Arcadia's Point Of View
Chapter 12
A/N: Lamig Ngayon mga be, Enjoy reading ❤️
Halos mapangiwi ako habang hawak hawak ang Balakang ko, Hindi ko akalain na matapos kong buhatin ang ganoong bagay, napakalakas pala nang ipekto nito sakin. halos gusto ko nang sumigaw sa sakit.
" buti at nakayanan mo ang pagsasanay na iyon. " Lumapit sa pwesto ko si kine at may Ibinigay na isang uri nang gamot, kinuha ko naman agad ito
" Ilagay mo yan sa Parte nang katawan mong masakit. Ganyan din ang ginawa kong pagsasanay pero, dahil sa Isa akong Dragon na tangapangalaga nang Punong dyos, Simple na sakin ang sakit na nararanasan mo. " Simpleng sabi nya, ibig sabihin naranasan narin pala nya ito. Pero alam ba nang Punong dyos na Isa akong babae? at hindi Lalaki?
" Magbihis kana, at pumunta sa Silid Nang Punong dyos Pinapatawag ka nya. " Na-alarma na naman agad ako, Ano na naman kaya Ang ibibigay nyang pagsasanay sakin Ngayon?
Hindi nako nakaligo dahil Hindi ko masyadong maigalaw ang katawan ko, Naglinis nalamang ako nang katawan. para narin maging malinis sa harap nang punong dyos, Oo yun lang.
dahan dahan kong binuksan ang pagka-laki laking pintuan nang silid Nang Punong dyos, at Nakaupo ito nangunot ang noo dahil Akala ko nagbabasa lang ito nang Libro pero Hindi pala... mukhang tulog sya, Dahan dahan naman akong lumapit sa pwesto nya at Umupo sa gilid nya upang mapantay sa pwesto niya.
Hindi ko mapigilang hindi mamangha sa mukha nya. Napaka perpekto talaga para syang inukit pero Hindi narin nakapag tatakas Isa syang punong dyos na namumuno sa tatlong dyos,
Inumpisahan kong Tignan ang kilay nyang makapal, Sumunod ang mga pilik mata nyang mas mahaba pa sa akin, ang ilong nyang napakatangos na halos perpekto na Ang tangos, at Ang sunod ay...... ang labi nyang namumula pa.
" Tapos kanaba.? " Nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang Paningin namin Ganon na pala kalapit ang mukha namin sa isat-isa.
" P-paumanhin po. " Sinubukan kong tumayo Pero halos mapadaing ako nang Maramdaman ang sakit nang katawan ko, nakalimutan kong kakatapos ko palang pala sa pagsasanay.
" Sumunod ka sakin. " Nakanguso nalang akong sumunod sakanya. Hindi na talaga ako aasa na tutulungan nya ako katulad nung ginawa nya don sa gintong lawa.
Pansin ko ang pagtigil ni indra Sa paglalakad at Inilabas ang Espada nya. Nakakamangha rin ang ganda nang Espada nya dahil balot ito nang ginto, Nagtaka ako nang tinapakan nya iyon bigla Naman itong lumutang kaya Hindi ko mapigilang hindi Matakot, Katulad sya nang Espada don sa Silid ko.
" Sumakay kana. " Napa-awang ang bibig ko dahil don. nagpabalik balik ang tingin kay indra at sa espada bago lumunok. Ito ang Unang beses kong sasakyan ang espadang lumulutang wag lang sana ako nitong ihulog.
Naging ligtas naman ang Pag-akyat ko sa espada pero dahil Hindi ito kalakihan ay talaga kailangan mong ipagkasya ang Dalawang paa mo.
Napahawak ako sa Damit ni indra nang Mas umangat pa ito mukhang naramdaman nya iyon kaya bumitiw nalang ako, Nagsimula na Ang pag andar nang Espada kaya pumikit nalamang ako. parang mas gusto ko nalang maglakad kesa sumakay dito.
" Hindi moba gustong tignan ang tanawin.? " Ani nya kaya dahan dahan kong minulat ang mata ko, Hindi ko rin namalayan na nakahawak ako sa Damit ni indra dahil sa sobrang kaba. Halos mamangha naman ako sa tanawing nakikita ko, Ang mga bundok at Ang nga ibon na nakasanayan Ning lumipad. Hindi maiwasang hindi mapangiti dahil don. napakaganda.
Nangangawit na Ang katawan ko, Buti nalang din at bumaba na kami. Inilibot ko naman ang tingin sa lugar at isang Puting Bahay ang Nakita at sa tingin ko pamilyar iyon, Teka? nakarating naba ako dito? parang nakita kona kasi ito.
YOU ARE READING
Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING
ФэнтезиArcadia is a happy fairy, but when her feet set foot in God's palace, her destiny will begin to change, will she be able to face the change in her life? Indra is known as the highest god in all the world, he doesn't know the word love because he did...