit anong ingay. My eyes wandered around the hallway of the floor I'm in. Madilim doon at ang mga ilaw lang sa gilid ng mga pinto ang nagbibigay ng liwanag sa daanan.

May elevator sad ulo ng hallway kaya ginamit ko 'yon para bumaba. Bumukas 'yon at bumungad sa akin ang isang sala. Walang tao kahit doon ngunit maayos ang mga gamit. Punong-puno rin ng magagandang paintings ang lugar at mas maliwanag dito kumpara sa taas dahil sa malaking bintana na tila ba dalawang palapag ang taas.

Halos ginto lahat ng mwebles doon at may mga naka-display pa na mga diamond at sculpture na nakalagay sa isang acrylic glass box.

Halatang mayaman pa sa mayaman ang mga nakatira doon. Isang piraso lang yata ng mga naka-display dito ay kaya ko ng makabili ng dalawang bahay at lupa.
Napaigtad ako nang makarinig na naman ako ng malakas na putok. Mas marami na 'yon ngayon at sunod-sunod na kumpara sa una kong narinig. Gamit lamang ang mga tunog na 'yon ay dinala ako ng mga paa ko sa bandang likuran ng bahay.

Nahigit ko ang hininga ko nang makita ang maraming lalaki na mga naka-itim. Lahat sila ay may mga baril sa bewang nila at sa iisang tao lang sila nakatingin at nakapalibot.

Napatakip ako ng tainga ko nang barilin niya ang isang target sa harap niya. Marami na 'yong butas, tanda na kanina pa 'yon binabaril.

Doon pala nanggangaling ang mga tunog ng putok na kanina ko pa naririnig.

Nanlaki ang mga mata ko nang humarap ang lalaking kanina pa pinanonood ng lahat.

Rush's father, Lorenzo Buenavidez!

Kahit halata na ang katandaan dahil sa bahagyang kulubot ng balat nito, hindi pa rin maitatanggi ang kagwapuhan at kakisigan nito. Talagang mapapansin kung saan nakuha ni Rush ang itsura niya.

Kasabay ng pag-upo nito sa nakalaan na silya para sa kanya at pag-abot ng baril sa kasama niya, ay ang pagdating ng isang lalaking may kaibahan nang kaunti ang suot sa iba.

It's either he's a high-ranking official in their mafia, or he's the secretary of Lorenzo.

Patingkayad akong naglakad papalapit sa pinto at doon nagtago.

Pinanood ko ang lalaki na yumukod muna kay Lorenzo bago ito may inabot sa kanyang envelope.

"Any updates on Rush?"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Rush? I don't remember doing this kind of scene? Or is this another dream na pwede kong pagbasehan sa kung anong susunod na mangyayari sa kwento niya?

"We found him, Sir Lorenzo," sagot ng tauhan niyang mukhang secretary niya.

"Bring him back. I want my son back. Make sure your master is well," Lorenzo stated.

"Will do it right away, sir," mabilis na sagot ng lalaki at tumalikod.

Kinabahan at nataranta ako nang mapansin na patungo siya sa direksyon ko kaya napaatras ako. Napahiyaw ako nang matamaan ko ang isang malaking vase. Kasabay no'n ay na-out of balance ako at siguradong sa mga bubog ng vase na 'yon babagsak. Napapikit ako at inasahan na ang sakit na mararamdaman ko ng . . .

"LILLEE!"

I woke up as Rush shook my shoulder. Napasinghap ako bigla nang makita siya. Mabilis ko rin na inikot ang mga mata ko kung nasa kwarto ko na ba ako. Nakahinga ako nang maluwag dahil panaginip lang pala 'yon.

"You kept on screaming my name. What happened?" nag-aalalang tanong niya habang sinusuri ang buong mukha ko.

Nanlalaki ang mga mata ko na nakatingin sa kanya. Hindi alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman at sabihin.

He wiped the sweat forming on my forehead and he tucked the loose strands of my hair behind my ear.

"Nothing. Just a dream," I answered and smiled.
Ibinalik ko ang tingin ko sa harap ko at napakunot ang noon ang mapansin na may itim na bilog doon. Kasinglaki ng plato 'yung bilog na 'yon.

"What's that?" tanong ko kay Rush.

Nilapitan 'yon ng huli at tinignan. Nilagay niya ang kamay niya roon pero dingding lang din 'yon.

"I don't know. Wala ba nito dati?" aniya habang nakatalikod sa akin.

Umiling ako kahit hindi niya 'yon nakikita. "I'm pretty sure na wala 'yan diyan dati," mabagal na tugon ko.

"That's weird," he uttered.

"Iinform ko na lang siguro 'yung maintenance team about diyan," sambit ko habang diretso pa rin ang titig sa butas na 'yon sa dingding.

"There's someone waiting for you at the door," imporma ni Rush paglabas namin ng kwarto.

"Who?" Kumunot ang noo ko at nagtungo sa pinto. Pagbukas ay bumungad sa akin ang nagsusumamong mukha ni Tita Bell, Jad's mother.

I know what she's going to ask. Lumabas na kasi ang resulta ng investigation ni Jad.

Everything about his obsession towards me is true. Noong nahuli siya at pinuntahan ang condo niya para maghanap pa ng mga evidence at kung may iba pa ba siyang kalokohan na nagawa, nakita ang isang kwarto na punong-puno ng litrato ko. May mga painting pa ako doon.

Siguro ang iisipin ng iba na hindi nakakita ng kwarto ay baka naman naisip niya akong gawin na model ng mga gawa niya kaya gano'n, pero hindi maiisip 'yon ng taong papasok sa kwarto na 'yon.

Looking at the room will give you the creeps. Bawat kilos ko ay may picture ako na nandoon. Tipong naglalakad ako pauwi ay nandoon din. Halatang nakasunod sa akin ang kumukuha ng mga litrato na 'yon.

"Tita . . ."

"Third," she smiled at me. "Kamusta ka na?"

"Not okay po," I honestly answered. She gave me a small smile.

"So, silly for me to ask that," she uttered.

Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Parehong hindi na alam kung anong idudugtong sa mga nasabi namin dalawa.

"Jad, he . . . he grew up normal," si Tita Bell, "maayos naman siyang bata. Masiyahin, maloko, active sa school, matalino, at mapagmahal na bata.

"Kaya lang hindi ko alam kung bakit bigla siyang nagbago. I don't know what triggered him to do those things. He killed his puppy when he was still a child and hid it under his bed. Nalaman lang namin ang ginawa niya nang mangamoy ang aso sa kwarto niya. We didn't know how to handle him, so, we scolded him.

"Naging mainitin na rin ang ulo niya at kahit ang mga katulong na hinire naming para sa kanya ay natatakot na rin sa kanya. May mga nasugatan siya sa mga ito at ilang beses na kaming nagpapalit-palit ng katulong dahil doon. Walang tumagal na katulong sa kanya ng isang buwan.

"When he was in grade six, he beat up a classmate. The reason? That classmate of his just accidentally dropped a ballpen on his favorite bag. Nasulatan ng kaunti. Doon na namin napansin na parang may mali talaga sa kanya. Dinala namin siya sa ospital para ipa-check up siya.

"Hindi naming kinwestyon kung bakit wala naman nakitang kakaiba sa kanya. Sinabihan lang kami ng doctor na may possibility na nagkukulit lang siya at nangangailangan pa siya ng atensyon mula sa amin.

"When he entered junior high school, that's what we believed in. We gave in more effort and time in raising him. Sinubukan namin ibigay sa kanya lahat ng gusto at pangangailangan niya. Slowly, he got better. Then, we met you.

"Jad always talks about you. Every single day. Noon ko lang din siya nakitang sobrang saya at malawak ang ngiti tuwing nagkukwento sa amin. Kaya hindi na ako tumutol sa pagkakaibigan niyo. Nawala 'yung pangamba ko na baka may temper pa rin siya. But then . . . this happened," kwento niya.

I wanted to scream at her, lash out my anger. But I stopped myself. She's still Jad's mother. Nanay na rin ang turing ko sa kanya dati pa dahil ni minsan hindi naman siya nagbigay ng masamang motibo sa akin. She's always sweet and kind.

"Hindi niyo man lang ho ba pinatignan ulit si Jad kahit na napapansin niyo na may mali talaga sa kanya?" kuryosong tanong ko. I heaved a sigh while she lowered her head.

"I didn't," mababa ang boses ni Tita Bell.

"Bakit?" My voice cracked. "Did you even know po na si Tito ang dahilan kung bakit ganyan ang ugali niya?" Umiling ang ginang.

"Ngayon ko lang nalaman," aniya.

"Paano po pala kung tuluyan niya akong nasaktan? Paano kung hindi lang po ako 'yung ginanto niya?" Nagsisimula nang manubig ang mga mata ko. "Paano kung . . . Paano kung 'yung mga taong tinakot niya, pinatay niya?"

"I'm sorry, anak." Umiyak na si Tita Bell at masuyo niyang inabot ang kamay ko. Hindi ko na binawi 'yon dahil tila ba unti-unting hinihigop ang lakas ko habang nakikita siya at tumatagal 'tong usapan namin.

I don't want to see her like this. I treated her like my second mother and Jad as one of my brothers. Ang sakit-sakit kung paano humantong sa ganito sa lahat. Tumingala ako nang tuluyan ng tumulo ang luha ko.

The detectives were sure that Jad has a mental illness. Hinihintay pa ang medical examination pero kapag lumabas na ang resulta ay pinapipili na kami ng kung ano ang pwede naming na gawin. Either we will push through the trial and let him rot to jail or we will sent him to a mental institute and after he's treatment there, then he would face the charges against him in prison.

"Third," mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko, "nagmamakaawa ako. As a mother, kahit para sa akin, huwag mo ng ituloy 'to. Please. As Jad's mother, and you as a friend of Jad," umiiyak na pagsusumamo niya.

Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko. I smiled.

"Ina rin po ang mommy ko," humihikbi kong sambit. "Sa tingin niyo po ano'ng mararamdaman niya kung natuloy ang balak ni Jad sa akin noong gabing 'yon? Paano naman po 'yung mga taong tinakot at pinagbantaan niya? Anak rin po sila. May mga magulang din po sila.

"Ayoko pong sabihin sa inyo 'to dahil para ko na rin po kayong pamilya, pero sana maintindihan niyo rin po na anak po ako ng isang ina rin. Sigurado naman po ako na hindi niyo rin gugustuhin na may mangyaring masama sa anak ng iba dahil kayo po ay mayroon din no'n.

"Alam ko po na alam niyo 'yung sakit no'n. Na tahimik ka lang sa bahay mo po, kampante ka na nag-aaral siya at tinutupad ng anak mo ang pangarap niya tapos sa isang iglap biglang may ganitong pangyayari." Tumingala ako ulit dahil tuloy-tuloy na talaga ang mga luha ko at huminga nang malalim. Pinunasan ko ang luha ko. Tinignan ko ng diretso si Tita Bell na nakatulala sa gilid ko habang umiiyak.

"At bilang kaibigan po ni Jad—bilang matalik na kaibigan niya, may pakialam at pagmamahal pa rin po ako sa kanya dahil sa mga pinagsamahan namin. Hindi ko po 'to ginagawa dahil wala na akong pakialam sa kanya. Gusto ko ho siyang gumaling.

"Pero hindi po ibig sabihin no'n ay ayos na ako sa ginawa niya, kasi hindi ho. I'm not going to be okay later, tomorrow or next week. I don't know when will I be okay because he didn't just only give me the trauma and fear, he also broke my heart. He's the first person I trusted wholeheartedly besides my family, and he was also the first one who broke it. I will stand on my decision po. I'm sorry," saad ko at pumasok na ulit sa loob ng unit.

Rush's teary-eyed face and his warm smile welcomed me as I close the door. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Inilang hakbang lang niya ang pagitan naming at ikinulong niya ako sa mga braso niya.

"You did great," he whispered.

I nodded. I cried in his arms as I nodded my head.


—«–»—


The days my university gave me went so fast. Natapos ko ang mga requirements sa university habang inaayos ang kaso kay Jad, at nakapag-aral na rin ako para sa finals exam naming. Luckily, I was able to catch up sa mga lesson. Nakapag-ambag din ako sa mga kagrupo ko sa mga final requirements namin, and we all got great marks on our work.


As soon as I told the detectives my decision when the medical examination went out, hindi na ako hinayaan pa nila Mommy at Daddy na maging involve sa kaso. Si Daddy at ang mga tito ko sa side niya na lang ang umasikaso doon. I should be focusing on my last year in college raw.

Finals week na nang makabalik ako sa school. It was fun, peaceful, and refreshing. It feels like a new environment kahit na si Jad lang naman ang nawala. Chi and Ken never failed to make me comfortable with them. Nag-sorry rin sila dahil hindi nila masyadong pinansin ang mga galaw ni Jad noon.

I forgave them. Wala rin namang nakaka-expect no'n mula kay Jad. Even I, his best friend who knew him for years, didn't notice about his condition.

Hindi na naming napansin ang pagdaan ng mga araw sa finals week naming. Namalayan na lang naming na tapos na ang first semester, narelease na ang grades (lahat kami pumasa, of course), at may two-weeks na vacation na kami bago ang second semester.

"See you, guys, sa OJT!" Kinawayan ko si Chi at Ken bago ako sumakay sa kotse. We got into the same art gallery where we will assist an art director. Sinwerte kami makapasok kahit na libo ang nag-apply doon para maging intern.

Mag-isa lang akong nagmaneho ngayon pauwi dahil napuyat si Rush. Pinabasa ko sa kanya ang mga nagawa kong panel para sa mga huling kabanata ng kwento niya. I wanted him to check it first before I continue doing it. Sinisigurado ko lang na kuntento siya doon.

Four more chapters, and he's gone.

Napangiti ako nang mapait at winaglit na lang 'yon sa isipan ko pagkarating ko sa condo. Imbes na umakyat agad, dumaan muna ako sa maintenance team dahil ngayon daw dadating ang mag-iinspection ng kwarto ko. Hindi na kasi nawala ang malaking itim na bilog na 'yon sa dingding ko at lumalaki pa siya.

Before it was just the size of a plate, now it was almost the same size and height as me.

"Dito po," saad ko at nauna na naglakad papasok sa kwarto ko.

Saglit lang na tinignan 'yon at umalis na rin ang maintenance guy. Pagkasara ko ng pinto ay bumungad ang kagigising lang na mukha ni Rush.

Magulo ang buhok niya, naniningkit pa ang mga mata, at humihikab pa habang kinakamot ang tiyan niya.

"Good morning," I joked. 3 o'clock na talaga ng hapon pero ngayon lang siya nagising.

He instantly smiled when his eyes landed on me. Dati, hindi siya gaanong palangiti. His mood instantly changes. From a flirt, to an emotionless guy, and a guy wanting to have his life back.

Pero ngayon, parang normal na lang siyang lalaki ngayon sa mundo na 'to. Nakakalimutan ko na nga na isa nga pala siyang mafia boss. Mukha na lang siyang normal na lalaki, normal boyfriend who takes care of her girlfriend whenever his girlfriend is tired. He would welcome her home every time and showers her with kisses and hug every day after school or work.

A perfect scenario I wish to have with him.

"Sem break na," I informed him. Tumabi siya sa akin at nahigit ko ang hininga ko nang yakapin niya ako mula sa likod.

"What do you want to do in your break?" he asked. I could feel his breath fanning on my neck.

"Finish your story.

Ramdam kong natigilan siya sa sinabi ko. He didn't say anything but I felt his hug went tighter.

"Yeah. A few chapters to go, hm?"

I nodded. "But I want to do something with you," I blurted out.

Kumalas siya at hinarap ako. "What?"

"Let's go on a trip together?"

The Second Lead's Retribution (Reincarnation #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon