Chapter 14

229 7 1
                                    

From: Unknown Number

Thebe... Tita Alice m to kilngan ng tulng ng Papa mo n ospitl sya n stroke ngayn ay coma sbi ng dc bka rw mas lumla kng hnd p sya makainm ng gamt n kilngan... wla n kming pera Thebe... llo at smasbay p rw ang diabetes ni Timotee...tlungn m nmn kmi andto kmi s public hospital ng tntirhn nyo dti pls... bgo p lumla ang lagy nya.

Iyon ang bumungad sa akin ng makarating ako sa condo, I was disturbed! After almost two years, after what they've done, hihingi sila ng tulong sa akin? Sa amin?

Two days had passed ng maka-uwi kami, the characters and staff that would participate in the France shoot is on the way to the airport, tapos na ang trabaho ko, I was able to give the team the songs of my choice, and the song I've written.

And in those days, that message is all over my head, taking over my brain, tutulungan ko ba?

Buhay na niya ang pinag-uusapan, kailangan ko ata talagang tulungan.

And then one time, Riethe barged in my penthouse.

"Thebe, si Tito Timotee," that's how she greeted me, and I only nod to tell her I know.

"You'll help?" iyon ang tanong sa akin ni Riethe, I nodded.

"I have to, tatay pa rin namin eh," ako palang ang nakakaalam nito, si Riethe ay nalaman sa magulang niya na kapatid ni Papa, I begged them not to tell my sisters and my mother, pumayag naman sila.

"Have you told them?" tanong niya ulit, umiling ako sa kanya, I drank my canned beer and think again.

I should tell Wynea, she's the closest to him, kailangan niyang malaman, if I'll help him, Aurora, I know, will probably get mad, pero magagalit lang naman siya, wala na siyang magagawa.

"I'll tell Wynea, tapos sabay naming dadalawin next week," sagot ko sa kanya.

"Do you want me to come?" umiling ako sa kanya, saka nagbukas ulit ng bagong beer, "I thought they're rich?"

"Probably poor now because of gambling," I answered.

Walang bisyo si Papa, pero ng dumating sa buhay niya ang babaeng iyon ay na impluwensyahan na rin siyang mag-sugal. Sa naaalala ko, dating katrabaho ni Papa si Alice, hanggang sa napapadalas na ang away ni Mama at Papa, gabi gabi siyang umuuwi ng lasing, minsan ay narinig ko pa siyang sinasabi ang pangalan ng babae habang tulog, naririnig ko rin siyang kausap ang babae sa telepono, at alam kong mahal ni Mama si Papa kaya hindi niya ito magawang iwan.

Wynea was 7 that time, she's my father's favorite, habol kasi siya sa ama namin, at lagi niya rin itong nilalambing, I couldn't do the same, not when I always hear and see our mother's suffering.

Until the day came when my father brought that woman to our house, hindi naman kami mayaman dati, si Papa lang ang may trabaho, si Mama ay naglalabada, idagdag pa na nabaon kami sa utang simula ng magka-bisyo si Papa, nalaman na lang ni Mama na wala na ang titulo ng bahay sa amin, kundi ay naipatalo na ni Papa, kaya ng dumating si Alice sa bahay namin na may kondisyon na pwede kaming manatili sa bahay, ngunit magta-trabaho kami bilang katulong niya, wala akong narinig na kahit anong angal kay Papa, I wanted to be mad at him, pero inalala ko ang pagmamahal ni Mama, pati na rin si Wynea na mahal na mahal siya.

I experienced going to the church with an empty or aching stomach, but a lot of sampaguita in my hand, I would have to persuade the people to buy, dahil kung hindi at wala akong maiuuwing pera sa bahay ay tiyak na walang kakainin si Mama at Aurora, dahil ang mga tinatakas na pagkain ni Wynea ay hindi sapat, mahirap pa dahil baka mahuli siya, sinasaktan kasi siya pag nakikitang nagsisilid ng tinapay o prutas sa damit niya, si Papa naman ay tumitingin lang, at pagsasabihan ang kapatid ko na wag niya ng ulitin iyon, na wag na kaming tulungan ng kapatid ko, and let our youngest die in hunger? Let her eat foods that are expired? Aurora was fucking 5.

Sin to commit (Valentine Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon