Chapter 9

263 4 0
                                    

I decided to just reply to Hiraeth and slept that night, kinabukasan ay agad na bumawi sa akin iyong tatlo, Riethe cooked for us, naglinis naman si Reeces at si Wynea ang naghugas, after our breakfast ay umalis iyong dalawa dahil may schedule sila ng hapon, while Reeces stayed at my penthouse dahil gabi pa raw ang schedule niya.

While me? Well, I'm on my way to the shooting of 'Kiss me by the Wind', already satisfied with the three's peace offering, nabusog ako eh.

"What did you do on your day off?" Clare asked, I just shrugged my shoulders and told her that happened in just one day.

I mean, the day was eventful but fun and super stressful.

"Reeces will be staying at my penthouse for a while, Wynea and Riethe visited me kahapon, we went sa bar and got home almost two in the morning, pinahirapan ako nung tatlo, we met a friend of Riethe na may ari ng Ecstasy at Eclipse, si Acxel, you know him?" baling ko sa kanya na nakatingin sa akin mula sa unahan.

"Yeah, he's pretty famous in terms of alcohol, he once modeled for a liquor brand, and I heard tumatanggap lang siya ng mga endorsement kapag alak na ang i-eendorse niya," natawa ako.

That sounded like Acxel.

"Let me guess, Gin ba ang na-endorse niya?" Nakangisi kong tanong sa manager ko.

"Hmm, I think so, how'd you know?" Doon ako natawa ng mas malakas.

Kaya naman pala.

Umiling lang ako habang may ngiting naka ukit sa labi ko.

Nakarating na kami sa set at agad akong dumiretso sa dressing room, it was a shock kasi pag pasok ko ay nakita kong naka upo doon si Hiraeth, inaayusan ng kanyang make up artist.

"Hi, we need to share rooms muna, andito sina Mr. Andrade and Mrs. Marisse Gomez," napatango ako at naalala na may scene nga pala ngayon kung saan makaka-usap ni Chiera ang magulang niya, which is iyong dalawang kilala na beteran na aktor.

"Light shoot ka lang daw ngayon?" tanong sa 'kin ni Lindcy, manager ni Hiraeth.

"Oo, focus ngayon ay ang mainit na sagupaan ng pamilya ni Chiera," ngumisi ako. Tinawanan na lang ni Lindcy ang paraan ng pagsasalita ko.

My make up artist put on some light make up on my face, nakaalis na si Hiraeth kanina bago pa ako matapos, isinuot ko na ang attire ko at nadatnan ko na nag start na ang shooting sa pamilya nila Chiera.

The assistant of our director, as soon as she saw me, briefed me about what will happen, I found out na as soon as matapos ang sagupaan nina Chiera ay papasok agad ako sa scene, like they'll film me agad.

I nodded at her noong inulit niya sa akin ang mangyayari, it would be a one take scene, mahirap ito kong hindi handa ang mga aktor pero mabuti na lang at sinabihan na agad ako.

I stood outside Hiraeth's office, syempre doon sa part na hindi ako hagip ng camera, baka mamaya masira ko yung scene eh, tumayo ako doon habang pinapanood sila, sabi naman ng assistant ni Direk na magbibigay sila ng cue kapag dapat ay gagawin ko na ang part ko.

"You have to marry one of our investor's son, Chiera," plastik na ngumiti ang nanay ni Chiera, saka sumimsim ng kape niya, she was seating there like a sophisticated mother.

"Your mother's right, you have to pick between Coal and Marco, their father's holds the biggest investment in our company after all," Mr. Andrade or should I call Amando, agreed to his wife, Lerissa.

Kitang kita ang hindi pag sang-ayon ni Chiera, she's seating on her swivel chair while both her parents are seated on the sofa in front of her table.

"Dad, we can maintain their investment without needing me to marry one of their son, plus, kapag nagpakasal ako sa isa sa kanila ay siguradong magagalit ang pamilyang hindi ko pinili ang anak," Chiera reasoned out, not wanting to be married, lalo at sa mga oras na ito ay alam niya na mayroon na siyang nararamdaman kay Astra.

Sin to commit (Valentine Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon