Chapter 30

37 2 2
                                        

"Si Papa po, uhm, hindi man po namin siya masabi na mabuting ama dahil sa mga naging pagkukulang niya, masasabi ko naman pong ginawa niya ang makakaya niya para sa amin. Alam po namin na ginawa namin ang makakaya namin para sa kanya, ang kaso po huli na rin, at sa kaunting panahon po na muli kaming nagsama-sama nagawa po naman naming ayusin lahat ng mga problema na naiwan naming hindi maayos." My hands trembled as I let out a breath, this is new to me, kasi hindi naman ako nagsasalita para sa concert ko o gig, nagsasalita ako para sa patay kong tatay.

"He made me remember to take care of myself katulad ng pag-aalaga ko sa mga kapatid ko, na if what I think is best for myself dapat yun ang gawin ko, kasi ayaw niya po akong matulad sa kanya, panganay na ibinigay lahat tapos walang natira sa sarili niya. Natutunan ko naman po, tuwing gutom na gutom nga po ako nung bata ako kahit sabihin ni Mama na tig-iisa lang ang kukunin naming manok dalawa na agad ang nakuha ko." natawa roon ang mga tao, and I smiled too, nabawasan ng kaunti ang pressure na nararamdaman ko, "I promised I will never be like him, and I am planning and hoping na sana nga hindi ako maging katulad niya. Masama man pong pakinggan pero sana po patawarin ninyo ako, hindi po ako bastos, at alam kong kahit si Papa ay matutuwa kapag hindi niya nga ako naging katulad."

"Papa loved us, and he managed to show it even with the little time he had, and I am thankful kasi nawala po yung galit, nagkaroon po ng linaw. Kaya, Pa, pinapatawad na po kita, mahal ka namin Pa, at aalalahanin, kaya 'wag ka pong mag-alala na baka makalimutan ka namin, masyado ka pong iconic para kalimutan naming magkakapatid." natawa na naman, I placed the mic down and went back to my seat, hindi na ako nagpasalamat kasi nagpasalamat na kanina sina Aurora, baka sabihin nila wala akong originality.

The mass continued, the priest gave us the holy water para isa-isa naming ilagay kay Papa, and after that, we rode our own vehicles papunta sa paglilibingan niya. Kasama ko sa sasakyan si Hiraeth, siya ang nagda-drive habang nasa likod si Aurora.

Nakisakay na lang kasi ayaw siyang payagan ni Mama na mag-drive.

"Kaya pa?" tanong ko sa kanya sa likod.

"Kinaya ko nga defense ko, ito pa kaya?" natawa ako sa kanya, even Hiraeth laughed.

"You know, Szchanel, you can come with us in Greece, you don't have to worry about the gastos because we will pay naman, you know, for peace of mind lang." Hiraeth said carefully, casually looking at the road then at Aurora.

"You think that's fine, Ate?" she asked, looking at me.

"Well, yes, as long as you ask Mama, tapos wala kang major exams." I said, chill lang, na parang walang nangyayari libing.

"I can always take them sa recit week. I'll ask Mama, Leigh, but consider it as a yes, nag-agree na si Ate kaya pwede na 'yon."

"Edi ako naman ang pinagalitan ng ina natin."

"Okay lang, panganay ka naman."

We had small talks on the way to the cemetery, nagmukha kaming pamilya nina Hiraeth, at ang bunso kong kapatid ang anak namin kahit mabibilang naman sa kamay ang tanda namin sa kanya.

Thinking of it now, parang ang bilis lang noong maiburol sa Papa, tapos biglang, okay, dalhin na sa simbahan. Hindi ko naman pwedeng sabihin na sana magtagal siyang nakaburol kasi baka bumaho si Papa, ayaw ko pa naman sa mabaho, pero kasi, kulang, kulang na kulang yung panahon na naibigay sa amin, when we thought na gagaling siya, na may pag-asa pa siya, biglang ayun, nag-straight line si bakla.

I just wish na walang guilt sa puso ni Aurora, at walang panghihinayang sa puso ni Wynea, we all did our best to take care of Papa, wishing for his recovery and we never wanted this to happen, kaya sana hindi nila nararamdaman ang mga ganoong emosyon. Hindi iyon magugustuhan ni Papa, at hindi ko alam kung kakayanin ko kapag makikita kong patuloy na sinisisi ng mga kapatid ko ang kanilang sarili ng dahil sa nangyari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Jun 30 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sin to commit (Valentine Series 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon