Chapter 18

327 23 5
                                    


Arcadia's Point Of View

Chapter 18

Napatigil ako sa paglalakad nang Makita kona ang malaking palasyo ni indra Ganito parin ito sobrang ganda parin at Ang sarap paring pagmasdan.

" Arcadia, " agad akong dinamba ng yakap ni Lily Ng Makita nya ako Hindi naman ako makahinga dahil don, Ang Babaeng ito talaga parang ang tagal naming Hindi nagkita.

" Saan kaba pumunta? Hinanap kita doon sa gintong lawa ngunit Hindi kita Nakita, Teka. anong nangyari sa leeg mo? "  Napahawak ako sa Leeg ko Akala ko si indra lang ang makakapansin ngunit pati narin pala si lily.

" Pumasok kana sa loob. "  Gulat ang itsura ni Lily habang nakatingin sa aking likuran Hindi nya siguro inaasahan na makikita nya si indra na kasama ko.

"  magpaliwanag ka sakin mamaya ah.. "  Ani nya at Mabilis akong hinatak papasok ng palasyo. Bahagya pa akong tumingin sa likuran ko upang tignan si indra ngunit Wala na sya doon sa pwesto nya.

Pakiramdam ko ay nanibago ako sa paligid siguro ay nasanay ako sa tanawin ng gintong lawa. naglalakad-lakad ako ngayon dito sa dati kong kwarto at Hindi sinasadya na mapa-hinto ako sa espada kakaibang Pakiramdam na naman ang aking naramdaman tila ba may malakas na nilalang ang nabubuhay mula sa loob nyan, ngunit Hindi ko mapagtanto kung ano ang Bagay na iyon.

Nawala ang tingin ko sa Espada ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan natigilan ako ng Hindi pala iyon si lily kung hindi Ang Punong Dyos, Ngunit bakit sya nandito?

" may ipag uutos po ba kayo kamahalan? " Ani ko dito ngunit Hindi manlang ito nagsalita kaya Kunot noo ko syang sinundan ng tingin hanggang sa makaupo ito.

" Maupo ka. "  ako ba ang pinapaupo nya? malamang ako lamang ang kasama nya dito, Meron paba?

Pumunta nalamang ako sa pwesto nya, ngunit Hindi ko sinunod Ang sinabi nya na maupo ako.

" may ipag-uuto-- Hindi kona nagawang tapusin ang sasabihin ko ng hilain nya ako Paupo Hindi naman kalakasan ngunit Hindi ko parin maiwasang Hindi magulat.

" ano Yan? " hindi ko maiwasang hindi tignan ang bagay na hawak-hawak nya. nasa bilog itong lalagyan mukhang gamot iyon.

Napa-atras ako ng bigla itong lumapit sa pwesto ko, Grabe ganito ba talaga ang Punong Dyos, Hindi nya ba alam na Isa akong babae?

" a-anong gagawin mo.? " rinig ko na naman ang malakas na pintig ng puso ko, Paki-usap Tumigil ka puso Hindi naman nya intensyon na gawin oo tama Hindi nya iyon intensyon.

" lalagyan ko ng gamot ang leeg mo. "  napatingin ako sakanya dahil don, Akala ko nakalimutan na nya ang bagay na sa leeg ko ngunit ano nga bang aasahan ko sa Punong Dyos?. parang halos lahat ng detalye ay naa-lala nya.

" itaas mo ang iyong mukha. "  mariin ako napa-pikit dahil don. kumalma ka puso Paki-usap kahit ngayon lang, alang-alang sa dangal ko.

Dahan-dahan akong lumapit sa pwesto nya at bahagyang itinaas ang aking ulo kahit hindi ga-noon na malapit ang pwesto namin ay nararamadaman ko parin ang pagtama ng hininga sa aking balat. 

Bahagya akong napa-igtad ng sinimulan na nyang lagyan ng got ang leeg ko parang may kung anong kuryente ako naramdaman ng tumama ang balat nya sakin, ako lang ba ang nakaramdam non.?

"  ano bang nangyari sa iyong leeg.? may ka-away kaba? " hindi ko maaring sabihin sakanya Ang tunay na nangyari sakin. ayokong mag bigay ng sakit sa Ulo sa iba. mas mabuting ako nalamang ang lumutas ng misteryong iyon.

" nadapa. "  ano bang katangahan ang nasabi ko? paano ako madadapa tapos mauuna ang leeg? hindi kaba nag-iisip arcadia.

" mukhang pinag-isipan mo talaga ang iyong sagot. " may pag ka-sarkastikong ano nya. kinurot ko nalamang ang sarili dahil sa kahihiyan, nakakahiya ka arcadia ano bang sagot Yan?

" sa totoo lang kamahalan, Hindi naman masaki-aray!. "  nanlaki ang mata ko habang nakatingin Sakanya diinan ba naman yung sugat sa leeg ko.

" Yan ba ang hindi masakit? sa itsura mo halos patayin mo na ako sa iyong isipan. "  nahugot ko nalamang ang hininga ko, napaka-pilosopo  Hindi nako magtataka kapag Hindi mabenta ang mga biro nya sa babae.

" tuluyan monaba akong Pinatay sa iyong isipan?. "  nabalik ako sa realidad ng magsalita sya, Inabot nya sakin ang pinahid nya sa leeg ko.

" araw, araw mong lagyan ang sugat mo ng gamot. para Mabilis itong gumaling. " ani nya at aalis na sana ng bahagya kong hablutin ang kanyang damit.

" kung Ganoon, salamat at aalis narin ako. " ani ko napaharap naman itong sakin.

" sinabi kobang umalis ka?. "  seryosong Sabi nya.

" Hindi rin naman ako Pumayag na mananatili ako dito. hindi kopa binigay sayo Ang sagot ko. "  pag-poprotesta ko sakanya.

" Hindi kona kailangan hintayin Ang sagot mo, dahil umpisa palang ay dito kana nararapat. "  sagot nya at agad na naglaho. napabusangot naman ako, anong dito nararapat? parang dati lang ay Ayaw nya ako dito tapos ngayon halos ikulong na nya ako.

Nilubot ko nalamang ng tingin ang buong silid, Hindi ko maitatangi na nangulila rin ako dito sa silid na ito, pakiramdam ko kasi naging parte na ito ng buhay ko.

" Arcadia!. "   Napangiti ako ng Makita si lily na may dalang ibat-ibang prutas. tamang Tama nagugutom narin ako.

" Hep, teka diba Sabi ko may itatanong Pako sayo. "  Napabuntong hininga nalamang ako. isa rin itong matalas ang memorya.

" Bakit kayo magkasama ng Punong Dyos?. " maintriga nyang tanong.

" nagkita kami ng Hindi sinasadya. " sagot ko naman.

" Weh?  baka naman talagang nagkikita kayo? sabihin mona Hindi naman ako madaldal eh... "  ani nya at sinundot-sundot ang tagiliran

Halos sumakit ang Ulo ko dahil Hindi talaga ako tinantanan ni Lily mabuti nalamang at tinawag sya sa palasyo ni yair, oo nga pala Kamusta na kaya Ang Isang yon?

lumabas nako ng kwarto kaya naramdaman ko ang dampi ng hangin tila nag balik ang mga ala ala ko dito, Kamusta na kaya sila pinuno?  mabuti kaya Ang lagay nila? wala kaya silang sakit? kumakain ba sila?

"  kung nakakalunod lang ang pag iisip ay kanina kapa nalunod... "  napalingon ako dahil sa nagsalita bahagya akong napangiti ng masilayan ang mukha ni yair. hindi ko alam ngunit may partesa puso ko na masaya na Nakita ko sya.

" bakit ka umalis ng hindi nag papa-alam sakin.? alam mo bang may liham na ipina-aabot sayo Ang pinuno mo? "   sunod-sunod nitong pahayag, tila nakonsyensya naman ako dahil don.

" t-talaga? patawad--"

" talagang kailangan mong humingi ng tawad, ako si yair Isa ako sa apat na Dyos at walang makakalagpas sakin. " Ani nito habang nakaturo pa sa sarili bahagya naman akong natawa sa pustura nya. para kasi syang Bata.

" hmm, humihingi po ulit ako ng tawad kamahalan dapat ay nag pa-alam ako sainyo, hayaan nyo kapag umalis ako mag papa-alam nako... " 

" sigu-- Teka? aalis kana naman ba? "  biglang naging seryoso ang tono nito.

aalis ako pero Hindi pa sa Ngayon.

" syempre naman Hindi... "  nag sinungaling na naman ako.

" hmm mabuti naman, dahil kapag umalis ka ulit Hindi na kita mapag tatakpan sa pinuno mo. "  turan nya kaya Wala sa sarili akong napatango.


Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING Where stories live. Discover now