tw: this chapter contains sensitive topics such as violence and suicide.
This will be the last chapter guyss :( next will be theEpilogue. Thank you so much for this journey! May natapos na naman akong isang akda. Thank you so much all of you, sa pag-antay ng update kahit sobrang tagal, pagvote at pag comment at higit sa lahat sa pabasa! 🫶 Maraming maraming salamat po. Thank you din sa pagmahal niyo kay Soliana at Gideon dahil binigyan niyo sila ng chance na mabasa ang kanilang story. I'm very very grateful for this one dahil hindi ko akalain na aabot tayo sa 200k plus reads. Thank you sa tiktok dahil sayo na-discover ang story ko haha. ILY all guys. 💗
_
Isiniksik ko ang sarili ko upang magtago ngunit huli na ang lahat dahil biglang nabuksan ang pintuan. Ang postura ni Chicko ang bumungad sa akin na siyang nagbigay ng kilabot.
His eyes were dark, he was emotionless as he looked at me, bumaba ang tingin niya sa anak kong hindi matigil sa pag-iyak.
"Soliana." His voice echoed the whole room.
"C-Chicko please.. K-Kung ano man ang binabalak mo huwag mong gawin ito." My voice was almost pleading and shaking. He just looked at me without any single word.
Unti-unting lumapit sa distansya ko sa Chiko. Gusto kong tumakbo at tumakas kaya lang ay bumaba ang tingin ko sa hawak niyang baril.
Hindi ako makapaniwalang hahantong si Chicko sa ganitong sitwasyon. His eyes were red. Ibang iba ang itsura niya sa dati noong nasa San Jiménez kami. His sleeves were full of tattoos.
Habang papalapit siya sa akin ay tila wala rin siya sa kaniyang sarili.
"Soliana, namiss kita." Malamig na sambit nito. Umiiyak na umiiling ako.
Based on his appearance he is under the influence of a substance. With his bloodshot eyes and dilated pupils.
"Chicko, tumigil ka na.. N-nasaan si Gideon? Anong ginawa niyo sakaniya?!" Hindi ko mapigilan ang galit sa puso ko habang naalala ang huling tawag namin ni Gideon at alam kong may kinalaman siya sa nangyaring ito!
Kumunot ang noo niya at tiningnan ako ng masama.
"Si Mayor Laurent?! bakit mo hinahanap ang gagong yon?!" Now his mood is elevated, raging in anger.
"Dinespatsya na namin si Laurent Soliana! para magsama na tayo!" Sigaw nito at lumapit sa akin. Agad akong umatras at lumayo kay Chiko ngunit agad niya akong nahuli sa braso at mariin na hinawakan.
"C-Chiko tama na! Mahuhulog ang anak ko!"
He scoffed and looked at my son. Siniksik ko si Laurence sa dibdib ko upang itago ito kay Chicko.
"Aalagan ko ang anak mo, Soliana. Sumama ka lang sa akin." Mariing sambit nito.
My face grimaced with pain as he aggressively held my arms and tried to pull me. I tried hard to pull my arms on him, kaya lang hindi ako maka pwersa dahil hawak ko ang anak ko.
"B-Bitawan mo ako Chicko! Hindi ako sasama sayo!"
His eyes darkened that provoked him more.
"Bakit hindi ka sasama? Magkaibigan naman tayo ah? at isa pa." Inalapit niya ako sa sarili niya at pilit akong pumiglas.
"Mas una tayong nagkakilala kaysa sa Jimenez na yun!"
Nawala ang atensiyon ko kay Chicko nanag biglang umiyak so Laurence. Mas lalo akong kinabahan nang binalingan ni Chino ang anak ko.
He smirked creepingly. "Kaya ba hindi mo siya maiwan dahil diyan? Pwede naman tayong magsama, kaya kong palikihin ang anak mo–"
"Chicko tama na please!" Nanginginig kong sambit. Alam kong wala na siya sa katinuan ngayon kaya kung ano-ano na ang mga lumalabas sa bibig niya.

BINABASA MO ANG
The Mayor's
RomanceCOMPLETED Laurent Gideon Jimenez is the youngest mayor of the town San Jimenez. Renowned as the attractive and perfect Mayor not only because of his good looks, but also because of his excellent performance as the municipality's alkald. When the typ...