Arcadia's Point Of ViewChapter 15
Napabangon ako mula sa Pagtulog dahil sa malakas na ugong na narinig ko, agad akong lumabaso sa maliit na Kubo at halos mapatili dahil sa pagtalsik ni indra. may bahid na ng dugo ang kasuotan nya at Nanghihina narin ang katawan maging ang kapangyarihan nya.
Ngunit natulog lang naman ako, Ganito ba talaga kalakas ang Dragon na ito kaya sobrang nahihirapan si Indra.
Nais ko tumulong ngunit, Alam kong magiging sagabal lamang ako Wala akong sapat na kapangyarihan upang labanan ang dragon na iyon.
" Arcadia, pumasok kanang muli. sa Kubo Masyadong malakas ang dragon nahihirapan din si pinuno. " ani nito ng makalapit sakin.
" Paanong nahihirapan,? " Takang Ani ko
" Kapag nasobrahan ng paglabas nang kapangyarihan si pinuno Maaring masira Ang lupain nyo. Kapag Namatay naman ang Dragon sasabog ito. Kailangang palayuin ang dragon upang hindi makapinsala. " Napatingin akong muli Kay indra. Ramdam kona ang panghihina ng espiritual na kapangyarihan nya. Nanghina ba sya dahil sa mga saake na ibinibigay ng dragon.?
" Kung ganon kine, Gamitin natin ang porselas na ito. bigay sakin ito ni Indra. baka maari natin itong magamit. " ani ko kay kine. Sandali syang tumingin sa porselas ngunit umiwas din sya.
" Hindi maaari, ibinilin Ni pinuno na Huwag mong Tanggalin Yan mula sa braso mo, kaya paking-gan mo nalamang sya. " seryosong Ani nya. Nais kopa sanang magsalita ngunit umalis na ito.
Maraming kawal parin ang Lumalaban Sa dragon Ngunit marami narin ang Duguan. at sugatan.
" Arcadia.? " Napalingon ako sa nagsalita nabuo ng galak ang puso ko Ng makita kung sino iyon, Si Lucian. mabuti at ayos Naman sya.
" Nag alala ako sayo, Si pinuno.? " tanong ko kay Lucian tumingin naman si Lucian sa likuran kaya pati ako ay napatingin, napangiti nalamang ako ng makita si pinuno Wala sa sariling napatakbo ako at niyakap sya.
" Kamusta.? Napaka-laki ng pagbabago mo Arcadia." Tanong ni pinuno.
" Ayos Naman ako pinuno nagkaron din ako ng kaibigan mula doon, at nakita ko rin ang iba kopang nga kauri. " sagot ko sakanya, Nagtaka ako dahil pansin ko ang pagtamlay ni Pinuno, ngunit baka guniguni ko lamang iyon.
" Mabuti naman, ramdam ko narin ang Bahagyang paglakas ng kapangyarihan mo. binabati kita. " Matamis kong nginitian si pinuno at yumakap sa braso nya. Nakiyakap narin si Lucian.
" Kayong mga Bata talaga. Huwag muna kayo magsaya, Hindi pa mapupuksa ang Isinumpang dragon.. " Ani nito kaya Bumalik na naman sakin ang pag-aalala Lalo na Kay indra na mag Isang nakikipag laban.
" Pinuno kung maaari iwan ko muna kayo dito, Nais ko lang tignan ang iba pang sugatan upang tulungan sila. " Tumango naman si Lucian at pinuno kaya Agad na akong bumalik kanina kung Nasan si Indra. May harang parin ang Dragon ngunit sa taglay nitong lakas ay ay unti unti nya iyong nasisira.
Ano bang maaari kong maitulong.?
" Arcadia.? " Tawag sakin ni Yair. Ngayon ko lamang sya ulit Nakita, Simula ng umalis sila sa palasyo.
" Yair, K-kamusta.? meron bang ibang daan upang Mapuksa ang Dragon.? " tanong ko Sakanya.
Agad naman itong huminga ng malalim. " Ang patayin sya dito mismo ngunit mag-iiwan iyon ng malaking pagsabog, dahil lahat ng mga dragon na nasa ilalim ng itim na salamangka ay may kakayahan na pasabugin ang kanilang sarili kapag sila ay namatay na. " Paliwanag nito, Napakagat naman ako sa labi dahil don. kung ganon Kapag Pinatay ang dragon mismo dito ay magsasanhi iyon ng Pagkawala ng aming lupain.
YOU ARE READING
Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING
FantasíaArcadia is a happy fairy, but when her feet set foot in God's palace, her destiny will begin to change, will she be able to face the change in her life? Indra is known as the highest god in all the world, he doesn't know the word love because he did...