CHAPTER 3

17K 278 79
                                        

_

Nang makaramdam ng antok ay agad na akong natulog. I woke up early dahil sa katok nangagaling sa labas. Kinusot ko ang mata ko bago bumangon.

"Magandang umaga, Soliana. Tara? sabay na tayo." Chiko greeted with a bright and wide smile. I smiled.

"Sige, maliligo lang ako." Muntikan ko nang malimutan kagabi, ngayong araw pala ang release ng financial assistance every household dito sa baranggay. Chiko offered a ride and I accepted it, may motorsiklo siya kaya sabay na kaming pumuntang covered court kung saan mag-rerelease.

Nang makarating marami na ring tao na nakapila at nandoon na rin si Mayor nakaupo sa nakahilerang long table katabi ang capitan ng baranggay namin at ibang staff na kasama.

Nakasuot siya ng white long sleeve na tinupi hanggang siko. Kuminang ang silver piercing niya pati necklace. I remember his photos from his private account, the photo was 2 years ago at hindi pa siya Mayor nun, so that was his lifestyle before. His hair same as usual, sleek back. He looks so fresh kahit ang init ng panahon, hindi man lang pinagpawisan kaya manghang napapatingin sa kaniya ang mga kababaihan.

Napalingon siya sa amin dahil sa ingay ng motor ni Chiko. He raised his eyebrow, I don't know if that his normal expression or he's mocking. He then look away. May iba ding kamakausap sa kaniya na kinukuha ang atensiyon niya.

"Salamat, Chiko." Sabi ko rito at bumaba na ng motor. Wala si Gwen ngayon dahil mamaya pa raw ang schedule niya para rito.

"Pumila kayo rito!" Sinunod namin ang instructions ng staff kung saan kami pipila. Medyo matagal tagal sa amin dahil inuna pa ang ibang baranggay.

May pa snack, mabuti na lang ay dala ko yung folded fan ko na bilog. Laging binibigay ng mga kandidato 'to kapag election. Marami akong ganito sa bahay kaya lang yung iba ay nadala na ng baha at hindi ko na nakita. It's very useful especially now since the weather is extremely hot.

"Pahiram, Soly! Ang init talaga!" Inabot ko yun kay Chiko nang tumabi siya sa akin. Tiningnan ko ang pila, medyo marami rami pa, habang patingin-tingin ako sa paligid ay hindi ko naman maiwasang mahagip ng mata ko si Mayor. Nagulat ako ng bahagya dahil nasa amin pala ang tingin niya. I tried to smile but my smile faded when he looked away snobbishly. 

Pahiya ako dun ah.

"Salamat, Mayor! Ang bait-bait niyo po talaga! Dahil po sa inyo may scholar ang anak ko!" Sabi nung babae, ngumisi lang ang alkalde at tumango. Nakipag-picture pa sila.

Mula nang may tumama na bagyo dito. Non-stop ang pamimigay ng relief goods sa amin. Kahit mag-iisang buwan na ang nakalipas ang dami ko pa ring stock sa bahay,  ako lang naman kasi mag-isa kaya ang sobra binibigay ko na lang sa kapit-bahay.

"It's been a month since the typhoon hit us. I'm really glad that we are all okay here. Masaya akong unti-unti na ring nakakabangon ang lugar natin." They all clapped after his speech.

Hindi naman umabot sa isang oras ang paghihintay na nang tawagin na ang baranggay namin. It's a big help to us since It's a cash from government. Hindi ko nga lang alam magkano.

"del Carmen!" They announced our baranggay's name. Pumila na kami. 20 ang slots sa baranggay namin kaya 20 kami ka-tao ang makakatanggap. Nakakatuwa tingnan ang mga taong sobrang laki ang ngiti na uuwi. Tuwang-tuwa sila dahil hindi lang pera ang matatanggap namin dahil may isang sakong bigas pa. I can't help but to smile either.

Napalunok ako bigla dahil nanuot sa ilong ko ang mamahaling pabango ni Mayor. Katabi lang siya ng babae na namimigay ng sobre sa amin, pagkatapos doon sa babae ay kay Mayor naman pipila. He's the one who's giving us some sack of rice.

The Mayor's Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon