Arcadia's Point of View
Chapter 32
" matanong ko lang arcadia, bakit nangingitim ang ilalm ng mata mo.? " napabuga ako ng hangin sa tanong ni imre, hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip kagabi.
" wala to, marami lang iniisip. " sagot ko nalang sakanya
" sino ang iniisip mo kung ganon? ”
" si indra—yung mga kaibigan ko.. ” mabilis kong sagot agad naging mapanukso ang tingin nito kaya napa-iwas ako ng tingin.
Sakto namang dumating si kamil kaya bahagya akong nakahinga ng maluwag paniguradong tatadtarin na naman ako ni imre ng mga tanong.
" anong dahilan at nandito ka kamil.? " tanong ko sakanya' tumayo ako sa pag kakaupo.
" oras na upang bumalik ka sa palasyo.. " natigilan ako dahil sa sinabi nya. napalunok ako dahil sa balitang iyon ngunit hindi ako mapalagay dahil seryoso parin ang mukha nito.
" pero may gagawin lang misyon. " misyon.?
" Ngunit kamil, wala kang sinabi na pagbalik ko sa palasyo ay may gagawin akong misyon. " aniya ko sakanya.
Hindi ito umimik at nanatili parin syang' seryoso. napayuko ako dahil sa sinabi nya.
misyon? ano namang klaseng misyon ang gagawin ko?
" anong misyon ang nais mong gawin ko.? " ini-angat kona ang ulo ko at seryoso syang' tinitignan.
" kailangan mong kuhanin ang libro ng dating punong dyos.’ " natigilan ako dahil sa sinabi nya, kung hindi ako nagkakamali, yun ang libro na nabasa ko at ang dahilan kung bakit ako kaparusahan.
" bakit kailangan mo iyon,? isa yong importanteng bagay sa palasyo. hindi iyon maaaring mawala roon. " aniya ko sakanya.
" kailangan ko iyon, upang mabasa ang nilalaman ng libro.. " kumunot ang noo ko, sa pag kaka-alam ko meron nakasulat sa libro ngunit hindi ko na matandaan kung ano iyon.
" at kapag naibigay kona sayo ang libro, anong kapalit ang matatanggap ko. "
" malakas na kapangyarihan, hindi ba't gusto mong lumakas.? "
Natigilan ako dahil sa sinabi nya, ibang kamil ang kaharap ko parang hindi sya ang kamil na syang' nagturo sakin.
" a-anong ibig mong sabihin,? hindi—”
" mas lalong maging malakas, map-proprotektahan mo ang mga mahahalaga sayo kung mas malakas. "
" hindi ba't sinanay mo ako? kung ganon' ay para saan iyon? "
Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nya, hindi ko mawari napakahirap alamin ng iniisip ni kamil, masyado suang malihim.
" hindi sapat ang lakas na meron ka. " tumalikod na ito sakin, ngunit may sinabi pa bago tuluyang umalis.
" gawin mo ang lahat upang makuha ang libro. ibigay mo iyon sakin at huwag' mong babasahin ang loob non. "
wala akong nagawa kung hindi panoorin ang pa-alis na pigura ni kamil. naguguluhan ako sa biglang pag akto nya ng wirdo, alam kong seryoso sya' sa maraming bagay ngunit, bigla iyong nagbago..
" arcadia, pasensya na bigla na namang dumating si remi. teka? nasaan na si ate umalis na? ” sandali kong tinignan si imre, inosente itong nakatingin sakin.
Sasabihin koba? na ang ate nya ang may binabalak na kakaiba sa palasyo?.
" may problema ba? " bahagya akong natauhan dahil kay imre. nginitian ko ito ng kaunti
YOU ARE READING
Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING
FantasyArcadia is a happy fairy, but when her feet set foot in God's palace, her destiny will begin to change, will she be able to face the change in her life? Indra is known as the highest god in all the world, he doesn't know the word love because he did...