KABANATA 6

83 3 0
                                    

Inalalayan ako ni George pasakay sa motor niya. Wala akong ideya kung saang lugar niya ako dadalhin pero wala akong pakialam don dahil kahit saan pa kami pumunta ang mahalaga sa akin ay kasama ko siya.

Sa mga oras na ito ngayon ay walang mapaglagyan ang sayang nararamdaman ko. Talagang bumabawi siya sa mga araw na hindi kami magkasama. Nakakatuwa dahil pinaparamdam niya sakin na miss niya ako at mahal niya ako. Isa sa kinabilib ko kay George dahil mas nangunguna ang actions niya kesa sa mga salita niya.

Mahigpit ang yakap ko sakaniya dahil sa sobrang bilis niyang magpatakbo. Mabuti na lamang ay walang nakabantay at masyadong maganda ang daloy sa daan kaya nagagawa niyang paharurutin ang motor niya.

"Huy Gorge nagmamadali ka ba?" takot na sigaw ko dahilan para bagalan niya nang bahagya ang pagpapatakbo niya ng motor. "Grabe hindi ko alam na literal na langit nga ang pupuntahan natin." inis na sambit ko nang lumiko kami sa pamilyar na lugar.

" I love you!" Aniya dahilan upang mapangiti na naman ako.

"Yann!! Yannn jan ka magaling, ang utuin ako, inuuto mo na naman ako akala mo kinikilig ako? Isa pa nga." sigaw ko dahilan upang sabay kaming matawa. Bumaba na ako sa motor niya at saka muling inilibot ang paningin. Agad na nanlumo ako sa nakikita. Nandito kami ngayon sa King Street na kung saan ay kinainan namin nung nakaraan.

"Let's go?" Inilahad ni George ang kamay niya sa akin na agad ko rin namang kinuha. Nagtungo kami sa counter at kumuha ng number. Sakto ring may dalawa raw na bakante sa second floor kaya naman ay nakaakyat na agad kami.

"Masarap servings nila rito babe." Nakangiting pambibida ni George sa akin. Pilit naman akong ngumiti, hindi ko alam kung bakit bigla akong nawalan ng mood, siguro marahil ay sa nangyari nung nakaraan.

"Yess... Yess... Pumunta na rin kami rito nila Cheng nung nakaraan." walang ganang sambit ko na itinango tango niya pa.

"I see... Edi hindi ko na pala kayang ibida sa iyo lahat ng servings nila rito." Nakangiting aniya habang inililibot ang pangingin. Inilibot ko rin ang paningin ko dahilan upang muli na naman akong mamangha sa kagandahan ng lugar.

Ngayon ay medyo maluwag na ang espasyo hindi katulad noon na medyo may kasikipan. Naglagay na rin sila ng videoke at mini stage na ewan ko kung para saan. Pero hindi ko maitatangging iyon ang unang mapapansin sa lugar na ito. Bukod ay nasa gitnang dulo, center of attraction pa dahil halos lahat kaming nakaupo ngayon dito ay nakaharap doon.

"Matagal ka na bang nakain dito?" tanong ko at tumango naman siya.

"Yup, madalas kong kasama si V-Vin." biglang utal niyang sambit. Hindi ko na iyon pinuna pa at nagpatuloy na lamang ako sa paglilibot hanggang sa maramdaman ko siyang tumayo kaya agad na nabaling ang atensyon ko sa kaniya.

"San ka pupunta?" takang tanong ko pa nang ayusin niya ang damit niya. Nagkibit balikat lamang siya at saka nagpatuloy na naglakad papunta sa harap. Doon ko lang napagtanto na sa videoke siya pupunta kaya naman ay agad ko siyang sinuway na bumalik na rito sa inuupuan namin dahil baka hindi allowed ang gagawin niya. Wala na rin akong nagawa pa nang kunin na niya ang mic at naghanap ng kanta sa songbook. Tumigil siya saglit at siguro nang may makita na ay doon na niya nilagay ang kantang kakantahin. Bumilis ang tibok ng puso ko nang mag-umpisa na ang kanta. Nakangiti siyang tumingin sa akin at nang malapit na ang unang berse ay pumikit siya at huminga nang malalim, dahil malapit ang mic sa bibig niya ay rinig namin iyon.

It Started in San Andres St.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon