_
Isang linggo na ang lumipas at araw na ng graduation namin ngunit wala ako. Hindi ako umattend dahil gaya ng sinabi ko kay Gwen ay nandito na ako sa Zamboanga City at nakahanap na rin ng boarding house.
Ilang araw na akong walang gana, sa tuwing gabi ay palagi na lang akong umiiyak. Lowbat ang cellphone ko at halos ayaw kong hawakan iyon.
Noong gabing pumunta ako kay Gwen ay yun din ang pag-alis ko. Hindi na ako nagparamdam kay Gideon.
Alam kong selfish itong ginawa ko pero natatakot ako. Natatakot na kapag magkita kami ulit ay baka may makakita na naman sa amin, may kukuha na naman na litrato at kumalat. Madagdagan na naman ang mga paratang nila at paninira kay Gideon at baka dahil dun tuluyan na siyang mawala sa pwesto niya.
Hapon na nang dumating si Gwen, dala niya ang toga, medal, at certificate ko.
"Congratulations." I said proudly to her.
Mabilis ang pangingilid ng aking luha nang makita ang dalawang award na dala niya.
'Soliana Garcia Highest Honor with an average of 97%'
Malungkot akong ngumiti. Lumapit sa akin si Gwen at niyakap ako. Alam niyang matagal na akong excited sa graduation namin at naghahanda na rin ako noon ng speech kaya lang dahil sa nangyari hindi natuloy.
Sinabi niya na pinalitan raw ang mag-speech para sa graduation namin, hindi naman sinabi na hindi ako pwedeng makasama pero ako na ang hindi pumunta.
The issue was spread like a wildfire to the town and I don't think I have the audacity to face it. May iilang article na blur ang mukha ko sa litrato na kumalat, mayroon ding hindi at kita nga ang mukha ko.
May inimbitahan ding VIP na bisita ang school sa graduation baka dahil sa issue ay mapahiya pa ang skwelahan at principal kaya mas mabuti na rin sigurong hindi na ako sasali.
I felt like my dreams were crushed to the ground. Pakiramdam ko durog na durog ang mga pangarap ko pero nangingibabaw pa rin ang pakiramdam na wala akong karapatan maramdaman iyon dahil kasalanan ko naman. Nakasira ako ng imahe ng tao. Hindi lang basta tao kundi Mayor ng lugar namin.
"Congratulations, Soliana." She whispered that makes me cry more at her shoulder. Umiyak rin siya sa braso ko ngunit agad ding kumalas at pinunasan ang luha.
"A-Ano ba yan!" She laughed while wiping her tears. "Tama na nga ang iyak! Ito oh, isoot mo itong toga mo. I know for sure it looks good on you."
Pagka-hapon ay umuwi rin si Gwen dahil may celebration daw sa kanila. Pinipilit niya akong umuwi kaya lang tumanggi ako. Kaya ngayon mag-isa ulit ako nakatitig sa kisame.
Tiningnan ko ang kulay berdeng toga ko na nakasabit. May tatlo akong medalya at dalawang certificate. Sana hindi na lang niya ito dinala rito mas lalo lang tuloy akong nagiging emosyonal nang makita ito.
Tears formed on my eyes, I shut it tightly that makes it fall down to my cheeks. For the past seven days I feel so weak and uninterested with everything.
I want to forget him on my system, I want to deny my feelings but I can't. I miss him.
I miss him so much, I am extremely worried too, worried about what happened to him right now. Mas mabuti na rin sigurong hindi niya ako makita.
Bumaling ako sa singsing na suot ko. Singsing na bigay ni Gideon, singsing na kahit kailan hindi nababagay sa akin.
It was made of gold but the one whose wearing it is rusted.
Sana panaginip na lang ito, sana pag-gising ko babalik ako sa realidad kung saan hindi na sana nagtagpo ang mga landas natin. Hindi na sana tayo nagkakilala.
BINABASA MO ANG
The Mayor's
RomansaCOMPLETED Laurent Gideon Jimenez is the youngest mayor of the town San Jimenez. Renowned as the attractive and perfect Mayor not only because of his good looks, but also because of his excellent performance as the municipality's alkald. When the typ...
