Chapter 18

10.3K 635 239
                                    

Dapat ia-update ko na rin Chapter 19 tonight kaso hindi kinaya mga teh. Tita duties waved at me, huhu. Pero ayon, happy reading!

#TSLsRetribution18


"ENCHANTED KINGDOM?"

Nakatanga lang ako sa entrance ng EK habang itong kasama ko ay tuwang-tuwa pa sa pinuntahan namin. Rush is grinning from ear to ear as he watched my scowling face.

"Sigurado ka na ba dito?" tanong ko ulit kay Rush.

"Yes," he replied while nodding his head. Nakangiwi ako kanina pero natawa ako bigla sa itsura niya. Mukha siyang bata na nasa field trip.

When I asked him to travel with me, ang inaasahan kong pupuntahan namin ay dagat or island or falls. Wala sa isip ko na ito ang lugar na gustong-gusto niyang puntahan.

To be honest sawa na ako rito dahil palagi akong dinadala nila Mommy at Daddy rito noong bata pa ako tuwing nakakakuha ako ng awards sa school. Naging mall na 'tong EK para sa akin kaya isa 'to sa mga pinakainiiwasan kong puntahan ulit.

But seeing Rush's happy face, I guess it was worth the visit again.

Noong sinabi niyang gusto niyang makapunta ng amusement park, gusto kong tumanggi pero pinagbigyan ko siya na mamili ng isang lugar na pwede namin puntahan. Mukha naman akong tanga no'n kung hahayaan ko siyang magdesisyon tapos hindi ko rin naman susundin 'di ba?

I immediately booked a hotel near here and we drove here the next morning. Literal na sem break na talaga namin dahil nakapag-enroll na ako kahapon para wala na akong iisipin pa.

"Hindi ka magsusuka kapag sumakay sa rides?" paninigurado ko. Umiling siya.

"Pumapatay ako ng tao, nangto-torture rin. Do you think this mere amusement park rides could make me throw up just like that?" kunot-noo niyang saad. I scoffed at what he said.

"Hindi mo pwedeng gamitin palagi sa akin 'yang mafia card mo, ha," matapang kong wika pero tinawanan niya lang ako.

Hindi naman nagtagal at pinasakay na kami. Unang ride na pinuntahan namin ay ang Anchor's Away. This is my favorite ride before kaya lang hindi ko na nasakayan ulit simula ng lumipat na ako sa Manila para sa college.

Excited akong umupo at sinuot ang safety belt. Tahimik lang si Rush sa gilid ko, mukhang nakikiramdam. Nang magsimula ang ride, okay pa ako. Tinataas-taas ko pa ang kamay ko at nakikisabay sa sigaw ng mga tao.

I screamed when it reached its highest peak. Kung kanina ay masayang-masaya pa ako at nage-enjoy, ngayon ay gusto ko na lang pahintuin ang ride at bumaba. Parang hinahalukay ang tiyan ko tuwing bababa ang side namin.

"What the fuck, this is so damn fun!" hiyaw ni Rush.

Gusto ko siyang tanungin kung nasaan ang fun doon pero wala akong lakas na magsalita. Nanginginig ang mga tuhod ko tuwing bababa 'yon.

"Come on, Lillee! Raise your hands!"

"Shut up, Rush!" pikit-mata kong sigaw.

Hindi ko na dinilat pa ang mga mata ko habang nasa tuktok pa rin kami. Maya-maya lang ay naramdaman ko ang kamay ni Rush na gumagapang sa kamay ko. Nahanap naman niya 'yon at mahigpit niyang hinawakan.

Isang kamay na lang ang tinataas niya kasabay ng paghiyaw niya.

Halos madapa pa ako pagbaba namin kaya inalalayan niya ako. Nakatingin ang mga tao sa amin. Hindi ko alam kung hinihintay ba nilang masuka ako o tinitignan lang nila ang kasama ko.

Sunod namin pinuntahan ang Flying Fiesta. Favorite ko rin 'to noon pero sinusumpa ko na siya ngayong nakasakay ako. Kung kanina ay pakiramdam ko babagsak ako sa taas ng angat ng ship sa Anchor's Away, dito naman para akong titilapon.

The Second Lead's Retribution (Reincarnation #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon