Chapter 19

271 21 6
                                    

Arcadia's Point of View

Chapter 19

" nakabalik kana pala diwata... "  napa-angat ang tingin ko sa kamahalang zamir umayos agad ako ng tindig upang mag-bigay galang sakanya.

"  Paumanhin Hindi kopo alam na nariyan kayo. " bahagya itong natawa na syang ipi-nagtaka ko, naa-lala ko na naman ang mga kwento-kwento doon sa gintong lawa na may ikalawang katauhan ang Dyos na si zamir, Ngunit hindi naman ako naniniwala.

"  napaka-inosente mo ngang talaga, kaya't nahulog ang loob nya sayo. "  hindi ko maintindihan ang winawari nya kaya tanging pag-kunot ng noo nalamang ang nagawa ko.

"  anong ginagawa mo dito.? "  boses iyon ni indra mabilis akong umiwas sakanya at Pumunta sa ibang daanan na pupuntahan nya, Hindi rin naka-iwas sakin ang kakaibang titig ni zamir,  napaka seryosong titig.

Iniwan ko na Ang dalawang Dyos, dahil pakiramdam ko ay Hindi ako makahinga ng maayos kung kasama ko sila sa iisang Lugar. umupo muna ako dito sa Hardin upang lumanghap ng sariwang hangin,
pero... patuloy paring bumabagabag Ang sinabi ng Dyos na si zamir. hindi ko alam Ang ibig nyang sabihin ngunit may ibig sabihin non Hindi ko lamang mawari.

" hoy, tulala ka Jan. may iniisip kaba? "  nagising ako sa realidad ng hampasin ako ni lily ngumiti naman ako sakanya.

" bakit nandito ka? hindi ba dapat nasa palasyo ka ng kamahalang yair? " tanong ko dito.

" pinapunta nya ako dito kasi gusto ka nyang Kamustahin, may nais din syang ibalita na malapit ka ng bumalik sakanyang palasyo... " masayang turan nito.

Kung ganon ay bilang na ang araw ko dito sa palasyo ni Indra...

" may iniisip kaba? kanina kapa tulala, may umaway ba sayo? "  sunod sunod na tanong ni lily umiling naman ako upang sabihin na hindi.

" lily, paano mo malalaman sa Isang nilang kung Meron syang tinatagong kahina-hinala... "  tanong ko dito napatango-tango naman sya na tila  may iniisip.

"   Ang sabi ng mga nakakatanda ay tignan mo Ang kanilang mata kapag kausap mo  sila, makikita mo daw kasi Ang emosyon ng Isang nilalang sa mata kapag kausap mo sya. " paliwanag nito.

Naka-panga lumbaba lamang ako dito sa kwarto Wala akong magawa at kapag lumabas ako ay baka mag-tagpo pa ang landas namin ni indra, Hindi ko alam ngunit sa tuwing tumitig sya sakin ay naiilang ako.

Iniikot ko lamang ang paningin sa paligid ng huminto ang mata ko sa espada, eto na naman ang kakaibang pakiramdam. tila nag uumapaw ang gamit na iyon sa kapangyarihan.

nanlaki ang mga mata ko ng mag Biglang lumabas na babae roon tumayo agad ako at inaksyon ang katawan naging pamilyar ang mukha ng babae sakin... sya Yung babae sa gintong lawa.

" Sino ka? anong ginagawa mo dito sa teritoryo ng mga dyos.? "  matapang kong tanong sa babae, tumingin ito sa direksyon ko

" Kay gandang mukha... "  ani nito napa-atras naman ako ng magtangka itong lumapit sakin. hindi ko alam ngunit panigurado kapag lumapit sya sakin ay malalagay sa panganib ang buhay ko.

"   inuulit ko sino ka? bakit bigla ka nalang lumabas sa espada.? anong Pinaplano mo? "  tanong kong muli sakanya ngunit para itong walang narinig at nakatitig lang sa buong paligid.

"  ilang libong taon narin simula ng makalabas ako, at Ikaw... Ang dahilan non. "   pagtataka ang bumalit sakin dahil sa huli nyang sinabi ako na naman ang dahilan bakit ba ako lagi ang nagiging dahilan ng mga Hindi ka-aya ayang nangyayari sakin.?

"  Kilala moko? s-sino kaba.? "  hindi ko alam kung anong ginagawa ng babaeng iyan dito ngunit pakiramdam ko ay may masama syang balak.

ngumiti ito ng bahagya na syang nag-patigil sakin sandali.

" nais mong lumakas.? " nababasa nya ba ang nasa loob ko? ngunit tanging mga dyos lang ang nakakagawa ng bagay nayon.

"  hindi ko alam ang ibig mong sabihin... "  kakaiba ang tinuturan nito.

"  nag aalinlangan kaba sa aking kakayahan.? kaya kong ibigay sayo ang nais ng puso mo, ngunit may malaki iyong kabayaran... " dugtong nya.

nakaramdam ako ng inis dahil sa sinabi nya.

" hindi ko kailangan ng tulong mo, kaya kong lumakas ng hindi umaasa sa iba kaya huwag mo akong yabangan dahil lang sa malakas ka... "   matapang kong sabi dito, sandali itong tumitig sakin bago bahagyang ngumiti. napaka wierdo.

" ilang libong taon ang lumipas simula ng makalabas ako mula sa espada na ito, paumanhin sa pagiging walang galang ko sa-iyo binibini.. "  napakurap-kurap ako dahil sa biglang pag babago nito ng pananalita.

" teka nga sino kabang talaga.? " Kunot noo kong tanong sakanya.

ngumiti sya at itinuro ang espadang nakasabit.

" ako ang espirito na nakatira sa espadang ito. "  napa kurap kurap ulit ako dahil sa sinabi nya, tila nag iba ang ugali nya agad.

" anong pangalan mo.? " tanong ko sakanya.

" ako si imre... " lumapit ito ng bahagya ngunit nanatiling naka-angat ang mga kamao ko

" hindi kita sasaktan, nais lang kitang subukan kanina, kaya nagawa ko ang bagay na iyon. "  dugtong nya pa tinitignan kopa sya bago ibaba ang kamao ko...

" eh..Ikaw? anong pangalan mo? "  bigla itong tumabi sa akin kaya halos magulantang ako, kanina ay halos patayin na nya ako ngunit ngayon ay halos dumikit na sya sakin.

" A-arcadia... "  malawak itong ngumiti at hinawakan ang kamay ko...

" maligayang bati sayo arcadia nagagalak akong makilala ka. " masaya nyang turan tila naging Isa itong bata sa harapan ko ngayon..



" Bago ka palang ba dito? kakaiba kasi ang amoy mo.. "  kausap ko ngayon ang weirdong si imre

" Amoy? " takang tanong ko sakanya. 

" oo kakaiba ang amoy mo, para bang merong nakatago sa loob ng katawan mo ganon..."   nakatago? ano naman ang nakatago sa katawan ko?

" ano naman ang nakatago sa katawan ko? "  takang tanong ko.

" hindi ko alam, pero Isa lang ang masasabi ko sayo. delikado at napakalakas ng nakatago mula Jan sa loob mo. " seryoso nitong pahayag kaya hindi ko napigilang Hindi mapalunok.

" Babalik nako sa espada... ang punong dyos ay malakas makaramdam kaya Hindi nako magtatagal, pa-alam! " naglaho ito na parang bula at nanatiling nasa isip ko ang mga sinambit nya.

may malakas na kung anong bagay sa loob ko?.

Hindi ko parin mawari ang pinagsasabi ni imre ngunit may posibilidad bang may naninirahan sa loob ng katawan ko, ngunit bakit naman katawan kopa Ang napili ng nilalang na iyon kaya ba may nangyayari sa-aking hindi ko maintindihan dahil.

Napatayo ako dahil may lumabas sa na liham sa harapan ko at ipinadala iyon ng punong dyos,

" pumunta ka sa aking palasyo... "

Naglaho na iyon matapos kong basahin ngunit bakit gusto nya akong papuntahin sa kanyang palasyo? hindi kaya't naramdaman nya ang presensya ni imre? wag naman sana.

Hindi na ako kumatok dahil naka bukas ng bahagya ang pintuan kaya dahan dahan nalamang akong pumasok.

Nagbabasa ang punong dyos ng Makita ko ito agad itong nag angat ng tingin.

"  may pag uutos ba kayo.? " magalang kong tanong.

May inilapag itong mga libro kaya taka akong tumingin sakanya.

"  pumunta ka sa silid aklatan, doon ka magbasa  ng mga iyan... " pag uutos nito ngunit Tama ba ako ng nadinig? silid aklatan? tanging mga dyos lang ang nakakapasok sa lugar na iyon.

" ngunit kama—"  pinutol nito agad ang sasabihin ko.

" ako ang nag-bigay ng pahintulot sa-iyo kaya kung sino man ang sumaway ay ako ang makakaharap nila. " kalmado nyang pahayag kaya bahagya nalamang akong tumango.












Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING Where stories live. Discover now