Chapter 8

238 3 0
                                    

I'm bored!

Dalawang araw na ang lumipas simula ng malaman ko kung sino talaga si Hiraeth, in those two days I made sure na hindi halatang may alam na ako sa buhay niya, I think hindi naman ako halata, I always make sure na maayos ang trato ko sa kanya tulad ng dati, katulad na lang kahapon.

Flashback

Nakita kong papalapit sa akin si Hiraeth kaya agad akong tamayo upang alalayan siya paupo, nakita ko pa ang nawiwirduhan niyang tingin pero nginitian ko lang siya.

I mean royalty kaya siya tsaka katulad nga ng sabi ko dati, I'm just being extra friendly to someone extra beautiful, and special.

Nang makaupo na siya napansin kong wala siyang hawak na kape ngayon, bago na ang brand ng mga kape namin, I mean after the rumor about the green woman.

Hinanap ko si Clare upang itanong kung may kape pa ba, at meron pa naman, kumuha ako sa tinuro niyang pinaglalagyan nito at agad na bumalik sa kung na saan si Hiraeth,

"Hiraeth, here's your coffee," I smiled, slightly bowing my head.

I saw that she's throwing me another weird look, at tulad ng kanina nginitian ko na lang ulit siya.

Ang humble niya naman.

End of Flashback

Di baaa?

Day off ko ngayon, kaya bored na bored talaga ako. Kasalukuyan akong naghahalungkat sa cellphone ko at naalala ko yung number ni Hiraeth.

Wala na talaga akong magawa kaya iistorbuhin ko muna siya. I mean a royalty can have some fun too.

Kaya agad akong nagtype ng message sa iPhone ko, at nagtext sa kanya.

To: Hiraeth my love so sweet🤙🤙🤙

I'm not feeling whale😔😔.

And another message,

To: Hiraeth my love so sweet🤙🤙🤙

Replay to me😢😢.

And another,

To: Hiraeth my love so sweet🤙🤙🤙

Y u not replay?

Sana lang hindi ko siya naiistorbo kasi wala talaga akong plano tumigil.

To: Hiraeth my love so sweet🤙🤙🤙

Ish u shur u will not communication to your baby cell to mommy?😔😔😔

To: Hiraeth my love so sweet🤙🤙🤙

Bebi bebi ur my son and mon😚😚😚😚😍😍😍😳😳😳.

Tinitigan ko ang nakalagay na pangalan sa number niya at natawa nanaman, genggeng.

Eyyy.

Hindi siya nagrereply, joke lang yung kanina, titigil ako, hindi siya nagrereply sa texts ko. Hindi niya na ba ako mahal? O baka wala lang siya load, tama tama.

Nakakabaliw, pero come to think of it, nagscroll ako pataas sa convo namin to see the first text. Siya ang na una.

Paano niya nalaman yung number ko? Binigay ko ba sa kanya? Feeling ko hindi eh.

Feeling ko crush ako neto ni Hiraeth eh. Ih naman. Ganito nag simula sina Lola at Lolo ko eh. Ah naman.

A big smile was forming on my lips when the door bell rang, I wasn't expecting any visitors today kaya napa-isip ako.

Sunod sunod na ang bumibisita sa bahay ko ah.

I walked to the door when the door bell rang again. Tiningnan ko yung monitor screen sa tabi ng pinto at nakita ang bestfriend kong parang nagmamadali, as if she's anxious about something.

Sin to commit (Valentine Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon