_
Maaga akong pumasok kahit na medyo malungkot ako. Tiningnan ko pa ang itsura ko sa salamin bago umalis.
Ilang beses kong tinapalan ng pulbo ang mukha ko dahil halata sa itsura ko ang pag-iyak.
Kumatok ako ng ilang beses sa kwarto ni Lucas bago pinagbuksan. Binibihisan na rin siya ng kaniyang Yaya. His rooms were very huge and full of cartoon characters with the color of blue.
"Goodmorning, Lucas." Maligayang bati ko sa bata. Medyo inaantok pa pero agad namang lumiwanag ang mukha nang makita ako.
"Goodmorning, Ate. Sayang, Kuya is not here anymore." He said while pouting. I smiled, mabuti na rin iyon wala siya rito but I feel disappointed a bit, I was expecting he's here, masochista na ata ako.
I looked at the child, I can't help but to think about their parents. I don't want to judge them pero sa tuwing nakikita ko ang bata, hindi ko mapigilang maawa. Napailing na lang ako, nakakalungkot naman kasi talaga ang mag-isa. At sa ganitong edad at kabata naranasan na ni Lucas na walang kasama.
Dahil basic learning lang naman ang mga tinuturo ko alam na rin naman niya lahat. Madali lang din niyang nasagutan ang mga modules niya.
"Come here, ate." Nagpatinaod na lang ako sa hila nang dalhin niya ako sa kabilang kwarto karugtong lang din ng kaniyang kwarto.
"Let's play!" Humagik-ik ito nang dalhin niya ako sa playroom. Napanganga ako dahil sa pagkamangha dahil sa lawak. Full of toys and playgrounds.
"Don't tell it to Kuya Lau, ate please," he pouted hindi ko naman mapigilang pangigilan ang bata. I smiled widely.
"Of course! pero sandali lang tayo ha, let's answer your module again after this okay?"
"Yes, Ate. Thank you!" Yumakap ito sa hita ko sa sobrang tuwa. I caressed his hair.
"Go on, take your time, Lucas."
Parang nagbalik din ako sa pagkabata dahil sinamahan ko siyang maglaro kaya naman parehas kaming pagod. Binuhat ko si Lucas dahil nakatulog na ito. He is sleeping soundly in my arms, he is heavy but I can carry him enough.
Akmang babalik na sana ako sa kwarto niya nang magbukas ang pintuan ng playroom. Tumambad doon si Mayor. My heart suddenly pounded so hard, natutop ako sa kinatatayuan ko.
Nakauwi na siya? Anong oras na ba? Binalingan ko ang orasan. Alas singko na pala hindi ko na namalayan. Pero maaga pa naman.
"He's asleep?" Tanong nito at binalingan ang kapatid.
Tumango ako, lumapit siya sa akin at kinuha si Lucas. Naamoy ko agad ang bango niya. My mood suddenly lit up because of his presence, nababaliw na ata ako.
Sumunod ako kay Mayor nang dalhin na niya ito sa kwarto. Nandoon din kasi ang mga gamit ko. Hindi ko siya kayang tingnan, hindi ko kayang lumapit. Pakiramdam ko mas lalo lang lalala ang nararamdaman ko and I know what will happen at the end, I will get hurt.
"How's your day with Lucas?" Napaigtad ako nang bigla siyang nagsalita habang dahan-dahang nilapag ang bata sa malambot na kama. Kinuha ko naman ang bag ko.
"U-Uhh, Okay lang naman. Medyo napagod siya kakalaro kaya nakatulog." Tugon ko at kinuha na ang bag na nasa side table ni Lucas.
"How about you?" Baling nito sa akin, bahagya naman akong nagulat dahil paglingon ko ay sobrang lapit na niya sa akin.
"Huh?"
"Are you tired?"
"Hindi naman." Umatras ako. Hindi naalis ang tingin niya sa akin saka tumango.

BINABASA MO ANG
The Mayor's
RomanceCOMPLETED Laurent Gideon Jimenez is the youngest mayor of the town San Jimenez. Renowned as the attractive and perfect Mayor not only because of his good looks, but also because of his excellent performance as the municipality's alkald. When the typ...