Chapter 20

260 25 12
                                    

Arcadia's Point of View

Chapter 20

Hindi nako naka angal pa ng sabihin ng kamahalan na dito Ako mag-aaral, bilang Isang mababang nilalang kaunti lamang Ang nalalaman namin sa mundo malaki talaga ang pasasalamat ko dahil ay sa wakas makakapag aral na ako.

iniikot ang silid aklatan Hindi ko alam kung ano ang uunahin basahin dahil sa dami ng libro, ngunit Isang simpleng libro ang pumukaw sa atensyon ko Isa lamang itong manipis na libro luma narin at bahagya naring may alikabok.

Hinipan ko ito gamit ang aking bibig at isang Hindi ko maintindihan na lenggwahe ang bumungad sakin nakasulat iyon sa kulay ng pilak.

commentarius

Iyon ang nakasulat sa libro dahil sa kursuridad ay binuksan ko ito Isang nakakasilaw na liwanag ang bumuhay sa libro ngunit unti-unti rin iyong bumalik sa dati.

' Masaya akong naglalakad sa magandang tubig na kumikinang na kasing ganda ng buwan. '

unang basa ko sa pahina ng libro iyon lamang ang laman nito tila Isa itong sikretong aklat ng Isang nilalang ngunit paano ito napunta sa silid aklatan ng mga dyos?.

Napagpasyahan kong hiramin ang libro sa punong dyos Hindi ko alam sa sarili ko pero gusto kong tapusin ang lahat ng nakasulat dito.

Agad akong lumabas sa silid aklatan dumeretso agad ako sa palasyo ng punong dyos.

" natapos kana? " tanong agad nito ng makapasok ako sakanyang silid, bahagya akong yumuko.

" Hindi pa, ngunit nais ko sanang hiramin ang-" akma kong ilalabas ang libro ngunit nagsalita na sya kaya hindi kona nagawang ituloy ang sasabihin ko.

" Maari mong hiramin ang libro ngunit ibalik mo rin agad ito... " palihim naman akong napangiti sa wakas ay Hindi nako maiinip sa sarili kong silid.

Masaya akong bumalik sa silid ngunit napatigil ako ng bumungad ang mukha ni Lily nukhang kanina pa ito naghihintay asking presensya.

" lily.? bakit nandito ka? " tinago ko agad ang libro upang Hindi nya makita mahirap na at baka kung ano ano pang itanong nya.

Nagtaka ako ng Wala itong sinasabi pagka't malamin nalamang na nagbuntong hininga.

" pwede bang kausapin mo Ang punong dyos? nais kong umuwi sa lupain natin dahil may sakit ang aking Ina, Hindi ako nakapag pa-alam sa kamahalang yair dahil umalis na naman sya... " malungkot na ani nya. bigla rin akong nasabik Kay Lucian at pinuno.

" hayaan mo, sasabihin ko iyon sa punong dyos mamaya. " biglang nagkaron ng sigla ang mukha nya kaya naman napangiti ako.

" salamat talaga arcadia, pangako babawi rin ako sayo... " ngumiti nalamang ako at tumango.

" sige... mag aayos nako ng mga gamit para sa pag-alis ibalita mo nalang sakin kapag nasabi mona sa punong dyos ang aking saglit na pamama-alam. " dali-dali itong tumakbo kaya Hindi ko mapigilang Hindi matawa.

para itong bata kung kumilos.

Pumanhik muna ako sa aking silid upang mag-linis ng katawan tinago kona rin ang librong babasahin ko mamaya.

Nang matapos na ako sa Gawain lumabas ako ng silid para pumunta sa silid ng punong dyos ngunit ang Dyos na si zamir ang bumungad sakin...

Agad akong akong lumapit dito at bigay galang.

" alam ko ang pakay mo, ngunit umalis ang punong dyos. pumunta sya sa Mundo ng mga tao upang palakasin ang kanyang espiritual na kapangyarihan.." paliwanag nito kaya tanging pagtango nalamang ang nagawa ko.

Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING Where stories live. Discover now