Chapter 25

217 21 1
                                    

Arcadia's Point of View

Chapter 25

Malalim na ang gabi ngunit hindi parin ako inaantok lumabas nalang ako para mag pahangin ngunit hindi ko inaasahan na nasa labas din si indra.

"  hindi paba kayo inaantok? " tanong ko sakanya ng makaupo sa tabi nya.

"  bakit ikaw? hindi kapa natutulog? "  balik na tanong nya kaya bahagya akong napanguso, dapat ay mag pahinga na sya hindi pa sya' ganoon nakakabawi sa enerhiya nya.

" nais ko lang magpahangin, naiisip ko din ang mga nasa palasyo kaya hindi rin ako makatulog. "  nilibot ko ang tingin sa paligid at tanging' mga ilaw lamang ang nagsisilbing liwanag wala ring liwanag mula sa buwan.

Katahimikan ang namayani samin napapikit ako ng maramdaman ang hangin na tumama sa balat ko.

" huwag' kang gagalaw. "  nagtaka ako dahil sa biglang sinabi ni indra seryoso itong nakatingin ng deretso.

may kakaiba ba? bakit wala akong maramdaman.

"  hindi moba nararamdaman? " taka akong napa-iling dahil sa tinanong ni indra bigla nalamang itong tumayo sa gilid ko kaya napatayo din ako.

ano bang nangyayari.

"  ano bang nangyayari— "  halos mapatigil ang aking paghinga dahil sa naramdaman kong iyon,  sobrang lakas ng enerhiya na nang-gagaling sa lugar nayon, ngunit bakit may itim na salamangka sa lugar na ito.

nakakabahala, hindi kaya't nalaman nila na nandito ang punong dyos.?

" anong gagawin natin.? " tinignan ko si indra na seryoso paring nakatingin sa lugar na iyon, unti unti naring lumalapit ang malakas na enerhiya kaya napakapit nalang ako sa damit ko.

nakakatakot ang enerhiya nayon, punong puno ng puot at galit ang nararamdaman ko mula doon.

Mariin ako napapikit dahil sa mainit na nararamdaman ko sa katawan ko parang may gustong sumabog mula doon, napaka init.

" arcadia!. "  malakas na tawag ni indra sakin hawak na nya ako sa magkabilang braso na tila ginigising.

"  anong nangyari.?  "  anong nangyayari sakin? bakit nag iinit ang katawan ko?  napahawak ako sa dibdib ko ng bigla nalamang akong sumuka ng dugo.

" nabigla ang katawan mo dahil sa malakas na enerhiya nayon, kailangan na nating maka-alis dito. "  aniya, biglang nanghina ang buo kong katawan. hindi ko talaga kayang makasagap ng sobrang lakas na enerhiya.

Hindi namin alam kung saan kami paparoon mas tumindi pa ang lakas ng itim na enerhiya kaya sumuko na ang katawan ko, bumalik nalamang kami sa kubo kung saan kami tumutuloy.

nakahiga lamang ako habang si indra naman ay nasa labas, gagawa daw sya ng paraan upang makalabas kami.

hindi ko rin maiwasang hindi maisip na baka natunton na kami ng kalaban, ngunit bakit ba merong naninirahan na ganong bagay sa lugar nato.

Napatayo ako dahil sa bumukas ang pintuan akala ko si indra ang nilalang na iyon ngunit nagkakamali ako ang anak ng pinuno ang syang' nandito, ngunit bakit nandito sya?

" anong sadya nyo sakin.? dis-oras na ng gabi ngunit nag-abala pa kayong pumunta dito. "  magalang kong tanong nanatili lamang syang nakatitig kaya nakaramdam ako ng kakaiba.

" ang sadya ko ay Ikaw, ang aking magiging asawa sa hinaharap. "  halos mabingi ako dahil sa sinabi nya nakaramdam ako ng kaba dahil don.

ako.? hinaharap nyang magiging asawa.?

Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING Where stories live. Discover now