_
Tumunog ang cellphone ko habang ako naman ay busy sa pagsagot ng mga modules.
"Kailan ang second dose mo?" Gwen asked on the other line.
"Next week pa sa Monday. Mayroon daw dito sa Baranggay natin walk in na. "
Medyo na delayed kasi ako mag-pavaccine dahil ubusan ng slot. Ang dami talaga nagmadali magpalista noon dahil ang sabi ay required na raw sa lahat ang vaccine card kaya rush na. Pati na rin sa school requirements dahil if may limited face to face na, kakailanganin na ang vaccine.
Kaya ngayon lang ako at saka walk in na rin sa bawat baranggay hindi tulad noon na kailangan pang pumunta sa RHU. Medyo malayo-layo rito sa del Carmen at ang mahal din ng pasahe. Simula nang nagkapandemya na double na ang pamasahe. Mapa-jeep o tricycle man.
"Soly, pupunta ako sa bahay mo." Gwen added.
Nang mag-alas singko ay nagyaya si Chiko na pumunta ng centro para kumain ng balot. Tuwang tuwa naman si Gwen.
"Grabe! Buti na lang pinaalala mo, Chiks. Yan pala yung kine-crave ko." Madramang sabi ni Gwen. Nasa likod ko siya naka-angkas, ako naman ay nasa gitna nila ni Chiko na siyang nagmamaneho. Gumegewang gewang pa ang motor dahil sa kalikutan ni Gwen.
"Imbitahan mo rin si Carlos, Gwen." Ani ni Chiko. Oo nga! Yung boyfriend niya MIA na lang palagi. Di ko na nakita mula noong bagyo pa. Hindi naman siguro natangay ng baha yun diba?
Even Gwen, she didn't mention him lately.
"Huh? Carlos? Sino yun?" Maang-maangan na sabi nito. Gulat namam akong napalingon sakaniya.
"Your boyfriend."
"Boyfriend? Wala akong boyfriend na cheater!" The anger on her voice is visible, muntikan na talaga kaming matumba.
Mukhang may hindi pinagkaka-unawaan ang dalawa. Noon pa man palagi na silang ganito. They have on-off relationship and the issue is still the same. Cheating. Ilang beses ko nang sinasabihan si Gwen but at the end of the day nagkakabalikan pa rin.
Hindi na ako nagsalita pa mukhang ayaw niya naman pag-usapan.
Pagkarating namin ay pinark agad ni Chiko ang motor niya sa tabi ng BDO, branch ng del Carmen. Katabi lang ng gymnasium at tapat nito ay mga nagbabenta ng mga balot at mga iba't ibang uri ng street foods.
"Tatlong balot po!" Ani ni Chiko at nag-siupo na kami. I miss eating this kaya lang hindi ko kinakaian ang sisiw.
"A-Ako na." Medyo nahihiyang sabi ko nang akmang magbayad si Chiko para sa aming tatlo. Napalingon naman ang dalawa, si Gwen ay nakangising tinginan ako.
Wala lang, medyo malaki-laki naman ang nakuha ko kaya naisipan kong ilibre na sila at libre na nga ang pagsakay namin ng motor ni Chiko. Mahal pa naman ng gas ngayon.
"Huh? Ayos lang, Ly. Libre ko na 'to sainyo." Si Chiko naman, umiling ako.
"It's on me, Chiko. Treat ko na." Ulit ko pa. Tatanggi pa ulit si Chiko nang sumabat na sa amin si Gwen.
"Hep hep! Ganito na lang! Si Soly manlibre ng balot tas ikaw naman Chiks, sa street foods! Away pa kayo eh!" Walang hiyang sabi ni Gwen, sumang-ayon na rin si Chiko.
Yun na nga ang pinagkasunduan namin. Namiss ko rin talaga magbalot ngayon kaya tatlong round ang naubos namin. Bumili na rin si Chiko ng mga fishball at kung ano-ano pang street food.
Sumakit ang tiyan ko kakatawa dahil kay Gwen dahil muntikan nang sabon ang nalagay niya sa balot imbes na suka.
"Sumobra ka na ata sa kape." Biro ni Chiko sakaniya.

BINABASA MO ANG
The Mayor's
RomanceCOMPLETED Laurent Gideon Jimenez is the youngest mayor of the town San Jimenez. Renowned as the attractive and perfect Mayor not only because of his good looks, but also because of his excellent performance as the municipality's alkald. When the typ...