Chapter 9

530 44 4
                                    

Arcadia's Point Of View

Chapter 9

Halos Mapahiyaw ako sa sakit nang Magising ako, Akala ko patay nako, dahil halos mag-hingalo na ako kanina. pero nakakapagtaka at buhay pako.? may nagligtas kaya sakin.? Si indra kaya.? pero—

" Oh! buti gising kana diwata. " Napalingon ako sa nagsalita at si Kine iyon May dala itong isang plato na mukhang naglalaman nang pagkain,

" Kine, anong ginagawa ko dito.? " Naglinga linga pero hindi ko magalaw ang katawan ko,

" Nandito ka sa Palasyo ni pinuno,. " Gulat naman akong bumaling sakanya ulit. Iniligtas talaga ako ni indra.?

" Iniligtas nya ako.? " pagkukumpirma ko sunod sunod naman itong tumango kaya napanganga nalang ako,. Iniligtas nga talaga nya ako. walang halong biro,

" Kumain ka muna, Pupunta mamaya dito si pinuno hindi kapa kasi pwedeng tumayo sa Higaan mo, medyo sariwa pa ang mga sugat mo.. " Nagpa-alam na ito kaya nagsimula na akong kumain, Ilang araw ba akong walang kain.?

Matapos akong kumain Nakaramdam naman ako nang Uhaw ngunit malayo yung tubig, paano ko maabot Hindi pa naman pwedeng igalaw ang katawan ko at kapag Ginagawa ko naman iyon matinding kirot ang Nararamadaman ko,

Para Akong tangang Pilit na inaabot Ang baso Nagliwanag naman ang mukha ko nang may mag abot nito sakin,

" Salamat ki--" Napatigil ako nang mapagtantong hindi pala iyon si Kine kung hindi si Indra.,

" Kamusta ang pakiramdam mo.? " Malamig nyang sabi Napa-iwas naman ako nang tingin, bakit nakakaramdam ako nang kung ano sa Puso ko.?

" A-ayos na po ako, Punong Dyos,. " Magalang kong sabi, Yumoko pa ako nang bahagya,.

" Ilang araw kang walang malay. Pinuntahan karin nang kaibigan mo, " Napatango nalang ako dahil don, Walang kahit na ano ang Lumalabas sa bibig ko, hindi ko alam ang sasabihin.

Teka.? Binuhat nya ba ako papunta dito sa Palasyo nya.? bakit hindi nalang nya ako diniretso sa palasyo ni Yair.?

" Ikaw po ba ang nagbuhat sakin dito.? " nakatungo kong Tanong,

" Oo. " Napakagat nalang ako sa labi dahil don,

" Pero dapat po, Diniretso nyo nalang ako sa palasyo Nang Kamahalang Yair. " Dugtong ko. Hindi ko parin sya magawang tignan dahil sa sobrang pagka-ilang. Hindi naman ak ganito sa ibang kausap ko. tanging sakanya lang

" Sa tingin moba, magagamot ka kapag doon kita dinala.? wala doon si Yair kaya Wala na akong ibang Pwedeng pagdalhan sayo.. " Paliwanag nito, Napayuko nalang ako, Bakit koba kasi tinanong ang ganong bagay.? dapat nagpasalamat nalang ako!.

Kakaiba ka talaga arcadia,. Napakatanga mo,.

Pasimple kong inilibot ang tingin ko sa Higaan at naagaw pansin non ang nasa Braso ko, Kailan pako nagkaron nang porselas.?

Hindi kopa naman Kaarawan para Regaluhan ako ni lily.

" Kailangan mong Suotin ang porselas na iyan pansamantala, Yan ang nagbibigay sayo nang enerhiya. " Napa-angat ang tingin ko kay indra. Tila nanigas naman ako dahil nakatitig ito sakin.

"G-gano po ba, S-salamat,. " Tumango nalang ito at lumabas na, para naman akong nakahinga nang maluwag dahil don, inilibot ko ang tingin sa lugar at Nakakamangha. Kung malaki ang palasyo ni Yair, mas malaki ang Kay Indra, Sa bagay sya ang Punong dyos.

Napatigil ako sa paglilibot nang pumasok sa isipan ko ang nangyari sakin, Sobrang hina ko talaga Paano kung hindi dumating si Indra.? Pinaglalamayan na siguro ako nang mga kauri ko, ano kayang magiging reaksyon ni lucian at ni pinuno.?

" Arcadia!!!. " Mabilis akong dinamba nang yakap ni Lily Halos mahigit ko naman ang hininga ko nang Maramdaman ko ang pagkirot nang sugat ko,

" Lily Masakit. " Agad naman itong bumitaw sakin,

" Pasensya na. Gusto talaga kitang makita, Ang tagal mo kayang tulog. " Madrama nyang sabi kaya napangiti nalang ako,. Kahit wala si Lucian At pinuno nandito naman si Lily. Ayos na sa akin ang ganito!

" Alam moba, Nagpa-alam sakin ang pubong dyos, na maging personal ka nyang katulong. " Napatanga ako sa sunos nyang sinabi, Ako. Kukuning Personal na Tagapaglingkod nang punong dyos.?

" Seryoso kaba jan.? " Tumango naman ito,

" Mas maganda narin siguro na Dito ka muna sa pangangalaga nang punong dyos, Para hindi kana masktan nang Prinsesa. " Nangunot ang noo nito Na para bang malaki ang galit sa prinsesa,.

" Ayoko talaga sa ugali nang Prinsesa na iyon, Lagi nalang mapagmataas. Hindi Porket malapit sya sa mga dyos, sasamantalahin na nya iyon. " Umirap ito sa ere,

••••

Hindi nagtagal si Lily dito dahil pinabalik kona sya hindi kasi masyadong marami ang katulong sa palasyo ni Yair dahil hindi nya gusto ang marami, Yun kasi ang patakaran nya.

Kanina pa ako nababagot Sa higaan, kapag sinusubukan ko namang tumayo Sumasakit parin ang likod pero ramdam kong hindi na iyon kasing sakit kanina, dahil ba iyon sa suot kong porselas.? Saan kaya nabili iyon nang punong dyos.?

Inililibot ko nalang ang tingin ko sa buong lugar hanggang sa mapahinto ako sa isang bagay, Isa itong Espada asul ang kulay nito na katulad sa isang Dagat. Mariin ko naman itong tinitigan, Pero ganon nalamang ang gulat ko nang bigla iyon lumipad sa pwesto ko,. Hala!

Ipinang harang ko nalang ang braso ko dahil malapit na ito sa mukha ko,. Ilang Segundo pa akong nag-antay kung tatama ba ito sa katawan ko pero Wala ako naramdaman,Unti unti kong Inalis ang braso ko sa mukha. At Halos lumuwa ang mata ko dahil sa nakikita ko,

Bakit nakalutang ang espada nato.?

Ibinaba ko naman ang kamay ko Katapat nang Espada at bigla nalang itong Nahulog don, May kung anong pakiramdam sakin na napaka-pamilyar sakin nang Espada na ito.

Hahawakan ko sana ito nang muli na naman itonv lumipad at bumalik sa dati nuang kinalalagyan, May espiritu bang nakatira sa espada na iyon.?

Napayakap nalang ako sa sarili dahil sa mga naiisip ko,

" Anong nangyayari sayo.? ayos kalang ba.? " Lumapit sakin si Kine at tinignan ang kabuuan ko,

" May kakaiba bang espiritu dito sa palasyo nang Punong dyos.? " nangunot naman ang noo nito,

" Sagrado ang palasyo na ito, At kahit sinong makapangyarihan Hindi magagawa itong pasukin, Pwera nalang kung may pahintulot ni pinuno. " Pero ano yung nakita ko kanina.? Bakit lumipad nalang bigla yung Espada sakin?.

Napailing nalang ako, dulot ba ito nang pagkakalatigo sakin? hindi naman Tinamaan ang ulo ko, ah!

Hindi kona napansin ang pag-alis ni Kine dahil Tuliro parin ang isip ko, Sandali kong tinignan ang Espada, Pero wala namang kakaibang nangyari. Hindi kaya nanaginip na naman ako nang gising.? nangyari na sa akin ito dati,. Pero nung sinampal ako ni Lucian syaka lang ako nagising sa realidad.

Wala namang sasampal sakin dito,.

Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING Where stories live. Discover now