Arcadia's Point of View
Simula ng malaman ni yair na ako ang kakambal ni zaniya ay hindi kona sya ulit nakita hindi ko sya' masisi kung galit siya sa akin.
Ngunit naalala ko rin ang isa oang sinabi ni karin na magiging isang sakripisyo rin si indra ngunit nagbago ang tadhana nya at mas piniling kumampi sa kadiliman.
ano ang ibig sabihin non?
Parang mas gusto ko tuloy makita ngayon si zaniya dahil nagiging panatag ang kalooban ko at nagagawa kong sabihin ang mga nararamdaman sakanya, pero hindi ko talaga akalain na may koneksyon sila ni yair.
Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang sinabi nyang ‘ nilabanan ko ang tadhana hanggang sa napagtanto kong wala na kong magagawa’
Si yair ba ang tinutukoy nya mula doon sa sinabi nya? si yair ba ang ipinaglaban nya? kung ganon ay sobrang sakit non para kay yair dahil kahit ipinaglaban na sya ni zaniya ay wala paring napuntahan.
pero ako? ayokong mawala si indra, oo galit ako sakanya' ngunit hindi ko kayang makita syang' mawala. mas gugustuhin ko syang' pagmasdan sa malayuan kesa hindi kona sya tuluyang makita.
” kamusta na ang pakiramdam mo? ” biglang sulpot ni imre sa harapan ko, tumango lang ako sakanya.
” ayos lang ako, kahit na marami akong iniisip kailangan ko paring mag isip ng tama hindi ba?” ang akala ko ay tatawa sya sa biro ko pero nanatiling seryoso ang tingin nya sa malayo.
” meron akong gustong sabihin sayo arcadia, tungkol ito sa kaibigan mong si lucian. ” agad akong nakaramdam ng iba dahil don ngunit pinigilan ko ang sarili.
” anong sasabihin mo? ayos lang ba ang lagay nya? kumakain ba sya ng maayos? saan sya tumutuloy? ” sunod sunod kong tanong ngunit hindi manlang ako nakatanggap ng sagot.
Bakit ganito? bakit sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko? nanginginig din ang mga kamay ko, bakit ganito? bakit nagsisimula ng bumigat ang paghinga ko?
” i-imre sagutin moko ano bang nangyari kay lucian ayos lang siya diba?— ”
” wala na sya arcadia. wala na si lucian ” tila nanigas ako sa kinatatayuan maging malalim ang paghinga ko at nagsisimula ng uminit ang mga mata ko
Umiling ako.
” ano bang sinasabi mo? magbibigay pa sya ng liham sakin sinabi iyon ni indra—”
” alam mo bang si indra ang may kagagawan kung bakit nawala si lucian? sya ang pumatay kay lucian arcadia. ” hindi! hindi maaari yon paano nya gagawin yon?
” w-wala ka namang ebi—” hindi kona nagawang tapusin ang sabihin ng may ipakita syang isang imahe, kitang kita ang walang emosyon na mukha ni indra nakasuot ito ng itim na damit parang hindi na sya ang indrang nakilala ko. kita ko sa harap nya si lucian na pilit kumakawala sa pagkakagapos
” anong ginagawa mo punong dyos'? bakit mo ito ginagawa kay arcadia pinagtataksilan mo sya ” hirap na sabi ni lucian
” pagtataksil? hindi ba't sya ang nauna gumawa non sakin? pinagtaksilan nya ako at mas pinili si yair ”
Hindi totoo yan.
” alam kong hindi gagawin yon ni arcadia mahal ka nya—urgh! ” halos manigas ako at matulala kung paano nya walang awang batuhin ng malakas na enerhiya si lucian dahilan kung bakit unti-unting naglaho ang katawan nito.
hindi! wag.!
” nakita kong ibinigay iyan ng prinsesa ng sa isang misteryong lalaki ” napayukom ang kamao ko kung ganon' magkakampi sila dalawa sa pagpatay kay lucian.
” magbabayad sila. ” mabilis akong hinatak ni imre at hinarap sakanya
” sa tingin moba mananalo ka? wala kapa sa kalingkingan nila ang tanging' makakatalo lang sakanila ay ang nakatago mong enerhiya sa katawan mo. kailangan nating maghintay upang magising ang tunay mong kapangyarihan ” seryosong saad nya.
•
hanggang kailan? hanggang kailan ako maghihintay na magising ang kapangyarihan ko? kung unti-unti namang nawawala ang mga importante sakin, ni hindi ko manlang nahawakan ang mga katawan nila bago sila nawala. wala akong nagawa sa muling pagkakataon tanging pag iyak lang ginawa ko.
Hinayaan kong mamatay si lucian, sa lalaking mahal ko.
ano pabang dahilan? ano pa ang kailangan kong harapin para matapos na ang lahat? at ara lumabas ang kapangyarihan ko?
Nakatayo at nakatingin lamang ako sa kawalan narito akong ngayon sa gintong lawa, simula ng malaman kong may kaugnayan ako ka'y zaniya ay mas ginusto ko munang dito tumuloy kung saan nandito rin sya dati pumupunta.
Tinignan ko ang repleksyon sa lawa, pansin ang pagbabago ng katawan ko, simula ng makita ko kung paano mawala si lucian mismo sa mga mata ko. mas gusto ko nalang lagi tignan ang kawalan.
Ang nag-iisang pamilya ko na inakala kong makakasama kona ngunit muli na naman akong pinagkaitan ng kasiyahan.
" arcadia... " bigla kong naramdaman ang pagkulo ng dugo ko may kung anong mainit sa puso ko ang lumagalab ng marinig ko ang boses nya.
Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata at hinarap sya, gusto kong kumbinsihin ang sarili kona hindi sya ang gumawa non kay lucian ngunit sa tuwing nakikita ko ang itsura nya ang ngisi nyang unang beses kong nakita ang galit sa mga mata nya hindi mo maiwasan na baka itinago lang nya ang lahat? dahil nalaman na nyang ako ang kapatid ng dating punong dyos' at ang nakatakdang kukuha sakanyang trono.
" gusto ko paring magpaliwanag sayo sa nangyari tungkol sa narinig mo— ” hindi kona agad sya pinatapos tinignan ko sya ng walang emosyon napayukom ang kamao ko.
" b-bakit mo ginawa ang bagay nayon? " napakagat ako sa labi ng maramdam ang pamamasa ng mga mata ko gusto kong pigilan ang luha ko ngunit sa tuwing bumabalik sa ala-ala ko ang nangyari kay lucian hindi ko mapigilang hindi magalit.
" bakit mo pinatay si lucian?! " manginig kong sabi kita ko ang pababago ng emosyon nya at akmang magsasalita sya ng mabilis akong pumunta sa pwesto niya at.... sinaksak sya.
Nanginginig ang mga kamay ko ng makita ang dugong tumutulo sa dibdib nya dahan dahan akong nag-angat ng tingin pinigilan ko ang sarili na magulat sa reaksyon nya kita ko sa mata niya ang pagtataka at sakit.
" wala na tayong ugnayan sa isat-isa, kinamumuhian kita. " tinignan ko ang porselas na syang nasa braso kopa rin pala pagak akong natawa at walang sabing hinila iyon dahilan kung bakit iyon nagkahiwa-hiwalay.
Muli ko syang' tinignan bumaba ulit ang mata ko sa dibdib nyang sinaksakan ko na nandoon parin hanggang ngayon, parang tinutusok ang puso dahil don kaya naman ay bigla ko nalamang iyon hinila dahilan kung bakit bahagyang sumuka sya ng dugo.
Inihanda ko ang sarili at agad na ginamit ang teleportasyon duon nalamang bumigay ang mga tuhod ko at napa-hagul-gol ako sa iyak.
bakit ganito? tama naman na iganti ko si lucian pero bakti ganito ang nararamdaman ko? sobra akong nasasaktan.
YOU ARE READING
Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING
FantasyArcadia is a happy fairy, but when her feet set foot in God's palace, her destiny will begin to change, will she be able to face the change in her life? Indra is known as the highest god in all the world, he doesn't know the word love because he did...