CHAPTER 9

15.7K 135 11
                                        

_

present

"Hay nako, malapit na naman ang election, magkakalat na naman ang iba't-ibang mga poster." Ani ni Gwen habang nakaharap sa salamin naglalagay ng lipstick.

Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Ngayon kasi ang pictorial namin para sa nalalapit na graduation. Si Gwen ang nag make-up sa akin. Siya naman ay dito na rin sa bahay nag nag-make up para sabay na kami papuntang school.

Ang galing niya dahil ang ganda nang pagka-make up niya sa akin kahit light lang.

"Finally! Makaalis na tayo sa highschool! Nakaisip ka na ba ng course, Soly?" Tanong nito habang nasa salamin pa rin ang atensiyon. Natigilan ako sa tanong niya dahil wala akong maisagot.

Hanggang ngayon wala pa rin akong maisip na kurso para sa akin. Nalilito at naguguluhan pa rin ako.

"W-Wala pa, eh. Ikaw? May naisip ka na ba?"

"Oo, may mga course nga akong gustong kunin kaya nga lang nalilito ako kung ano talaga sakanila."

"Bakit ano ba ang mga choices mo?" Tanong ko.

"BSTM, BSHM or BSED. Ewan ko ba!" Binura niya ulit ang lipstick niya at naglagay ng mas darker na shade.

"Sana naman makapasa tayo sa entrance exam ng WMSU." Dagdag nito. Noong nakaraan nagtake kami ng entrance exam mabuti na lang ay nakahabol pa kami.

"I hope so. I try din natin sa MSU pars may ibang choice naman." I suggested.

"Kaya nga, sabay na tayo mag take, try din natin sa JRMSU kahit diyan lang din sa Tampilisan Campus pero mas maganda sa Dapitan." Aniya. Muntik ko nang makaligtaan may JRMSU pa pala. Naghahanap kasi kami ng State University ni Joey dahil wala ng tuition na babayaran dahil kung private ay baka sa first semester pa lang hindi na kami makapag-aral.

"Pero, Soly maiba ako, if ever na makapasa ka sa WMSU? sa Zamboanga City ka ba?"

"Ipil na lang siguro masyadong malayo na pag sa Zamboanga at double gastos pa dahil kukuha pa ng boarding house." Sabi ko, gusto ko nga doon eh pero yun nga malayo na at saka mahihirapan ako dahil hindi ko naman kabisado ang lugar at saka isa pa dagdag gastusin dahil sa baording house kada buwan.

But honestly, I want to try other places.

"Weh! Yun ba talaga? Baka naman ayaw mo lang malayo kay Mayor mo?" Her narrowed and laughed.

I chuckled, maybe that's one of the reason also. I just rolled my eyes on her and her laughter grew louder to tease me more.

"Apply na lang tayo ng scholarship marami namang offer. Diba mayroon sa bebe mo? Baka nga di mo na need mag apply ng scholarship niya automatic pass ka na agad."

Maya-maya aalis na sana kami ni Gwen nang biglang may kumatok, I was a little bit shocked when I saw Gideon. He said he's busy so I didn't expect him to come here.

"Hi," I greeted, he smirked and pecked a quick kiss. Uminit ang pisngi dahil sa maliliit na tili ni Gwen sa loob. My lipgloss from my lips went to his. I tried to wiped it but he just licked it with his tongue.

Agad ko na siyang pinapasok dahil baka may makakita sa labas. He kissed me again on my head.

Bigla akong nahiya sa hitsura ko ngayong naka-make up.

"I was busy earlier, pero ngayon hindi na." Tugon nito. Natagal pa ng ilang segundo ang tingin niya sa akin saka ngumisi.

"You look beautiful, cutie. I'm so proud." He said softly. Pakiramdam ko ay pinamulahan ako lalo.

The Mayor's Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon