I looked at her back and smiled, jusko ang bango niya, pati hininga niya worth it maamoy, ang liit din ng bewang, ang gentle rin ng galaw niya, she's so elegant, dang it.
Her face looked like hers...
Katulad ng ginawa niya bumalik na rin ako sa pwesto ko, "Hindi naman halatang nababakla ka sa mahabaging co-actress mo, 'no?" My manager whispered, I arch my brow at her then rolled my eyes.
"Gaga, sinong hindi?" I whispered back, buti na lang at simula pa lang ng pagpasok ko sa showbiz ay sinabi ko na agad na bakla ako.
Yup, I'm a Bisexual. Pero hindi naman yung klase ng bisexual na kayang magkaroon ng karelasyon sa mga lalaki, I mean attracted din naman ako sa mga lalaki sadyang, mas malaki ang percent na bading ako sa babae, marami nga ang hindi makapaniwala ng sinabi ko ito sa isang interview noong nagsisimula pa lang ako sa showbiz, some were shocked, at hindi na ako nagulat doon.
Hindi naman ako nakatakas sa mga basher at mga homophobe, wala naman akong pakialam lalo na at dinedepensahan naman ako ng mga fans kong bakla rin siguro.
"Akalain mo yun kakasimula mo palang sa showbiz about 1 year and 8 months ka palang pero sikat ka na at makakatrabaho mo na agad ang isa sa pinakasikat na artista dito sa industriya." My manager reminisced.
"Hindi ka ba makapaniwala?" Sasagot na sana siya ngunit nagsalita na agad ako, "Luh, bakit hindi? Sa ganda kong 'to hindi ka makapaniwala? Ang gwapo ko rin kaya." I boasted, smirking at her.
"Mukha kang daga, stop smirking." She said looking at me boredly, earning a laugh from me.
Parang bigla kong nakalimutan ang pagkatalo ko sa drift racing kagabi, naalala ko nanaman ang babaeng nakalaban ko doon.
Oo, alam kong babae iyon dahil noong lumabas siya sa kotse niya ay nakatingin ako sa kanya, mas lalo ko ring nasabi na babae siya dahil sa buhok niyang naka-high ponytail ng mga oras na iyon, masasabi kong maliit din ito tulad ni Miss Leigh o siguro ay mas maliit pa, maganda rin ang katawan nito nalaman ko iyon dahil sa high waisted jeans niya kaya kitang kita ang mga curves niya, ang astig din ng pormahan niya dahil all black iyon.
Buti na lang at hindi ako binatukan ni Riethe dahil natalo ako. Nang matapos ang meeting ay nakita ko ang pag ngiti ni Miss Leigh sa iba pang magiging cast nitong project namin, nakita kong lumapit ito kay Heindrich Lacrosse at hinalikan ang pisngi ng lalaki, agad akong napakapit ng mahigpit sa bouquet na hawak ko dahil sa nasilayan.
Ang daya hindi niya ako hinalikan sa pisngi kanina dapat i-kiss niya rin ako, hindi lang sa pisngi sa lips din dapat, mwehehehehehe.
Napakagat ako sa aking labi dahil sa naisip, tiningnan ko siya ulit at nakita kong paalis na siya kasama ang manager niya.
The dress that she's wearing looked really good on her, it complemented her curvy body, kitang kita rin ang colar bone niya dahil mababa ang dress na suot niya to the point na nakikita rin ang cleavage niya.
Papa susje patawarin niyo po ako, ilayo niyo pa po ako sa tukso ng kahalayan.
And even though she's only wearing flat shoes she still managed to look so good, her style is perfect, nakita kong nakatupi sa braso niya ang suot niya kaninang black tux.
Hay, sobrang blessed niya naman, lalo na ang melons niya, hehe. Napatingin ako sa aking dibdib na napahinga na lang nang malalim, at least may nakaumbok yun na yun.
Hindi na rin nagtagal ay umalis na rin kami ng manager ko, sabi nung Design Manager ay mag-bar daw kami mamaya kaya, umayon agad ako, baka pumunta rin si Miss Leigh, hehe.
I don't know but something is telling me to get to know her more, to get closer to her more, maybe because she reminds me of her, and also what made me amused more is when I heard her asking her manager who I am.
BINABASA MO ANG
Sin to commit (Valentine Series 1)
RandomThebe Dawn Yrenea, a woman who has seem to caught the eyes of Leigh Nasrin Hiraeth, is a singer songwriter who had a past relationship with someone very close to Leigh Nasrin, as Thebe sees her past lover in Leigh. What would happen if you are in lo...