Chapter 23

224 19 1
                                    

Arcadia's Point of View

Chapter 23

Napabalikwas ako ng bangon ng magmulat ako ng mata, nakatulog ako dito sa silid ng punong dyos'paano nalang kung may nakakita sa amin?

Inilibot ko ang tingin at wala na ang punong dyos sa kanyang higaan, kaya mas lalo akong nabahala. bakit ba biglang bumabangon ang isan iyon? ni hindi manlang ako ginising.

Nakaramdam ako ng ngawit sa katawan dahil sa paraan ng pagtulog ko, hindi ako nakahiga at nakaupo lang.

Lumabas ako sa kwarto ng punong dyos ngunit hindi ko manlang nasilayan ang prinsensya nya... ngunit dumaan si kine sa harapan ko kaya agad ko syang tinanong.

" nasan ang kamahalan? " tanong ko sakanya huminto naman ito sa paglalakad at tinignan ako.

" gising kana pala, umalis ang kamahalan at pumunta sa gintong lawa. hindi kana nya pinag gising sakin dahil mukhang masarap ang tulog mo. "  napatango nalang ako dahil don.

Hindi kona inabalang Pumunta pa sa gintong lawa, siguro ay tama na ang ginawa ko na sinamahan ko sya.

" arcadia, saan kaba nang-galing? hindi ka natulog sa kwa—” agad ko syang pinutol sa pagsasalita.

" nais ko ng bumalik sa palasyo ng kamahalang yair, sana sabihin mo sakanya iyan. "  nagtataka ngunit tumango nalang si lily.

Tutuparin ko parin ang gusto kong. ang iwasan ang punong dyos, wala na akong balak na iligtas nya akong muli at mapahamak na naman sya.

Hindi ko alam kung ilang oras ba akong nakatunganga dito sa pwesto kaya napag-pasyahan ko munang maglakad-lakad. Napahinto ako sa isang hardin bigla nalamang akong napangiti ng maalala ang mga senaryo dito. parang kailan lang.

Hinawakan ko ang bulaklak ng lotus ngunit ganon nalamang ang gulat ko ng bigla itong malanta hanggang sa maging isa itong abo.

Ako ba ang may gawa non?

" arcadia, anong ginagawa mo jan? " daglian akong napaharap dahil sa biglang pagsulpot ni lily, agad ko syang hinatak pa-alisin sa lugar na iyon.

"  arcadia sabi ng kamahalang yair ay malugod nyang tinatanggap ang pagbabalik mo. "   aniya ng makaupo kami tanging' pag tango lang ang nagawa ko sakanya dahil hindi ko parin makalimutan ang nangyari kanina.

Akma pang magsasalita si lily ng pigilan kona agad sya, kailangan kong puntahan si imre ngayon dahil sya lang ang makakasagot ng mga tanong ko.

Hindi kona pinansin ang pag tawag sakin ni lily at mabilis ma pumasok sa silid sinarado ito, agad akong pumunta sa espada.

" imre. nais kitang makausap, lumabas ka jan. "  tawag ko sakanya dito. ilang minuto akong naghintay bago sya lumabas.

" anong nais mo? " tanong nito sa mababang boses tila kakagising lang sa pagkakatulog.

" bakit bigla nalang nangitim at naging abo ang bulaklak na hinawakan ko kanina, ano ang ibig sabihin non. "   tanong ko sakanya.

" simple lang. pwedeng lumabas na ang kapangyarihan mo kaya dahil sa lakas nito na pwersa mo ang kapangyarihan mo na maglabas ng maraming enerhiya sa bulakalak, at ang isa naman..pwede ring' isa ka sa mga angkan ng kadiliman." natigilan ako sa hulo nyang sinambit. pero imposibleng magkakaron ako ng dugo ng angkan ng kadiliman.

" pero wala akong mga magulang kaya imposible ang mga sinasabi mo, ipinanganak ako sa talulot' ng bulaklak. "  pagkaklaro ko sakanya.

" kung gusto mo talagang malaman ang totoo, pumunta ka sa lawa ng katotohanan. doon mo malalaman kung sino ka nga bang talaga. "  sagot naman nya. na syang' nakapagbigay ng kilabot saki'ng katawan.

Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING Where stories live. Discover now