KABANATA 1

134 3 0
                                    

Hanggang sa pag-uwi ay mabigat ang loob ko. Sobra parin akong naiinis sa kahanginan ng lalaking iyon. Hindi ko rin alam kung bakit ganito na lamang ang pakiramdam ko sa lalaking iyon. Muli na namang sumagi sa isip ko ang ginawa niya kanina. Nakikipagbulungan siya sa katabi niya habang nakangising nakatingin sa akin. Lalo na nung bigla na lamang siyang nagsalita sa likuran ko at paratangan akong kinukuhaan ko siya ng litrato.

Naikuyom ko ang aking kamao sa sobrang inis na nararamdaman ko. Mabuti na lamang din ay iyon na ang una't huli naming pagkikita, sana nga ay iyon na.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at saka nagtungo sa banyo upang maghimasa. Nagsipilyo ako nguni't nang pumikit ako ay itsura niya agad ang nakita ko.

' Tangina?'

Kumunot ang noo ko dahil sa nakita kong iyon. May kakaibang dulot sa loob ko ang hindi ko maipaliwanag, lalo na nung nakita kong nakangiti siya sa pagpikit ko.

Huminga ako nang malalim at hindi na muling inisip pa ang mga nangyari kanina. Nang matapos ako sa paghimasa ay humiga na ako. Ilang oras na rin ang lumipas nguni't hindi man lang ako dinadalaw ng antok. Pinipilit ko nang ipikit ang mata ko nguni't kahit anong gawin ko ay nananatiling gising ang diwa ko.

Inis akong tumayo at bumaba para uminom ng tubig. Tulog narin sila mama kaya tanging ako na lamang ang gising sa bahay na ito. Nang makainom na ay umakyat na ako at saka binuksan ang terrace ng kwarto ko at doon ay pinagmasdan ko na lamang ang kaliwanagan ng mga butuin sa madilim na kalangitan. Sa mga oras na ito ay nawala ang mga isipin ko. Makita ko lang talaga ang ganito kagandang tanawin ay nawawala nang kusa ang mga isipin ko. Gumagaan ang pakiramdam ko.

Nang mapagod ay pumasok na ako at isinara ang terrace. Kinuha ko ang phone ko at nanood ng kung ano-ano sa facebook, tiktok at YouTube.

Muling lumipas ang oras nguni't hindi parin ako dinadalaw ng antok. Pagod na pagod ako sa araw na ito pero ayaw makisama ng diwa ko. Gustong gusto ko na talagang matulog pero sadyang tinatraydor ako ng diwa ko.

Tinignan ko ang oras sa phone ko at alas kwatro na ng umaga. Nasapo ko ang noo ko at saka muling tumayo. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga oras na ito. Ngayon lang din nangyari sa akin ito kaya hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Uminom na ako ng gatas kanina nguni't hindi man lang umepekto sa akin ang pampaantok nito.

Muli kong kinuha ang phone ko at nang makitang online ang dalawa ay agad akong nagchat sa gc namin.

{ HINDI RIN BA KAYO MAKATULOG?}

Pagtipa ko at agad naman nila itong naseen at sabay pang nag typing.

{ HINDI RIN EH. DUNNU WHY.}
reply naman ni Jelai habang si Cheng naman ay typing parin.

{ANO CHENG LSM BA YANG TINATAYP MO? KANINA KA PA TYPING AH}

Puna ko kay Cheng at tinawanan lang naman ito ni Jelai.

{ GAGA! DI RIN AKO MAKATULOG EH. NAG-AWAY KASI KAMI NI ARIES. 🥺}
tugon naman ni Cheng.

{ SAAN NA NAMAN BA KAYO NAG-AWAY?}
Tanong ko

{ BASTA, TINATAMAD AKONG MAGKWENTO.}
tugon naman nito pero nakaramdam naman ako dahil alam kong dahil sa akin kung bakit nag-away sila tsk.

It Started in San Andres St.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon