Chapter 4

870 52 9
                                    

Arcadia's Point Of View

Chapter 4

Buong, magdamag ata akong hindi tinigilan ni Lucian Kakatanong kung Saan ko nakilala si Yair. Ilang beses ko ring sinabi na nakita ko lang din sya sa gintong lawa katulad nung prinsepe.

" Pano moba kasi nakilala.? "  napabuga nalang ako nang hangin dahil sa tanong nya.

" Lucian, Umaga na at hindi kaba napapagod sa kakatanong mong iyan.? " Inis kong tanong sakanya, Para naman itong Hindi tinablan sa pinakita kong pagmamaldita.

" Sus, Sabihin mo lang kasi kung saan mo nakilala. Gwapo kasi.. "   kinikilig na ani nya kaya napa-irap nalang ako, mukhang babaero ang lalaking iyon.at sa ugaling merin si lucian madali nya itong makukuha, Mahirap na.

" Ay, oo nga pala may Pinapagawa si pinuno. Aalis muna ako.! " tumango nalang ako sa sinabi nya, Kaya pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko, kumukuha kasi ako nang halamang gamot, Pampalakas. Dahil meron pang ibang diwata sa amin na mahina parin ang katawan, At hindi pa nakakabawi sa espiritual nilang kapangyarihan.

Napahawak ako sa balakang ko nang Mapuno kona ang isang basket. Halos isang oras na akong nandito lalo pang tumagal nang puntahan at daldalin ni Lucian,

" Arcadia. "  Napatigil ako sa Ginagawa ko dahil sa Boses na iyon. Pamilyar sakin, Unti unti ko naman itong nilingon at bumungad na naman ang Nakangiti nyang mukha sakin,.

Anong ginagawa nang lalaki nato dito.?

" Paano mo nalaman ang lugar nato.? " Deretsang tanong ko sakanya,

" Sinabi nang kaibigan mo na nandito ka. "  Napasapo naman ako sa aking noo. Ang lucian talaga na iyon,

" Bakit kaba kasi nandito.? "  Hindi ko mapigilang hindi makaramdaman nang Inis sakanya. Baka kasi bigla nalang suang mandukot nang Ibang diwata tapos dalhin nya sa kung saan.

Napaigtad ako nang Hakbayan nya ako. Ni Hindi ko manlang Naramdaman na Nasa tabi kona, Para syang si Indra.

" Bitaw. " Utos ko dito pero nginitian lang nya ako, Nanlaki ang mata ko nang bigla nalamang kaming lumutang At kitang kita kona ang kabuuan nang lugar nang mga diwatang kauri ko.

" Maganda diba.? "   Nakatingin ito sa Buong lugar at bakas din ang pagkamangha.  Mas lalo kaming tumaas kaya napakapit nalang ako sa manggas nang damit nya,

" Sige pa yumakap kalang. " Sinamaan ko naman nang tingin si Yair dahil don, Hindi kalauan din ay bumaba ba kami pero nasa taas kami nang burol tanaw pa rin naman ang Lupain namin.

" Ibaba mona ako dito. "  Ani ko nang malapitan ko sya, Prente lamang syang nakaupo sa tuktok nang burol.

Bakit nya ba ako dinala dito.?

"  Iniligtas ko ang Mga Kauri mo Nung nakaraan, Eto nalang ang ibayad mo sakin. "   Ngiting ani nya at Binalik ang tingin sa magandang tanawin,

" Ano namang gagawin ko dito.? Tatambay din katulad mo.? "  Sinimulan ko nang ihakbang ang paa ko sa ibaba mang burol pero nagsalita sya nang sandali kong ikinatigil,

" Samahan moko dito. magpahinga ka Muna. Masyado mong pinapagod ang sarili mo,. "  Pano nya nalaman.?  

" Pano mo nalaman.? " Kunot noong tanong ko, Tumayo na ito mula sa pagkaka-upo pinagpagan nya pa ang damit nya bago bumaling sakin.

" Para sa isang Dyos na katulad ko. Walanh imposible. "  Natigilan ako dahil don tila ayaw mag proseso sa utak ko ang mga sinasabi nang lalaki nato.

D-dyos.?

Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING Where stories live. Discover now