CHAPTER 1

33.8K 369 40
                                        

_

Nanginginig ang mga kamay kong kinuha ang tumutunog kong cellphone at sinagot ang kung sino man ang tumawag. Hindi ko na alam paano pa ako nakakapagsalita ng maayos kahit na halos mangisay na ako sa lamig.

"Soliana! Okay ka lang ba diyan?"

Halos isiksik ko sa aking tenga ang hawak na cellphone upang marinig lang ang sinasabi, sa lakas ng ulan at sumasabay pa ang kulog at kidlat wala na akong masyadong marinig.

"M-Mamamya ka na tumawag! B-baka matamaan ako ng kidlat." Nanginginig kong tugon. Halos itapon  ang teleponong hawak  nang muling kumidlat ng malakas. Nakakatakot dahil tanging yun lamang ang nagbibigay ng liwanag, kasunod ay ang malakas na kulog para bang may itinapon na malaking bato mula kalangitan.  

"Hindi kita masyadong marinig!"

Magsasalita pa sana ako nang naputol na ka-agad ang linya marahil sa nawawalang signal.

Ilang oras na at hanggang ngayon ay malakas pa rin ang ulan, dumidilim na rin ang palagid dumagdag pa ang pag brownout. Lumiwanag lang kapag may kidlat.

Nasa lamesa ako na pinagpatong patong ko upang hindi ako maabutan ng tubig, tumataas na rin dahil inaabot na ang bintana ng bahay. Mabuti na lang may iilang gamit akong naisalba pero halos lahat ay basang-basa. Hindi ko kasi inaasahan ang biglaang pagtaas ng tubig at hindi man lang ako nakapaghanda.

Basa na rin ako ng tubig, ang bubong ng bahay ay butas butas na rin dahil sa lakas ng ulan na animoy umuulan ng bala. Gutom na ako dahil wala akong pagkaing naisalba, sa mga oras na 'to ay ang tanging pananampalataya na lang ang pag-asa ko.

Hindi ko nga alam kung makaka survive pa ako sa bagyong 'to. Nakakatakot dahil kapag tataas pa ang tubig ay hindi ko na alam kung saan pa ako pupunta. Na trapped ako rito sa bahay yung flashlight ko ay nabasa pa ng tubig kaya mahina na.

Ang hirap ng ganito dahil ako lang mag-isa sa bahay, walang kahit sino ang makakatulong sa akin, yung mga kapit bahay ko ay hindi ko na rin makita ang kanilang mga bahay.

"Diyos ko, tulungan niyo po ako.." pinagsiklop ko ang aking mga kamay dahil sa lamig.

Natatakot ako dahil kapag may matumba na niyog na malapit dito sa bahay at matamaan dito banda sa akin ay paniguradong burado na ako sa mundong ito. Ang lakas pa naman ng hangin.

Naiiyak na rin ako dahil sa kawalan ng pag-asa maligtas dito.

Bukod sa pagtumba ng niyog ay ang dami ko pang iniisip, paano kung may buwaya na bigla na lang aahon dito sa tubig? May sawa? baka isang lamunan lang ako.

Napapikit ako dahil sa takot, panlalamig, panghihina, at pagod. Kanina pa ako na trapped dito sa bahay wala man lang rescuers na dumating.

Nang biglang humupa kaunti ang ulan ay tumunog ulit ang cellphone ko.

"H-Hello.." paos na rin ang boses ko. Nakapikit na ako at gusto na lang matulog. Halos hindi ko na nga mapindot ng maayos dahil nanginginig na ang kamay ko sa lamig.

"Soliana?! Nandiyan ka pa ba?!" Nakilala ko agad ang boses ni Gwen. Natataranta.

"G-Gwen.." kahit na nanghihina ay pilit kong tumugon.

"Diyos ko!" Rinig kong ang paghinga niya ng maluwag. "Akala ko wala ka na!" Sambit nito sa pag-alalang boses.

"Huwag kang mag-alala! Papunta na diyan ang rescuer team! Soly, mag-ingat ka please.. nag-alala ako."

Sa huling sinabi ng aking kaibigan ay nabuhayan ako ng loob parang dininig ng Diyos ang panalangin ko. Tiniis ko ang lamig at handang hintayin ang kung sino man ang tumulong. Sana lang ay hindi na mas tumaas pa ang tubig bago sila makarating sa area namin.

The Mayor's Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon