Chapter 13

482 36 26
                                    

Arcadia's Point Of View

Chapter 13

" Arcadiaaa.!!! " Napatigil Ako sa pagdidilig nang halaman. dahil sa malakas na Sigaw ni lily, Sya lang naman ang may lakas nang loob na sumigaw nang ganitong kalakas kaya hindi na ako magtataka.

" Bakit Humahangos ka?. " Ibinaba ko ang pandilig nang halaman at pinagpagan ang aking damit na Bahagyang nalagyan nang Tubig.

" Alam mo kasi may ipag-dadaos na pagdiriwang bukas. Kaarawan bukas nang Kamahalang Zamir. " Masaya nitong balita.

" Eh, bakit naman sobrang saya mo? hindi naman tayo imbitado sa pagdiriwang na iyon. " Ani ko dito ngumuso naman ito at naupo sa hagdan gumaya nalang din ako sakanya dahil iyon ang madalas naming ginagawa.

" Bukas kasi ay libre ang araw natin, Hindi Tayo gagawa nang kahit na anong Gawain. Iyon kasi ang Kundisyon ng Kamahalang Zamir, " paliwanag naman nya kaya napatango tango nalang ako.

" Kung ganon sino ang mga sisilbi sakanila?,. " takang tanong ko.

" Ang mga Angkan nang Mandirigma pupunta sila dito dahil Pupunta rin ang Hari nang durram dito,. Pati narin ang prinsesa na iyon... " napa-irap ito sa huli nyang sinabi kaya Natawa nalang ako.

Bigla kong naa-lala yung nakita ko nung nakaraan, nais ko sanang bumalik sa gintong lawa upang makita ko ulit ang babaeng iyon, maraming katanungan parin ang maglaro sa isip ko, Una yung babaeng Nasa Loob nang Kristal pangalawa yung ibon na naging Isang magandang babae. Tunay ngang malaki ang sanlibutan.

" Pumunta tayo sa Lawa nang mga Diwata. " Suhestyon ni lily kaya naman ay Sumang ayon narin ako.

....

Ilang Buwan na Ang Lumipas at hindi ko parin nakikita si Yair, alam kong Wala akong karapatan na Malaman kung saan sya nag tutungo, Isa syang Dyos pero Hindi rin mawala sakin ang pag-aalala.

Habang nagmu-muni-muni ako Napatigil ang paningin ko sa porselas na nasa braso ko, Hanggang ngayon ay hinsi ko parin ito Tina-tanggal gaya nang utos nang punong dyos.

" Arcadia, ang ngalan mo Tama.? " wala sa sariling napatayo ako dahil Don, Bumungad sakin ang Mukha nang dyos na si yair kaya bahagya akong yumuko upang gumalang sakanya.

" Paumanhin ano pong ginagawa nyo dito.? " imposible namang naligaw sya dito? ilang Milyong taon na silang nakatira dito Kaya imposible iyon.

" Nagla-lakad-lakad lamang ako dito at hindi ko inaasahan na may isang diwata rin dito.. " Nasa harapan kasi ako nang kwarto ko Ngunit nasa labas ako.

" Naistorbo kopo ba ang pamamasyal nyo?. " Hindi ko alam na isa rin palang Magandang lalaki ang Dyos na si Zamir sa totoo lang napakahinhin nya kaya napag-kamalan ko syang babae,.

" May dumi ba sa mukha ko binibini?. " Agad akong binalot nang hiya dahil don.

" Magagalit nyan si Indra kapag nalaman nyang tinignan mo ako. " Bahagya itong natawa dahil don, habang ako Naman ay nagtaka. bakit naman magagalit Ang punong Dyos.?

" Gusto mo bang may malaman pa sa punond dyos.?" Nakangiti nitong Sabi, napakamot naman ako sa batok dahil don.

Umupo sya sa Isang Batong Upuan, Naglabas sya nang mahika at may isa nang maliit na lamesa at tsaa sa harapan nya, Sumimsim sya nito.

" Sya ang pinakabata sa aming Lahat. " panimula nya, Agad naman akong nagkaron ang interes dahil don. Dahil Wala akong alam masyado sa punong dyos dahil Ang tatlong dyos lamang Ang laging Pinag-kwe-kwentuhan sa lupain namin. hindi ko rin akalain na sya ang pinakabatang dyos, sa apat ngunit sya ang may pinakamataas na posisyon.

Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING Where stories live. Discover now