Chapter 9

11.1K 686 208
                                    

Road to 6k reads na ang TSLR! Thank you sa inyong lahat! 


#TSLsRetribution09


TWO WEEKS HAVE passed after my brothers visited my condo.

Naging busy na ako no'n sa pagrereview at sunod-sunod na mga school works. Midterm examinations are coming. Graduating student na ako kaya kailangan doble ang pag-aaral ko na mairaos at maipasa ang sem na 'to.

Bukod sa paggawa ko ng mga panel ni Rush, may mga artwork din akong ipinapasa. I made sure that every work of mine is breathtaking dahil magagamit ko 'to sa resume ko. Sabi ng mga professor namin, as soon as possible magpasa na kami sa mga kompanya o art galleries na interesado kami mag-internship para hindi na namin po-problemahin pa kapag dumating na ang second semester.

And since I am too busy preparing for my exams doing my requirements, hindi na ako gaanong nakakalinis ng condo. Ang pagkain namin ay kadalasan canned goods na lang. Minsan naman ay umoorder na lang sa mga fast food chains.

It's unhealthy, I know. Pero kailangan magkaroon ng laman ang sikmura namin. Baka sa gutom pa kami mamatay.

Napahikab ako pagkatapos ko patayin ang alarm kong pangalawang beses na tumunog. Five o'clock in the morning pa lang pero pinilit kong gumising na. Gusto kong pasadahan ang nireview ko kagabi ng isa pang beses para matandaan ko ang mga 'yon.

Ngayong araw pa ang calculus exam namin kaya madugong exam talaga 'to. Good thing, Rush helped me last night. The solutions he did with my past assignments are detailed enough for me to understand how to solve certain problems.

May magandang dulot din pala 'yung pagdating niya rito bukod sa araw-araw niyang papandesal sa akin kapag nagwo-workout siya.

Lumabas na ako ng kwarto habang antok na antok pa. I expected a dark living room but instead, breakfast welcomed me in the center table.

May fried rice, eggs, bacon, egg drop soup, a glass of milk, and a coffee.

"Good morning," Rush greeted me with his usual low voice. Nilapag niya ang mga plato at kubyertos sa mesa.

Umupo siya sa sahig at tinapik ang tabing pwesto niya. Hindi agad ako nakakilos sa pagkabigla ko. Umayos lang ako nang maamoy ko ang aroma na nanggagaling sa mga pagkain. Tulala akong naglakad paupo sa tabi niya at aksidente pa akong natapilok papalapit sa kinauupuan niya.

Nasalo naman niya ako at parang nakaluhod ako paharap sa kanya. Ilang pulgada lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko sa ayos namin dalawa lalo na at nararamdaman ko ang init na nagmumula sa katawan niya dahil sa pagdidikit ng katawan namin.

I felt something in my stomach stirred up because of how close we are right now. I raised my eyes and they met his. None of us dared to speak. His gaze lowered to my lips before lifting them.

Slowly, his face moved closer and I closed my eyes—anticipating what will happen next.

But suddenly my stomach growled.

Napamulagat ako ng tingin dahil doon. Napaawang ang mga labi ko habang siya ay may sinusupil na ngiti sa labi niya.

"Looks like you need to feed the beasts in your body," he joked.

Mabilis akong lumayo sa kanya dahil doon at naglagay na ng pagkain sa plato ko. Mabilis at sunod-sunod ang subo ko sa pagkain.

I was so surprised at how tasty the food is! Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya at binigyan siya ng thumbs up.

The Second Lead's Retribution (Reincarnation #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon