Arcadia's Point of View
Sa paglipas ng panahon ay marami na agad ang nagbago ngunit hindi parin dumarating si lucian pero ni kailan ay hindi ako nawalan ng pag-asa dahil alam kong babalik sya, ngunit ang kakaiba lang ay ilang araw ng iba ang pakikitungo ni indra sakin.
Parang dati kung ituring nya ako, napakalamig.
Tinatanaw ko ang ganda ng kalangitan sa aking silid gabi na ngunit hindi parin nagpupunta dito si indra nasanay kasi akong lagi syang nandito tuwing gabi binabantayan nya ako kapag nanaginip ako, madalas kasi akong managinip ng tungkol sa babaeng kawangis ko.
Napa-ayos ako ng umupo ng makita ang pigura ni kine na papunta sa aking silid bahagya itong yumuko ng makapasok sa silid ko.
" ang sabi po ng kamahalan ay ililipat ka ng silid " kumunot ang noo ko dahil don
" bakit naman daw? meron bang problema? " hindi naman ito kumibo may inilabas syang liham at ibinigay sakin, agad ko naman itong binuksan at binasa
Nais kitang ilipat ng silid dahil simula ngayon ay dyan na mismo tutuloy ang prinsesa ng durram.
Parang sinaksak ang puso ko dahil don, nangilid ang luha ko dahil sa nabasa. kaya ba hindi nya ako binibigay ng pansin ay dahil dito? dahil sa prinsesa ng durram.
" wala kayong dapat na ikabahala, dahil hindi naman magtatagal dito ang prinsesa " ngumiti ako ng kaunti at tumango alam ko naman hindi ako dapat mag-alala dahil naniniwala ako kay indra.
Inilibot ko ang tingin sa bagong silid mas malaki ito kumpara sa silid na meron ako ngunit hindi naman ako magtatagal dito, nasanay na siguro ako sa disenyo ng silid ko.
Ito rin ang pinakadulong silid sa palasyo kaya naman ay sobrang tahimik tanging mga huni lang ng mga ibon ang naririnig masarap sa pakiramdam ngunit nakakapanibago, tumayo ako sa kinauupuan kinapa ko ang leeg ko ngunit natigilan ako ng hindi ko maramdaman ang kwintas na ibinigay ni indra nung araw na inaya nya ako ng kasal.
hindi ko pwedeng mawala iyon.
Agad akong lumabas ng silid nagmamadali akong naglakad at natapilok pa ako ngunit kailangan kong makuha ang kwintas na iyon paano kapag nakita na naman iyon ng prinsesa ng durram?.
Kahit madilim na ang nilalakaran ko ay determinado parin akong kunin ang kwintas, tumigil ako sa harapan ng aking silid at nakasindi pa ang mga ilaw dito.
" hinahanap moba ito? " napalingon ako dahil sa pamilyar na boses hindi nga ako nagkamali dahil yon ang prinsesa ng durram,
" pagbati kamahalan " bahagya akong yumuko upang gumalang, nanlaki agad ang mga mata ko ng makita ang kwintas na hawak hawak mukhang napansin nya ang pagtingin ko doon kaya agad akong nag iwas ng tingin.
" saiyo ba ito? " mahinhin ngunit kakaibang pahayag ng prinsesa bahagya akong tumango
" kay gandang kwintas " itinaas nya ang baba ko dahilan para mag tagpo ang dalawa naming mga mata, naging wirdo agad ang mga mata ng prinsesa ng durram sakin.
" heto na, wala akong interes sa kwintas nayan kaya ibabalik kona. " kinuha nya ang palad ko at ibinaba doon ang kwintas na ibinigay ni indra
" maraming salamat kamahalan " bahagya akong napalunok bago muling yumuko at umalis sa harapan nya
bakit ganon? bakit parang hindi na sya ang prinsesa ng durram?
Nagising ako ngunit wala paring presensya ni indra ang nakita ko, ilang araw na syang' hindi ako kinikita at ayoko naman syang' istorbuhin dahil hindi ganon kadali para sakanya ang titulong punong dyos'
Inayos ko ang hinigaan ng makita ang imahe ni kine agad akong umayos ng tayo.
" kine ikaw pala " ngumiti ako sakanya meron itong inabot na sulat kaya agad ko namang binasa.
Galing ito kay indra at nais nyang magkita kami.
Nag-ayos na ako ng sarili at tinungo ang lugar kung saan kami magkikita ni indra sa paborito nyang lugar kami gusto nyang magkita
Inilibot ko ang buong tingin sa lugar kung saan nya ako dinala nang mawalan ako ng malay isa lang itong simpleng pahingahan ngunit anv sarap sa pakiramdam na may alam kaming lugar na kaming dalawa lang ang nakaka-alam.
Tinungo ko ang maliit na hardin napangiti ako ng sumalubong sakin ang magandang mga bulaklak
" punong dyos' " agad akong natigilan ng may marinig na boses napalunok ako ng maging pamilyar iyon kaya agad kong pinuntahan
Nakatayo si indra at may kasama itong isang babae parehas silang nakatalikod kaya't Hindi ko makita ang mukha ng babae.
Ngunit pamilyar ang boses nya.
" anong ginagawa mo dito, keishia " natututop ang mga labi ko ng sabihin nya ang ngalan nayon.
Bakit nandito ang prinsesa ng durram?
Agad akong nagtago ng parehas silang gumalaw mahigpit kong hinawakan ang suot kong kwintas.
" Hanggang ngayon pa ay hindi mo parin aaminin? " agad akong namawis sa sinabi ng prinsesa, anong aaminin? may dapat bang aminin.
" hindi ba't sinabi ko na huwag' ka nalang mangi-alam umalis kana dito,. " malamig na sagot naman ni indra
Anong nililihim mo sakin, indra?
" hah! talaga bang malaki ang malasakit mo sa tagapaglingkod mo at nagawa mo pang ilihim ang kasal natin?! " natigilan ako napalunok at napaupo iniisip na mali pang yung nadinig ko.
Kasal?
" tama na, hindi nya dapat malaman isang malaking pagkakamali ang kasal nayon. " naramdaman ko bigla ang pagbagsak ng mga luha ko, bakit ganito? akala koba walang magiging problema.
B-bakit moko niloko, indra.
Mahigpit akong napahawak sa pader ng hardin sinigurado kong wala akong ingay na ibibigay para hindi nila malaman na narinig ko ang usapang iyon.
Dinala ako ng mga paa ko sa gintong lawa hindi ko alam ngunit sa tuwing magkakaron ako ng problema nitong nagdaang araw ay dito lagi ako napapadpad.
Tinanggal ko ang suot kong kwintas at pinagkatitigan iyon, na-alala ko ng ibigay sakin yon ng prinsesa ng walang kahirap hirap.
Kaya pala kasi, kasal na sya.
Napangiti akong muli ng maalala ang pangako nya sa akin, kung ganon ay palabas lang pala iyon.
" arcadia. " natigilan ako ng marinig ang boses nya hindi ko sya hinarap tinignan ko ang hawak na kwintas at mahigpit na hinawakan iyon
" wag kang lumapit " pinigilan kong hindi manginig ang boses dahil nagsisimula na namang tumulo ang mga luha ko.
Dahan-dahan ko syang hinarap pagak akong natawa ng maalala ang senaryo nilang dalawa ni keishia
" b-bakit? " hindi kona napigilan ang paghikbi dahil sa sakit sa dibdib sobrang bigat at pakiramdam ko ay sasabog nalang ako bigla.
" magpapaliwanag ako— "
" Hindi na, wala akong karapatan para sa paliwanag mo dahil un sa lahat katulong lang ako, ang papel ko sa buhay mo ay pagsilbihan ka at hindi ang mahalin. " binato ko sa harapan nya kwintas sinundan naman nya iyon ng tingin
" simula ngayon wala na tayong koneksyon sa isat-isa, isipin mo nalang na walang dumating na ako sa buhay mo. " tumalikod na ako at doon sunod sunod na tumulo ang luha ko pinilit kong maglakad ng mabilis kahit ang totoo ay gustong gusto ng bumigay ng mga tuhod ko.
YOU ARE READING
Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING
ФэнтезиArcadia is a happy fairy, but when her feet set foot in God's palace, her destiny will begin to change, will she be able to face the change in her life? Indra is known as the highest god in all the world, he doesn't know the word love because he did...