Chapter 34

194 19 6
                                    

Arcadia's Point of View

Chapter 34

Paano koba sisimulan ang pag kwe-kwento. wala sakin ang atensyon ni indra at nasa isang librong binabasa na nya. ngunit ang isang kamay nya ay mahigpit na nakahawak sa isa kong kamay.

"  mag kwento kana. "  nagitla ako dahil sa sinabi nya, nasa atensyon parin nya ang  libro  kaya napalunok ako.

"   nung nahulog ako sa bangin ay meron tumulong sakin na isang babae, karin ang pangalan nya. tinulungan din nya akong palakasin ang sarili at sinanay din nya akong humawak ng espada. "  sinadya kong ibahin ang pangalan ni kamil, dahil baka ay may makakilala sakanya.

"   ngunit bakit ngayon ka lang bumalik.?  dalawang libong taon.? ganon katagal kaba nyang sinanay. "   bahagya akong umiwas ng tingin dahil sa tanong nyang nang iispeksyon.

bakit ba ang dami nyang tanong.?

"  k-kasi nga mahina ang katawan ko, ilang beses din akong nabigo na palabasin ang kapangyarihan na nakatago sa katawan ko, kaya natagalan akong magsanay at ngayon lang nakabalik... "   paliwanag ko, tila naniwala naman sya sa sinabi ko dahil bumalik na ulit ang atensyon nya sa binabasa.

" mag kwento kapa.. "   anang nya na tila hindi pa nasiyahan  sa pag kwento ko.

" wala nakong ma i-kwe-kwento.. "  aniya ko, binaba nya ang libro at tinignan ako. pakiramdam ko ay biglang nanuyo ang lalamunan ko dahil nakatingin lang sya sakin..

meron bang dumi ang mukha ko.?

" gusto mo bang ako naman ang mag kwento.? "  napatango nalang ako sa sinabi nya, bahagya nya ring pinisil ang mag kahawak namin kamay.

magkahawak namin kamay.? bago sa pandinig ko iyon ah.

"  nangulila ako, nung wala ka. hinanap kita at ngunit hindi kita matagpuan. "  hindi ko alam kung kwento ba ang sinabi nya ngunit sapat na ang sinabi nya dahilan upang bumilis ang kabog ng puso ko. nanatili lamang ang mga mata namin sa isat sa tila walang balak gumalaw.

"  ikakasal kaba sa prinsesa ng durram? "  hindi ko alam kung saan ko nakuha ang tanong na yon, bigla nalamang iyong lumabas.

Bahagya syang ngumiti na halos ikatigil ko sa paghinga,  napakabago sa paningin.

" hindi at isa lang ang babaeng pakakasalan ko. "  mas lalo atang nabaliw ang puso ko dahil sa mga sinasabi nya,

nababaliw na ang puso dahil sa mga kakaibang banat nya. bakit naba ginagawa ang bagay nato.?

Natigilan ako sa pag tingin kay indra ng may maramdaman kaming presensya sa likuran namin parehas kaming nag angat ng tingin at gulat na ekspresyon nila damian, at zamir ang bumungad samin, tila hindi makapaniwala sa nakikita nila.

" diwata, nakabalik kana pala. "  usal ni zamir tumigil ang paningin nito sa magkahawak parin na kamay namin ni indra, sinubukan ko namang tanggalin iyon ngunit mas lalo nya lang hinigpitan.

"  teka, bakit ngayon kalang nag pakita.? " biglang sabat ni damian, naka-kunot ang noo nito at mukhang hindi napansin ang kamay naming dalawa ni indra, habang si zamir ay may kakaibang ngiti sa labi.

nako naman!

" sa tingin ko ay, kailangan muna natin silang mag usap. pwede namang mamaya nalang tayo, pumunta muna tayo sa sagradong lawa. "  hinatak na ni zamir ang kaibigan nyang dyos'.

" bakit nais mong tanggalin ang paghahawak ng mga kamay natin.? "  nawala ang ginahawa sa dibdib ko ng magsalita ang punong dyos' na parang malaking kasalanan ang ginawa ko.

Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING Where stories live. Discover now