Chapter 5

11.5K 717 184
                                    

Hello! This is the edited version of Chapter 5. A combination of the previous Chapter 6 and 7! I added a few lines and scenes!

Enjoy reading!


#TSLsRetribution05


Third Lillee

WALANG IMIK AKONG nagmamaneho pauwi sa condo.

Nakabili na kami ng bed frame niya at nakakain na rin kami pero simula nang makaalis kami sa booksigning event ni Miss Niana wala siyang kaimik-imik. Tahimik lang siyang nakasunod sa akin kaya kahit 'yung binili o kinain namin, hindi ko alam kung gusto ba niya.

Nauna siyang pumasok sa akin sa condo pagdating namin. Pinanood ko siyang dire-diretso ang lakad sa kusina. Sinundan ko siya at nakitang umiinom siya ng tubig.

"Uhh . . . lilinisin ko lang 'yung isang kwarto at doon ko ipalalagay 'yung bed frame mo," sambit ko.

"Is it fun?"

Natigilan ako sa tanong niya. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin at nakatungkod ang kamay niya sa mesa.

But his voice . . . it's cold, yet, it's full of pain.

"Is it fun seeing me suffer?"

"Rush—"

"Naiintindihan ko naman na isa lang akong character. That I am made out of pure imagination, I've been trying to digest that already. But why does it hurt so much?"

Pinakatitigan ko lang siya maigi. Hindi ako makapagsalita dahil alam ko naman na may kasalanan ako.

Writing their story, I was satisfied as long as I fulfilled my reader's wishes, demands, and suggestions for my story. It felt like I was pulling them more to read my works because I followed what they want.

Kasi para sa akin, wala lang naman na paglaruan ko ang nararamdaman ng mga characters ko. Besides, it's my job as a writer, as their creator. Ako ang bahala sa magiging takbo ng buhay nila.

Kung mamamatay sila, mamamatay sila.

Kung wala silang endgame, wala silang endgame.

At kung magiging miserable man ang buhay nila, magiging miserable sila.

Because they're just characters in a book.

But this man right here, I never thought that he'll come to life. Even, I, thought that this is too impossible to happen. I've always thought that what is happening is just a dream. Na masyado lang akong nahook sa pagsusulat ng Heirs Without Fear, but no.

Rush already kissed me, hugged me, and ate with me.

Sa totoo lang, naguguluhan ako sa mga kinikilos niya dahil sinisisi nga niya ako sa nangyari sa kanya. Kaya nga hindi ko alam kung bakit ang bait niya makitungo sa akin.

"I-I'm sorry," mahinang usal ko. 'Yon na lang ang nasabi ko kahit na alam kong hindi 'yon sapat.

"Just sorry?" Natawa siya ng pagak.

I heaved a deep sigh. "I know that whatever I say right now will come out as an excuse. It's my fault, I acknowledge it, and I take full responsibility for it."

Hindi siya kumibo at nakatalikod pa rin siya sa akin. Ako naman ay pinagmamasdan siya mula sa kinatatayuan ko. Sinusuri at tinitimbang ang magiging reaksyon niya.

Minutes passed, and we were both still standing where we are earlier. Looking at him, he looks calm. But since I know him, I am aware that right now, he's just like a ticking time bomb—ready to explode anytime now.

The Second Lead's Retribution (Reincarnation #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon