Arcadia's Point of View
Chapter 24
Napahawak ako sa dibdib ng muli kaming huminto, mahigit ilang oras na kaming naglalakad ngunit ay hindi parin kami nakakarating sa dapat naming pupuntahan.
" matagal paba tayo.? " hinihingal kong tanong sakanya. bat sakanya ay halata rin ang paghingal dahil nag tataas baba din ang balikat nya.
" oo ngunit, magiging matirik na ang susunod nating madadaanan " aniya, kaya tumango nalang ako. kahit ano pa iyan. kailangan kong sabihan si indra.
Napalunok ako nang makita ang matirik at nakakatakot na dadaanan namin, maling galaw ko lang at paniguradong mahuhulog ako sa madilim na bangin na iyon.
" maging maingat ka sa mga hakbang mo. " paalala ng nilalang na nasa tabi ko tangin pagtango nalang ang nagawa ko dahil hindi ko parin maitanggal sa mata ko ang lugar.
Nagsimula na kaming maglakad at ang tanging hinahawakan ay isang lubid, hindi kopa alam kung matibay pa ito luma narin ito at mukhang matagal ng nakalagay dito.
Muli akong tumingin sa gilid ko at nakita na naman ang bangin, halos magsitaasan lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sobrang dilim nito, ni wala akong makita na maliwanag na parte.
may nahulog na kaya jan?
" huwang kang tumingin, kailangan nating maka alis sa lugar na ito sa lalo't sa madaling panahon, baka magising ang nilalang na iyon mahirap na. " nilalang? may nakatira bang kakaibang nilalang jan sa madilim na lugar nayan.
nakaramdam ako ng takot, anong klaseng nilalang kaya ang bubungad jan? mas masahol pa kaya sa dragon? wag naman sana hindi pako nakakapunta kung nasaan si indra.
mabilis ang naging lakad namin, at halos maghabol ako ng hininga ng maka-alis sa nakakatakot na daanan na iyon, at buhay pa naman din ako.
matapos kong magpahinga napa angat ang tingin ko dahil sa ingay.
" nandito kana sa aming tribo, " aniya nya at naunang lumakad kaya sinundan ko naman sya, napatigil din ang maingay na lugar ng pumasok kami sa isang malaking bakuran.
lahat ng mga mata nila ay nasa akin.
" sino ang nilalang na iyan gill.? " isang lalaking mas malaki pa ang sungay kesa kay gill ang lumapit samin, tinignan ako nito mula ulo hanggang paa bago muling binalingan ang katabi ko.
" isa syang diwata, nandito sya upang makita ang lalaking dinala ko din dito. " sagot naman ni gill. tumingin ulit sakin ang lalaki
" isang diwata? kakaiba pala talaga ang mga itsura nyo,. " hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaiba sa sinabi, hindi kaya't guni guni ko lang iyon?
" sige samahan mona sya. " dugtong pa nito at umalis na agad naman akong nakahinga ng maayos dahil don.
" pasensya na sa anak ng pinuno namin, ganon talaga iyon. " aniya kaya tanging pag ngiti nalang ang iginanti ko.
Pumasok kami sa isang maliit na kubo napatakbo ako ng makita ang walang malay na si indra, agad ko syang sinipat at wala naman syang sugat pinakiramdaman ko rin ang enerhiya nya at mabuti naman ay bumalik na ang lakas nya.
" salamat at iniligtas mo sya. importante sya sakin-at syempre pati sa nakakarami. " tumango naman ito. at nagsabing kukuha lang ng maiinom.
Muli kong tinignan ang lalaking nakahiga sa maliit na kama, bakit kaya tulog sya? bumabawi parin ba ang katawan nya? bakit ba kasi ibinigay lahat ng enerhiya nya sakin kung ganito naman kahihinatnan nya.
bahagya aking lumapit sakanya agad kong sinuri ang noo nya at nakahinga naman ako ng maluwag ng wala syang lagnat.
Indra's Point of View
YOU ARE READING
Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING
FantasíaArcadia is a happy fairy, but when her feet set foot in God's palace, her destiny will begin to change, will she be able to face the change in her life? Indra is known as the highest god in all the world, he doesn't know the word love because he did...