CHAPTER 13

13.9K 158 34
                                        

_

"Code blue!"

Nagmamadali akong tumakbo paakyat ng delivery room dahil sa emergency na pangyayari. Galing akong laboratory upang kumuha ng labs result ng patient dahil hindi naihatid ng medtech kanina.

"Code blue!"

Tahip ko ang puso ko dahil sa kaba, kahit kalmado naman ang paligid ngunit ramdam ko parin ang tension ng bawat isa.

Kahit na malamig naman ang station ng DR ay nararamdaman ko pa rin ang pawis na tumatagaktak sa noo ko. First year ko pa ito kaya ito ang kanuna-unahang beses kong maghandle ng patient na nasa critical na condition.

Pumasok ako sa DR 1 kung nasaan ang pang-yayari.

"Suction!" Doctor commanded. Kinuha ng nurse ang pediatric mechanical ventilation.

"May ARDS." anang ng isang nurse na nasa tabi kong nasa bunganga ng pintuan.

Limited lang kasi ang dapat makapasok dahil sterile area ang loob kaya hindi na kaming pumasok doon at marami na rin sila.

"Another mech. vent. tube please!" The scrub nurse said. Kahit hindi ako kasali ay pumunta ako ng stock area upang kumuha ng tube na ipinag-uutos.

Ganito talaga dapat, kahit hindi kasali sa team it should be collaborative work. Pagbalik ko sa DR 1 ay kinuha ng katabi kong nurse kanina nag dala kong mechanical ventilation at binigay sa loob.

Nararamdaman ko ang medyo pag panic sa akin ngunit kailangan kong pigilan at kalmahin ang sarili dahil higit sa lahat hindi dapat mawalan ng tiwala ang pasyente sa amin.

The baby's mother at the DR bed was crying and worried, kahit na nanghihina ito.

"Another pulse oximeter please." Anang doctor. Tatlong pulse oximeter na ang ginamit upang makasigurado ngunit sa tatlong iyon ay parehas lang ang resulta nasa 90 pa rin ang O2sat ng bata.

Ilang minuto ang tumagal ay naging maayos na ang kalagayan ng baby at medyo nakakahinga na, at medyo naging normal na ang oxygen saturation nito bago ihatid sa NICU pero under monitoring pa rin dahil may acute respiratory distress syndrome ito.

Hinatid na rin ang mother sa PACU upang imonitor rin.

We feel a little bit relieved after what happened. Lalo na ako first time maka encounter ng emergency mostly kasi sa shift ko normal naman ang lahat at hindi pa ako na-toxic.

"Are you okay, Nurse Soly?" Doctor Lim aksed. He is half chinese and it's obvious aside from his name but because of his mestizo and chinito physiques. I smiled a little bit. Isa siya sa mga batang doctor dito, mas matanda ako sakaniya ng dalawang taon.

Dinig ko kaya maaga naging doctor dahil noong highschool at elementary palagi raw itong na-a-accelerate.

"Yes, Doc." Tugon ko, tumango ito.

"Mukhang namumutla ka ah," he chuckled. "Anyways nakuha mo ba ang lab results ni Patient Santos?" Aniya at binalingan ang chart ng nasabing pasyente.

"Ah, yes doc. Verify ko lang po,"

"Go on." He said while continuing to write on a chart.

"Patient Santos, 45 year old male, will undergo tomorrow morning at 6 am a craniotomy due to his tumor and blood clots at saka po according sa nurse naka-shift sakanya kanina sa ward nag-seizure po siya."

Umangat ang tingin ni Doctor Lim sa akin.

"How many minutes at ilang beses?"

"3 minutes at isang beses po Doc."

The Mayor's Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon