"Sige na mauna ka nang umalis."
"Pinapaalis mo na ba ako? Grabe ka naman, ilang araw kong tiniis ang hindi ka makita ah. Tas ang makasama ka ngayon ay limitado pa, pinapaalis mo pa ako. Grabe ka lods, buhayin mo ulit puso ko argh!!" Natawa ako sa kaniya nang umakto siya na parang nasasaktan talaga.
"Mukha ka talagang angry birds." Natatawang sambit ko, sumeryoso naman siya at napanguso.
"Grabe talaga, bukod sa pinapaalis mo na ako nilalait mo pa ako. Grabe kana talaga lods. Hindi mo alam kung gaano mo pinapatay nang paunti-unti ang puso ko. Patay na nga ito noong nakaraan eh, lalo mo pang pinapatay." hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinasabi niya o nagbibiro lang siya. Natatawa talaga ako sa pag-iinarte niya. Para siyang tanga.
"Dami mong alam kasalanan mo rin naman yon."
"Eh sa gusto lang kitang makasama that time eh. Pakiramdam ko kasi ikaw na lang ang pwede kong makausap non, pero that time sinungitan mo pa ako kaya ayon, nadagdagan ang sama ng loob ko. Ang hirap pala talagang gustuhin ka, pero ayos lang, kung ang masaktan ako habang ginugusto ka ay tatanggapin ko." muli akong nakaramdam ng guilt sa puso ko nang marinig ang sinabi niyang iyon. Tumitig ko sa mga mata niy, malamlam iyon, kitang kita mo ang lungkot. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mahawa sa lungkot na nakikita ko sa mga mata niya. Nakangiti siya pero malamlam ang mga mata niya.
' Hindi ko alam kung paano ko maiibsan iyang lungkot na nararamdaman mo. Pakiramdam ko tuloy ako ng sanhi niyang lungkot na nararamdaman mo.'
"S-Sorry" hindi ko naiwasang hindi humingi ng sorry sa kaniya. Muling binalot ng guilt ang loob ko. Sinungitan ko siya nang hindi ko man lang napapakinggan ang side niya. Pero siguro kung hindi ko ginawa iyon siguro hindi ko parin maaamin sa sarili ko na gusto ko na siya.
"Hindi ayos lang, wala ka rin namang ideya that time at isa pa hindi ko naman agad sinabi sa 'yo." Aniya, hindi agad ako nakapagsalita. Biglang nangibabaw ang katahimikan sa aming dalawa.
"Pwedeng magtanong?" Nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumiti nang bahagya.
"Oo naman yes, huwag lang confidential hehe."
"Di ko alam kung confidential ba ito pero gusto ko lang itanong kung bakit gusto mo ng makakausap that time?"
"Ahh yun ba? Wala naman, bored lang ako." Pilit ang ngiting sambit niya. Hindi ako naniwala ron dahil may kakaibang lungkot akong nababasa sa mga mata niya. Alam kong may malalim na dahilan iyon kaya hindi niya masabi sa akin. Muli tuloy akong nakaramdam ng guilt sa loob ko.
"K-Kung may problema ka pwede ka namang magsabi sa akin. Mahirap din minsan ang itago yan lalo na kapag mag-isa ka lang."
"Ayos lang ako, pero salamat."
"Nasasabi mo yan kasi pinipilit mo. Huwag mong solohin ang problema mo ok? Maghanap ka ng pwede mong pagsabihan."
"Edi ikaw na lang ang pagsasabihan ko lagi hehe. Tsaka mas ok na rin siguro na solohin ko na lang din. Ganon din naman eh. Solohin mo man o hindi masasaktan ka parin naman. Hahaha mas mainam na punan mo na lang ung pagkukulang na hindi nila binibigay sayo nang hindi umaaasa sa iba. Wala rin naman kasing mangyayari ket may kasama ka. Panandaliang mawawala ung sakit pero kapag mag isa kana doon mo ulit mararamdaman ung sakit na panandaliang nawala." Muli akong napatitig sa kaniya. Masyadong malaman ang sinasabi niya. Gets ko ang punto niya. Sa mga sinabi niya ay humanga ako sa maturity ng isip niya. Hindi ko tuloy maiwasang hindi hawakan ang kamay niya at marahan iyong pinisil. Ramdam ko ang pagkagulat niya. Hindi ko alam kung para saan itong ginagawa ko pero pakiramdam ko ay dapat kong gawin iyon lalo na para sa kaniya.
BINABASA MO ANG
It Started in San Andres St.
RomanceDahil sa paghahanap ng makakainan ay napunta sina Gregory at ang kaniyang dalawang kaibigan sa street ng San Andres. Sa paghahanap ay may nakita silang street doon na kung saan ay napakaraming kumakain. Dahil sa kuryusidad ay pinuntahan nila ito at...