_
"Soliana, you're here!" Napalingon ako kay Doc Clare na tumawag at papunta sa amin. He is holding two umbrellas. Ang isa gamit niya habang bitbit naman ang isa.
"Doc?"
Gideon's face darkened with his usual annoyed face.
"I was finding you everywhere, nandito ka lang pala." Aniya at bumaling sa katabi kong si Gideon.
"Oh, Mr. Jimenez you're here too? Anyway, It was nice meeting you," Inilahad nito ang kaniyang kamay. Gideon seems so uninterested, sinulyapan lang niya ang kamay ni Doc. Clare na nakalahad.
Kunot noo ko siyang binalingan, he seems so rude. Tumikhim ako para makaramdam siya. Nakahinga ako ng maluwag nang tanggapin niya rin sa huli.
"Nice meeting you too, Doc." he said coldly.
"I would like to thank you personally for sponsoring this medical mission, Mr. Jimenez. It was such a big help to us." Tumango lang si Gideon bilang tugon.
"By the way, are you okay, Soliana?" nabalik ako sa ulirat nang balingan ako ni Clare.
"Uh, I'm okay. Bakit niyo natanong?" Kunot noo ko siyang binalingan.
"I noticed earlier that you are anxious, I'm worried. Are you okay now?"
"Y-Yes, Doc. I'm fine, you don't have to worry." Sagot ko nalang kahit na medyo naiilang dahil sa presensya ni Gideon.
His brow shot up sarcastically like he was witnessing a two corny couple. Pasimple ko siyang tiningnan ng masama nang hindi niya napapansin.
"How about your wound, Mr. Jimenez? are you okay now?" Baling muli nito kay Gideon.
"Yeah, this is nothing. Malayo sa bituka." tugon nito na may kayabangan sa kaniyang tono.
"Still, it can cause infection. If it still hurts tell us immediately so we can help you to cleanse it and change the dressing."
"No need, I can take care of it but thanks to your offer."
Doc Clare nodded. Inilahad nito ang isang payong na hawak kay Gideon.
"Here Mr. Jimenez, you can use it. Kay Soliana sana yan but we can share this one." aniya at pinayungan ako gamit yung ginamit niya para sa kaniyang sarili kanina.
Gideon looked at us darkly, he didn't even look at the umbrella Clare offered to him.
"No need, Doc. give it to her."
"Ayos lang, masyadong malakas ang ulan." sabi ko.
His jaw clenched.
"Use it, you don't need for both of you to share an umbrella under the rain." aniya na may diin at sarkasmo.
Medyo inis ko siyang tiningnan.
"Malakas ang ulan, mababasa ka–" naputol ang sasabihin ko nang tumunog ang kaniyang cellphone. Gideon looked at me in seconds before getting his phone from his pocket and answered the call.
"Yes, wife?" aniya sa malambing na boses.
Damn.
I bit my lower lip to hide the pain that I'm feeling. Nasaktan ako nang makitang may wedding ring na siya at nalamang kasal na pero mas may isasakit pa pala kapag na-witness na ng harap-harapan.
Paano na lang din kung nandito rin ang asawa niya? double o triple siguro ang sakit. Pero wala eh, may mahal na siyang iba kaya wala na akong magawa kundi tanggapin.
"I'll call you later okay? I love you, bye." Aniya bago binaba ang tawag.
"I have to go." baling ni Gideon sa amin bago saka umalis at iniwan kami ni Clare.
BINABASA MO ANG
The Mayor's
RomanceCOMPLETED Laurent Gideon Jimenez is the youngest mayor of the town San Jimenez. Renowned as the attractive and perfect Mayor not only because of his good looks, but also because of his excellent performance as the municipality's alkald. When the typ...
