Third Person's Point of View
Chapter 22
Nanginginig na Ang katawan ng dalaga ngunit Hindi parin tapos ang parusa, Hindi nya alam kung kakayanin nyang tapusin ang parusa Hindi na nya dama ang sariling katawan dahil sa malakas na paghampas sakanya ng kidlat, parang hinati ang katawan nya sa dalawa.
Napapikit syang muli ng tumama ang Isang hampas ng kidlat namumula na Ang mata nya dahil sa pagpipigil ng iyak. nais nyang sumigaw pero Wala ng lumalabas na boses sakanyang bibig.
Isang hampas na naman ang tatama sakanya kaya napapikit nalamang sya ngunit napasinghap ang lahat ng mga nanonood kaya kahit nahihirapan ay nag-dilat syang mga mata.
Nakatayo sa harapan nya ang apat na mga dyos pinoprotektahan sya nito agad na dumako ang mata nya lalaking nakatayo sa gitna ang punong dyos, kahit Hindi ito nakatingin Sakanya ay ramdam nya ang lakas ng awra nito.
" anong kahangalan ang ginagawa ninyo?! " Galit na sigaw na dyos na si yair halos mag eko ito sa buong pasilyo ng Lugar.
" kamahalang yair, may malaking pagkakasala ang babaeng tagapaglingkod na iyan. " sagot ng Isa sa mga opisyal. ngunit Isang matalim lamang na tingin ang kanyang natanggap.
" alisin nyo sya sa pagkaka-gapos. " mariing napapikit si yair dahil sa matinding galit.
Habang ang atensyon ng dalaga ay nasa punong dyos parin nakaramdam sya ng pagkirot dahil Hindi manlang sya nito tinapunan ng tingin.
" sino ang may gawa ng kaparusahan na ito? " tanong ng punong dyos kaya napatikhim ang mga opisyal habang nakatingin sa prinsesa.
Agad namang bumaba sa pagkakaupo ang prinsesa at aligagang pumunta sa punong dyos.
" patawarin nyo ako kamahalan dahil kumilos ako ng Hindi kayo kinukunsulta ngunit.. Tama ang mga opisyal malaki ang kasalanan ng diwata at Wala akong ibang parusang naiisip kung hindi eto lamang. " paliwanag ng prinsesa nakaramdam sya ng kaba ng isang malamig na tingin lang ang ipinukol sakanya ng punong dyos.
" ngunit Hindi maganda na ganoong parusa ang ibinigay mo sakanya,. " sabat naman ni Damian na syang Hindi maitatago ang pagka-inis sa prinsesa.
Arcadia's Point of View
Pakiramdam ko ay nawalan ako ng katawan dahil sobrang manhid na nito Akala ko... akala ko katapusan kona kanina pero katulad parin ng dati ay dumating sya. para sagipin na namang muli ang buhay ko.
" inumin mo ang gamot na iyan at magpahinga. " ibinaba ni kine Ang Isang inuming gamot kaya ininom kona agad ito.
Dahan dahan akong nahiga ngunit nakatabingi ang pagkakahiga ko dahil puro sugat ang likod ko, agad na pumasok sa isip ko si heys nais ko syang puntahan ngunit Hindi ko kaya. masyado pa akong mahina.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ngunit bakit ganito ang pakiramdam ko? bakit ang gaan tila Hindi ako nangangatal kanina sa sobrang sakit ng buo king katawan.
" Arcadia Gising kana... " namumugtong mga mata ni lily ang bumungad sakin nakabalik na pala sya.
" Lily nandito kana, si heys Kamusta na sya? " tanong ko at agad syang nilapitan.
" maayos na ang kalagayan nya umuwi sya sa ating lupain dahil inutos iyon ng punong dyos.. " sagot naman nito at muling pinunasan ang luhang tumulo.
" alam mobang hindi ko alam ang gagawin ko ng, malaman kong ng pinarusahan ka. buti nalang pumunta ang punong dyos dito upang gamutin ng husto ang mga sugat mo.. " dugtong nya ngunit natigilan ako sa huli nyang sinabi, kaya ba ganito ang pakiramdam ko? dahil ang punong dyos na naman ang gumawa nito. sya na naman.
YOU ARE READING
Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING
FantasyArcadia is a happy fairy, but when her feet set foot in God's palace, her destiny will begin to change, will she be able to face the change in her life? Indra is known as the highest god in all the world, he doesn't know the word love because he did...