Chapter 3

12.4K 836 225
                                    

#TSLsRetribution03

SINULYAPAN KO SI Rush na kanina pa ako pinanonood mahirapan sa assignment ko.

Hindi ko naman talaga gagawin 'to, e. Nangako na nga si Jad sa akin na siya na bahala sa assignment ko. Kaya lang pakiramdam ko, mababaliw ako kapag wala akong ginawa dahil hindi niya inaalis ang titig niya sa akin.

"Pwede bang alisin mo 'yang titig mo sa akin?"

Ipinilig lang niya ang ulo niya sa kabilang banda at nangalumbaba habang hindi pa rin niya tinatanggal ang mga mata niya sa akin.

"What if I don't want to?"

"Kung sipain kaya kita?"

"Try me," hamon niya.

Ngumiwi na lang ako at tinikom ang bibig ko dahil alam ko naman sa sarili ko na hindi ako mananalo sa kanya, e. Mafia boss 'yan, e.

Bata pa lang siya trained na siya sa lahat ng uri ng pakikipaglaban. Guns, knives, and hand-to-hand combat. He's the next in line. He should be prepared and ready always considering that the main business of his family is life-threatening.

Pinalaki ko ang mga mata ko sa harap ng iPad ko. Pinaikot ko sa daliri ko ang stylus na hawak ko na akala mo makakatulong 'yon para ma-solve ko ang math problems sa harap ko.

"Ano ba 'yang ginagawa mo?" Siya na yata mismo ang nainip sa ginagawa ko. Napaatras ako ng mabilis niyang inilapit ang mukha niya sa akin.

Para akong estatwa sa tabi niya tapos siya naman ay binabasa ang mga math problems at equation na nasa iPad ko.

"This is easy."

Kung pwede lang umabot ang panga ko sa sahig, kanina pa tumama 'yon doon. Napatanga lang ako sa kanya nang kunin niya ang stylus at iPad sa kamay ko.

"Pucha! Anong madali diyan?!" pasigaw kong tanong.

"Tss. This is just the basics," sagot naman niya.

"Sabihin mo nga sa akin kung anong basic sa derivatives at integral?" Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko mula sa kanya.

"Ma'am, you created me, yet, you forgot that you made me a Chemical Engineer graduate who also is a topnotcher in my licensure exam," pilosopo niyang sagot.

"Hala!" Madramang sambit ko. Napapalatak ako dahil doon. "Oo nga pala!"

Humagikgik ako at tinitignan ang sinosolve niyang problem. Hindi pa rin ako tumitigil kakatawa, kaya siya napatigil sa ginagawa niya.

"Nababaliw ka na ba?"

"Wala! Ituloy mo lang! May naisip lang ako bigla!" nakangiting tugon ko.

Kumunot ang noo niya at umiling-iling pero pinagpatuloy pa rin naman niya 'yon. Nilabas ko ang cellphone ko at hinanap ang convo namin ni Jad. Mabilis akong nagtipa ng mensahe na malawak ang ngiti.


Jad Bobo

Active now


Third Tanga: jad! no need na gawan ako ng assignment! may gawa na ako hehez

Jad Bobo: weh? mama mo, third! wala kang makokopyahan kasi aq lang naman friend mo! sabihin mo lang kung ayaw mo akong bigyan ng gawa mo. matatanggap ko naman. sino ba naman kasi ako di ba? haha. aq lang naman i2 haha. a simple guy asking his friend to give him a copy of her book haha.

Third Tanga: yuck! sadboi! may gawa nga ako! pakopyahin pa kita kapag natapos ko, e!

Jad Bobo: sige nga!

The Second Lead's Retribution (Reincarnation #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon