Arcadia's Point of View
Napamulat ang mga mata ko sa isang silid na hindi ako pamilyar agad kong naalala ang babaeng nakita ko kanina.
ang sabi nya kakambal ko sya.
Tumayo ako sa pagkakahiga at inikot ang paningin akmang tatayo na sana ako ng matigilan dahil sa presensyang pumunta sa pwesto ko
" mahiga ka lang " naging pamilyar agad sakin ang boses nya
Meron syang dalang isang mangkok na gamot at itinapat iyon sa harap ko
" inumin mo, nalaman kona ang nangyari sa pinuno nyo. " kumirot ang puso ko ng marinig iyon ang sakit paring isipin na wala na sya sa tabi ko.
Naramdaman ko ang pag upo ni indra sa tabi ko dahan dahan nya akong dinala sa bisig nya upang yakapin na hindi ko naman tinutulan, niyakap ko din sya ng mahigpit at umiyak kanina kopa gustong ilabas ang lahat ng ito ngunit naputol dahil sa babaeng nakita ko.
" hindi ko alam kung gaano kasakit ang nararamdaman mo pero handa akong manatili sa tabi mo. " hinihimas nito ang buhok, umangat ako ng tingin sakanya sandali kong tinitigan ang inosente nyang mukha bago muli syang niyakap
" basta dito ka lang ha. huwag' kang aalis. " aniya ko
" pangako "
Ngayon ko palang nakita ang bahay kung saan ako dinala ni indra napaka simple ng disenyo napakasariwa sa mata ng kulay
" kanino pala ang bahay na ito? " tanong ko kay indra habang hindi parin inaalis ang tingin sa lugar
" pagmamay-ari ito ng dating punong dyos' " natigilan ako dahil sa sinabi nya, biglang pumasok sa isip ko si ' zaniya ' at ang babaeng nagsasabing sya ang kakambal.
maari bang iisa lang sila? ngunit hindi kopa nakita ang mukha ng dating punong dyos'
" ahh, meron bang naging larawan ang dating punong dyos'? " tanong ko sakanya' umiling naman ito kaya nawala ang pag-asa kong malaman ang mukha nya.
Pero paano kung tama ang sinasabi ng babaeng kamukha ko? na kakambal ko talaga sya,?
" malalim yata ang iniisip mo, " umangat ang tingin ko kay indra na ngayon ay titig na titig sakin, hindi ko napansin na napalalim na pala ang pag- iisip ko.
" wala. teka meron kabang sasabihin.? " may inabot sya sakin isang puting papel na may sulat kaya kahit nagtataka ay binasa ko iyon
" nakita at nakausap ko ang kaibigan mong' si lucian, kinausap ko sya at sinabing pumunta dito sa palasyo upang samahan ka " paliwanag nito nabasa ko ang sulat ni lucian kaya wala sa sariling napangiti ako.
makakasama kona ang kaibigan ko.
" sya rin ang magiging saksi kapag kinasal na tayo " mabilis na kumabog ang dibdib ko dahil sa sunod nyang sinabi ngunit tila nawala iyon ng maalalang ang gusto ng lahat na pakasalan ni indra ay ang prinsesa ng durram.
" ngunit indra, hindi ako katulad ng prinsesa ng duraam na mataas ang katayuan, isa lang akong isang tagapaglingkod " mahinang sabi ko.
" hindi ko kailangan ng paliwanag ng iba, para langg makasal tayo at dahil naman sa posisyon ko kaya kong umalis doon. " napatayo ako dahil don.
" ngunit ikaw ang pinaka-may malakas na enerhiya kaya hindi maaaring bumaba sa pwesto' mo, gusto mo bang manganib ang tatlong kaharian—? "
" ngunit paano ka? isasakripisyo mo na naman ang sarili mo? " deretso ko syang tinignan sya mga mata
" kung yon ang magiging daan upang magkaroon ng kapayapaan " mabilis syang tumalikod kaya agad akong nataranta hababulin ko sana sya ngunit bigla nalamang syang' naglaho
Bakit ba kailangan kong sabihin yon? alam ko namang nag-aalala lang sya sakin.
Buti nalamang at hindi ko nasayang ang enerhiya ko kanina kaya agad akong nakabalik sa palasyo ni indra ngunit hindi ko nakita ang prsensya nya roon, sinubukan ko pa syang' hanapin ngunit hindi ko talaga sya nakita pati si kine ay hindi ko rin mahagilap.
Napaupo nalamang ako sa harap ng malaking pintuan ng palasyo ni indra nag angat ako ng paningin dahil sa naramdamang kong prsensya at bumungad sakin ang mukha ni lily, agad akong napatayo at nais syang iwasan ng mahuli nya ang braso ko.
" p-pwede ba tayong mag usap, arcadia " sinuot ko ang malamig kong emosyon at hinarap sya namumula ang mga mata nito at mukhang galing lang sa kakaiyak
" hindi ko gustong ilihim sayo ang bagay nayon, ngunit yon ang gusto ni lucian upang hindi ka mag-alala " binatawan ko ang pagkakahawak nya sakin.
" hindi mag-aalala? buhay ng pinuno ko ang sinasabi don, tapos sasabihin mo lang para hindi ako mag-alala? " pinilit kong hindi humikbi sa harap nya.
" p-patawad. pero alam kong hindi sapat iyon para sa ginawa ko ngunit hindi ko talaga gustong itago sayo ang bagay nayon, ilang beses kong sinubukan pero ng makita kitang masaya. lalo pa ng maging kayo na ng punong dyos' nawalan nako ng lakas para sabihin pa sayo. patawarin moko. " hindi ko sya pinigilan ng umalis ito napasandal ako dahil sa labis na panghihina.
Ang nag iisang nilalang na nagturo sakin ng lahat, nagparamdam sakin kung gaano ako importante sa mundong ito, ang dahilan kung bakit ako nagsisikap, nawala na. ako dapat ang sisihin, ako dapat at wala ng iba, habang buhay ko itong dadalhin sa sarili ko.
Third Person Point of View
" malapit na mangyari ang lahat, lahat ng plano ko ay unti unti ng matutupad. "
Arcadia's Point of View
Inaayos ko ang higaan ngunit ang presensya ni indra ay hindi ko parin nararamdaman, ganon ang tindi ng tampo nya sakin?
Napailing nalang ako at isang baritong boses ang nagpahinto sakin, nakaramdam ako ng kakaiba dahil pakiramdam ko ay parang may iba, ang pananalita nya parang hindi na sya ang lalaking masiyahin na lagi kong nakikita.
Yair.
" nabalitaan kong nakabalik kana, kaya't umuwi ako. " tumango ako sa sinabi nya ang laki ng ibinagsak ng katawan nya at ang enerhiya nya ay humina.
" mainam naman at bumalik kana rin " umiwas ako ng tingin sakanya, dahil sa paraan ng pag titig nya sakin.
" nabalitaan ko din ang nangyari sainyo ni indra, kung ganon' ay sinabi mo ng gusto mo sya.? " may halong pait at pagka-inggit sa tono nya kaya hindi ako nakasagot sa tanong na ibinigay niya.
" ngunit masaya ako sainyo, aalis nako. " tanging pagsunod lang ng tingin ang nagawa ko sakanya.
Alam kong matagal ng panahon simula ng magkita kaming muli pero bakit sobrang laki ng ipinagbago nya? hindi kaya dahil sa angkan nyang nakawala sa ginawang kulungan?
Yair's Point of View
Saktong paglabas ko sa palasyo ni indra ay nakasalubong ko naman sya, wala akong sinayang at agad syang sinuntok mukhang hindi naman nya inaasahan ang ginawa ko.
" sasaktan mo lang sya, bakit hindi mopa sabihin kay arcadia ang lihim mo? na matagal ka ng kasal sa prinsesa ng durram? " pagak akong natawa dahil sa pagdilim ng mukha nya.
" hindi ako makiki-elam sa iba mong problema ngunit hindi ako mapapantag kung kasama na doon si, arcadia. "
" hindi mo alam kung anong sinasabi mo yair, matagal kang nawala sa palasyo dahil sa mga angkan mong patuloy na nang-gugulo sa tatlong kaharian, yun nalang ang bigyan mo ng pansin at huwag' na kaming dalawa ni arcadia. " malamig nitong sabi agad kong ipinatawag ang espada ko na lumabas agad sa aking palad, agad ko syang sinugod at nasalag naman nya ito ng walang hirap mabilis syang naglabas ng enerhiya sa kamay at ibinato sakin dahilan upang tumalsik ako.
Mahina pa ang katawan ko ngayon kung kaya't hindi ko sya magawang tapatan.
" tandaan mo ito indra, hindi lahat ng lihim mo ay mananatili lang mag ingat ka at biglang malaman ni arcadia yan. " isang ngisi ang ibinigay ko sakanya at mabilis akong lumisan.
YOU ARE READING
Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING
FantasiaArcadia is a happy fairy, but when her feet set foot in God's palace, her destiny will begin to change, will she be able to face the change in her life? Indra is known as the highest god in all the world, he doesn't know the word love because he did...