GWEN

7.6K 106 48
                                    

_

"Nurse Gwen, pull out ka raw sa OR!" Natatawang sabi sa akin ni Jack. Kunot noo  ko siyang binalingan dahil hindi nagustuhan ang narinig.

"Pull out ka diyan? OR pa talaga ah, ang layo!"

"Nakapagtraining ka rin naman dun diba?  at saka on-leave yung best friend mo kaya kulang sila."

Umiling ako. "Sa ibang branch? wala ba?"

"Wala nga eh, kahit sa ward at ICU walang available kaya bunot ang ER ngayon. Ikaw sinuggest  kasi nakapagtraining ka rin naman ng Peri-Operative."

Huminga ako ng malalim, nakakainis naman. Oo nga nakapagtraining ako sa OR pero wala akong skills don. Gusto ko sanang sisihin si Soliana kaya lang buntis wag na lang.

"Tsk! For sure ikaw nag bida-bidang nag-suggest sa akin 'no?" Sisi ko kay Jack.

"Luh?" Tinaas niya ang kaniyang dalawang kamay at natatawang umiling. "Hoy, wag kang bintangera si Sir Daniel bumunot sayo, kilala ka nun."

Ano pa nga bang magagawa ko? Yung OR coordinator na ang pumili sa atin kaya wala akong choice kundi ma-pull out ngayon sa OR.

"Rawr! goodluck kay Doc. Yuchenco." pang-aasar pa nito sa akin.

"Edi wow, sana ma toxic pa kayo lalo rito." Mabigat ang loob kong pumunta ng Operating Room na nasa 3rd floor. Huminga ako ng malalim bago ako pumasok. I swear ngayon lang 'to. Mabuti na lang ay nandoon ang scrub suit ni Soly kaya yun na lang ang gagamitin ko kaya lakas rin nh loob nilang bunutin ako eh.

Sa totoo lang ay ayaw na ayaw na ayaw ko na talagang mapadpad rito, okay lang sa akin kahit saan ako mapunta wag lang dito.
Kaya lang nakakahiya rin kay Sir Daniel.

Nang papasok na ako sa entrance ng OR ay naalala ko na naman ang nangyari noong student pa kami at noong nagtraining ako rito.

_

"Gwenette Castillo fourth year BSN?" Tanong sa akin ng OR coordinator. Nahihiya akong tumango habang nilalahad ang booklet ko upang pirmahan niya.

"Yung partner mo sino yun?"

"Uh, Si Soliana po. Soliana Garcia." tugon ko.

"Alam niyo maganda ang performance niyo rito sa OR ah. Dito na lang kaya kayo mag-apply?" natatawang sabi ni Sir Daniel habang pinipermahan ang booklet namin.

"Try k-ko po, Sir. Sana Matanggap."

"Aba, bakit naman hindi? Hiring kami rito sa OR."

Masaya akong bumalik sa lounge area dahil sa sinabi ng OR coordinator. Syempre, opportunity na yun kaya after graduation dito na rin siguro ako mag-a-apply sa OR mismo. Nang makabalik na kami lahat dahil tapos na rin ang mga cases namin naisipan na ring mag order ng lahat para sa lunch.

"Ikaw Soly? pasali ka?" Tanong ni Janet .

"Oo, chicken and rice lang akin." Tugon nito. Ngumisi ako sa kaibigan dahil for the first time ay nakapag-order na rin.

"Himala ah. Anong meron?" sundot ko sa tigiliran niya. Natatawang umiling lang ito. Hindi kasi gumagasta imbes na ipang order ay pipiliin na lang niya mag-luto.

"Buntis ka ata, parang nagke-crave ka eh!"  pang-aasar ko rito. Tumawa naman ang mga kasama namin.

"Ewan ko sayo Gwen! Dami mong alam." Irap nito at natawa. I'm really happy seeing Soliana like this.

"Hay nako, nasa labas pa lang ako naririnig ko na na naman ang boses ni Castillo." sabi ng C.I namin nang pumasok sa Quarters.

"Sorry, Ma'am."

The Mayor's Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon