Chapter 8

10.5K 754 387
                                    

#TSLsRetribution08


I PASSED OUT.

Napabalikwas ako ng bangon pero agad din na bumagsak ang katawan ko sa kama ko dahil sa sakit ng ulo ko.

Hangover na naman!

Napangiwi ako sa sakit no'n at pinupukpok ko ang ulo ko na para bang makakatulong 'yon na makabawas ng sakit sa ulo ko.

I noticed that I am currently in my room. Suot ko pa rin ang mga damit ko kahapon pero nakapatong sa akin ang comforter ko. Nakaayos din ang sapatos na ginamit ko sa gilid ng pinto ko at maayos na nakasabit ang susi ng sasakyan ko sa pinto.

Hindi rin ako nanlalagkit kahit na bahagya akong pinawisan dahil sa nangyari kagabi—

Shit! We kissed! Again!

And this time, I gave him my permission!

Dalawang kahihiyan! Una, pumayag ako makipag-chukchakan sa kanya. Pangalawa, nahimatay pa ako pagkatapos!

Hindi naman ako maharot dati, ah!

Tamang drawing lang ako noon, nakikipag-asaran kay Jad, nag-aaral, at umuuwi linggo-linggo sa bahay. Kailan pa ako bumibigay sa isang lalaki?

Masaya nga akong single ako noon, e!

Napatigil ako sa iniisip ko dahil biglang tumunog ang tiyan ko. Napapikit ako at napabuga ng hangin. Kailangan ko lang naman kainin ang kahihiyan ko. Hindi naman mahirap 'yon.

Pwede rin na magpanggap akong sobrang nalasing kagabi kaya ko nagawa 'yon. 'Di ba?

Oo, 'yon na lang. Mas kapani-paniwala.

Marahan akong lumabas sa kwarto at bahagyang napaatras dahil kalalabas lang din ni Rush galing sa kwarto niya. Magulo ang buhok, mapungay ang mga mata, at namumula ang mga labi niya.

Pwede bang halikan ulit 'yan?

Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa naiisip ko. Kasasabi ko pa lang na aakto akong walang matandaan kagabi tapos nakita ko lang siya, gusto ko na ulit lumandi.

'Yung totoo, Third?

"Good morning," he greeted.

"G-Good morning," nauutal na bati ko pabalik. "Paano nga pala tayo nakauwi kagabi? I can't remember what happened last night," pagkukunwari ko.

"I drove us home last night," tugon niya.

"Nakabisado mo kaagad ang way pabalik dito sa condo ko?" gulat kong tanong.

He nodded. Sumandal siya sa hamba ng pintuan niya. "You got drunk by a can of beer?"

"O-Oo! Mababa lang tolerance ko sa alak," palusot ko. Tinitigan lang niya ako maigi habang may sinusupil na ngiti. Awkward akong tumawa para magmukhang normal lang 'yon.

"Okay. Sayang, you won't remember the taste of my lips," he shrugged before going inside the bathroom.

Napanganga ako sa itinuran niya at nag-init ang buong mukha ko. The kiss we shared last night flashed in my mind. I unconsciously touched my lips as if I could still feel his hot lips on mine. Narinig ko ang pagbukas ng banyo kaya tumakbo ako sa sofa at binuksan ang tv para manood ng Netflix.

"Oh. A caller ID named Uno called you last night. I answered the phone because it has been ringing nonstop last night when we got home."

"Si kuya?!" Nanlaki ang mga mata ko at napatakbo pabalik sa kwarto.

Dinaga ang dibdib ko nang makita ang 20 missed calls ni Kuya Uno. May limang missed call din si Kuya Dos bago nasagot ni Rush ang tawag ni Kuya Uno kagabi. Tinignan ko ang messages ko at mas lalong nataranta nang makitang nag-text pala si Kuya Uno kaninang 8 am!

The Second Lead's Retribution (Reincarnation #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon