Chapter 12

9.7K 565 205
                                    

Happy 7k reads, TSLR! 

Here's an update for you! Enjoy reading!


#TSLsRetribution12


"AYAW MO BA talagang ipahatid ka namin kay manong, Lillee?" Dad asked for the nth time. I chuckled before hugging him. I could sense the worry from his voice.

"Dad, kaya ko po mag-isa," natatawang tugon ko. "Ilang beses na po ako nag-commute papunta rito, and mas kailangan niyo po si manong ngayon."

Bukas pa ako dapat uuwi. I want to spend more time with my family but the thought of Jad going to our house to talk to me is the last thing I want right now.

Siguro mukhang ang babaw ko ngayon. Best friends kami. Dapat ay ayusin namin ang problema namin para na rin sa tagal ng pagkakaibigan namin. But the look on his face yesterday is strange.

Para bang nang mga oras na 'yon, hindi si Jad ang nasa harap ko. Just a flicker of time, another person entered his body.

Kasi kilala ko si Jad. No matter how disappointed he was, how sad he was, and how angry he was. He would always smile through it all. Never niyang pinakita sa akin na may nararamdaman siya ng negatibo. Kung may pinagdadaanan man siya, hindi niya 'yon gaanong iniisip at dinibdib.

I know I should give him the benefit of the doubt. Iba siguro talaga kapag na-reject ka ng babaeng nagugustuhan mo. However, I don't think he likes me that much. Pakiramdam ko naiisip niya lang 'yon dahil komportable siya sa akin at marami na kaming pinagsamahan.

But then again, I'm not in his position. I'm just on the receiving end.

Ayokong i-invalidate ang nararamdaman niya. Though, I said what I said.

I don't like him, and I already told him that. Siguro ang inaasahan ko lang, hindi man niya matanggap agad-agad, sana ay respetuhin niya ang desisyon ko.

"Okay lang naman na kami na lang ng daddy mo ang mag-commute, anak," dagdag ni Mommy. Pati siya ay nagpupumilit.

"Hindi na po, 'my." Umiling ako at sakto naman ay dumadating na ang bus na pa-Manila. "Ayan na po 'yung sasakyan ko. Una na po ako. Bye, 'my, 'dy. See you po ulit pag-uwi ko."

I kissed both of their cheeks and bid them goodbye. Kumakaway sila sa akin hanggang makasakay ako. Nang makita nila na settled na ako sa kinauupuan ko ay umalis na rin sila.

May dinownload ako na bagong webtoon para basahin ko sa byahe. Sinalpak ko lang ang earphones ko at 'yon lang ang pinagkaabalahan ko sa bus. Pagdating sa Manila ay hindi na ako nag-dalawang isip pa at pumara na ng taxi para dumiretso sa condo.

Nasa lobby pa lang ako ay maganda na ang mood ko. Binati ko pa ang security guard pagpasok ko. Pati ang mga nasa lobby ay dinamay ko na rin. Buti na lang bumati sila pabalik kundi nakakahiya 'yon. Mukha na nga akong tanga sa ginawa ko tapos hindi pa nila pinansin.

Sa bilis ng pag-input ko ng passcode ko papasok sa loob ng unit ko, mabuti hindi ako nagkamali. Ang laki ng ngiti ko pagbukas ko ng pinto at naka-dipa pa ang mga kamay ko pero unti-unti kong binaba 'yon ng mapansin na walang tao sa sala. Patay rin lahat ng ilaw at ang linis ng buong condo.

"Rush?" tawag ko sa kanya.

Inaasahan ko na may pintong biglang bubukas o may maglalakad galing sa kusina pero walang nangyari sa mga 'yon. Bukas naman 'yung aircon at nakailaw rin ang tv.

Ako na lang mismo ang nagbukas ng ilaw. Hinugot ko rin sa saksakan ang tv. Kumunot ang noo ko. Nasaan na 'yon?

Sumilip ako sa kusina, wala siya. Sa pantry, wala rin. Sunod kong pinuntahan ang kwarto ko. Tinignan ko kung saan nakasabit ang susi ng sasakyan ko. Nandoon naman ang susi.

The Second Lead's Retribution (Reincarnation #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon